Nagmahal ka ng bula. Oo. Bula. Minahal mo ang isang tao pagkakitang pagkakita mo pa lamang sa kaniya at naisip mong napakagandang tanawin niya. Taglay niya ang kristal na kariktan at lumalagos sa kabuuan niya ang bahag hari at talaga namang napakaganda noon di ba. Ngunit hindi tulad ng pagmamahal na inialay mo sa kaniya ay hindi niya magawang magtagal sa piling mo. Tulad ng isang bula sa sandaling hangang hanga na sa kaniya ang munting bata ay bigla na lamang siyang nawala. At siyempre umiyak ang paslit sa pagkawala ng kahanga hangang bula.
At umiyak ka rin. Umiyak ka nang umiyak. Umasa kang muling makikita ang bula hindi ba?
Masamang balita. Ang isang bula sa oras na lumisan ay hindi na muli pang magbabalik.
Tahan na. Hindi ka talaga nun mahal.
BINABASA MO ANG
Mga Hithit buga ni My labs
Romancethis is a journal written by a guy for his friend who seemed to be the epitome ng mga babaeng lutang at tila nagiging instant tanga pagdating sa pag ibig. (im speaking in general here. :) para sa isang lalaki na nakikita ng malinaw ang mga kagagah...