Hindi ko alam kung ano ba ang mas masakit.
Iyong malaman mo na nagmahal ka ng isang taong wala ng ibang kayang gawin kundi ang gamitin ka at gawing sumpungan sa mga sandaling nangangalaingan siya.
O ang maging tulad ko na kahit alam naman na hinding hindi maaaring maging tayo, sapagkat alam kong ayaw mo naman talagang maging tayo, eh patuloy pa ring umaasa at ipinagdarasal sa Diyos na sana sa pagkakataong ito ay magkamali naman ako. Ngunit alam ko naman eh. Palagi akong tama pagdating sa pagtingin sa mga bagay. Alam kong wala naman talagang tayo. Ikaw. Ako. Oo may ganoon ngunit kailanman ay walang "tayo". Nakakaloko lang. Nakakatawa rin. Bakit nga ba pinipilit nating mapasaatin ang mga bagay na alam naman nating imposibleng mapasaatin.Dahil ba sa likas na optimistic tayong mga Pilipino? O dahil sa mahilig lang talaga tayong mangarap nang gising.
BINABASA MO ANG
Mga Hithit buga ni My labs
Romancethis is a journal written by a guy for his friend who seemed to be the epitome ng mga babaeng lutang at tila nagiging instant tanga pagdating sa pag ibig. (im speaking in general here. :) para sa isang lalaki na nakikita ng malinaw ang mga kagagah...