Last Night With You (one shot story)

16.7K 137 11
                                    

''Ang sweet naman ng mickey ko'' niyakap niya ako mula sa likod habang nagluluto ako ng breakfast namin.

''Barney, hindi ko to matatapos sige ka wala kang kakainin niyan'' hinahalikan kasi niya ako sa leeg at medyo nakikiliti ako kaya hindi ko maayos yung paghalo sa friedrice na niluluto ko.

''Hindi naman problema yun mickey eh, nandyan ka naman'' Napangiti ako sa sinabi niya at kinilig rin, bat ba kasi napaka sweet ng lalake na to ??!

Hinigit niya ako paharap sa kanya at hahalikan na sana ng biglang tumunog ang phone niya, tsk!! panira ng moment ang phone niya itapon ko yan eh !!

>____<

''Sandali lang mickey huh, sasagutin ko lang tong panira ng moment natin'' pati rin pala siya nainis hahahaha ^___^ akala ko kasi ako lang.

''Go on barney'' then i kiss him sa lips pero smack lang dahil baka hindi ko na tigilan yun kapag nagtagal ^___^

Pumunta na siya sa sala dahil nandoon ang phone niya at ako naman ay ipinagpatuloy ang pagluluto ko.

Ilang minuto lang ay naluto na yung kakainin namin for breakfast at tatawagin ko na sana siya kaso ng mapansin ko na napakaseryoso ng pag uusap nila ng tao sa kabilang linya ay hindi ko na lang muna siya tinawag.

''Oh bakit hindi ka pa kumakain mickey?'' tanong niya sa akin habang umuupo sa upuan na nasa tapat ko.

''Hinihintay ko kasi ang barney ko'' nakangiti kong sabi sa kanya ''Kain na tayo barney'' pag aya ko sa kanya.

Habang kumakain kami ay napansin ko na parang wala siya sa sarili niya ''Barney hindi ba masarap yung mga nulito ko?'' tanong ko sa kanya pero parang wala siyang narinig ''Barney ok ka lang ba?'' nagulat ata siya ng bigla kong hawakan ang kamay niya at tama nga ang hinala ko na wala ito sa kanyang sarili at mukhang malalim ang iniisip.

''Mukhang malalim ang iniisip mo barney!'' napatingin naman siya sa akin at ngumiti.

''Ok lang ako mickey. oo naman masarap ang mga niluto mo kahit na asukal na puti ang nailagay mo dito sa niluto mong friedrice at hindi asin at ito namang itlog na pinrito mo ay di pa luto, masarap pa rin talaga'' bigla ko siyang hinampas sa kamay, kakainis naman eh >____< pinapahalata lang niya na hindi ako marunong magluto eh!!

Last Night With You (one shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon