Chapteer 2

19 2 0
                                        

[ A/N: Si Samira nasa multimedia ]


(SAMIRA ALVAREZ POV)

"Wow... parang nangangain ng mga boplogs ang village na 'to ha." Sabi ko

habang nakanganga at naa-amaze sa mga bahay na nakikita ko.

Nandito na kasi ako sa Sierra Grisham Village. Hindi na ako nagpahatid kina Kuya Rico

at sa asawa niya since nakakahiya na din.

"Block 173, Foxrock Street. Heto na nga yata yun." Pero teka hindi ba ako

namamalikmata? Nakatayo ako ngayon sa isang black and white contemporary luxury

house, na may malaking garden sa loob. Shoot! Ito na ang dream house!

Biglang gumalaw yung camera sa may gate at may nagsalita, "Are you a guest?"

"Pfffttt." Natawa ako, nasabi kasi saakin ni Ate Pia na online security system daw ang

nagbabantay sa bahay ng anak niya para malayo sa magnanakaw. Boses babae yung

computer. Kausapin ko lang daw na parang tao. "Yes."

"Do you have the home password?"

"Yes." Nakasulat na sa palad ko yung eleven unique character password sa bahay na

'to.

"Please enter the password." I moved forward dun sa may pindutan at medyo

kinakabahan. Nagwarning kasi saakin si Ate Pia na kapag na-enter ko daw ay wrong

password, magti-trigger daw agad yung security alarm nung bahay at pwede pa akong

mapagkamalang magnanakaw.

"Q-G-7-1-3-S-J-1-F-V-5" Sinasabi ko habang nanginginig sa pagpindot nung mga

numbers at letters. Potek, hindi ako pwedeng magkamali.

Nakahinga lang ako nang malalim nang bumukas yung gate. "Thank you and

welcome to Mr. Eleazer's house. Please feel at home."

"Thank you! Thank you din!", nag-bow pa ako dun sa security camera, para lang

tanga. Anyway, pumasok na ako, at sumara naman agad yung gate. Saka ako

dumirecho sa loob ng bahay.

"Tao po?" Kanina pa talaga ako nagtatao-po. Pero wala nga talagang tao dito.

Nakabalandra lang ang mga gamit ko sa tabi, at napatingin ako sa mga nakadisplay na

picture frames sa may side table.

"Siya na siguro yung Eli." Napangiti ako. "Ang cute!" Nakatingin ako sa picture ng

isang lalaki, siguro mga twelve years old pa lang ang batang ito. "Pero ang bata

naman niya para tumira lang nang mag-isa dito."

Well, malalaman ko rin ang lahat kapag dumating na siya. Ano bang malay ko, baka

may personal yaya siya at kasama niya yun sa school. "Bakit naman kasi hindi ko na

lang tinanong kay Ate Pia kahapon."

Tapos, inilipat ko na agad yung atensyon ko sa buong bahay. Para akong titira sa hotel

nito! Kapag tinamaan ka nga naman ng swerte!

Fine Arts major in Interior design ang course ko, kaya sobrang nakaka-amaze lang ang

bahay na ito. At napagisip-isip ko na since wala namang tao, maglilibot muna ako.

My Crazy Nephew-In-LawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon