Nagdaan na ang bagyo.
Lumipas na ang bakas ng nakaraang digmaan.
Humupa na ang pagbaha
ng nakaraang mga luha.
Kupas na rin ang mga larawan
ng pusong sugatan.
Tuluyan nang naghilom ang mga sugat
at malaya na mula sa kadena ng pagpapakasakit ang pusong dati rati'y inaaaraw araw ang pagpalahaw.Tapos na.
Gaya ng isang talatang tuluyan nang pinatahimik ng isang tuldok.
Tapos na.
Gaya ng pagtigil ng ulan matapos ang bagyo.Tapos na.
Gaya ng paghinto ng bus sapagkat ang destinasyon ay narating na.Tapos na.
Tapos na ang pikit mata kong paggiling sa nakaliliyong musika ng hulas mong pagmamamahal.Tapos na.
Gaya ng tulang ito na tuluyan ko ng pakakawalan sa iyong harapan.gaya ng tulang ito na magtatapos na
sapagkat ito ay tapos na.
tapos na tayo.