Paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko kung bakit nga kita minahal.
Wala akong maibigay na sagot.
Hinanap ko ang sagot sapagkat naniwala ako noon na sa oras na malaman ko ang dahilan ay maaari ko na ring magawan ng remedyo ang dinaramdam kong pasanin.
Naisip ko kasi, kung ang pananakit nga ng ngipin nagagawa nating pigilan at iwasan
Bakit naman hindi ko ito magawa sa puso ko.
Pareho lang naman na nananakit ang puso at ngipin ko.
At naisip ko
Marahil ay puno na ng cavities ang ngipin ko kaya sumasakit.
Gaya ng puno na rin ng cavities ang puso ko kaya pumapalahaw na naman ito.
Masakit maranasan ito. Ang sumakit ang ngipin at ang masaktan ang iyong puso.
Baka naman pwede naman ng gamutin ang pananakit ng puso ko. Gusto kong makakita ng kaligayahan. Ng totoong kaligayahan.
Makapapasyal nga sa dentista bukas.
Sumama ka na rin. Mukhang mas marami kang cavities kesa sakin.
BINABASA MO ANG
Mga Hithit buga ni My labs
Romancethis is a journal written by a guy for his friend who seemed to be the epitome ng mga babaeng lutang at tila nagiging instant tanga pagdating sa pag ibig. (im speaking in general here. :) para sa isang lalaki na nakikita ng malinaw ang mga kagagah...
