Chapter 3

22 2 0
                                        


[ A/N: Tignan nyo si Eleazer, nasa multimedia (: ]


ELEAZER PASCUAL POV)

"Ikaw? Auntie ko? Pakelam ko kung asawa na ng kuya mo ang mommy ko!"

"Grabe ka na magsalita ha! Tandaan mo mas matanda pa rin naman ako sa'yo"

"The heck I care! Matanda ka nga, pandak ka naman!" Pinagpatuloy ko na lang

ang pagkain ko ng noodles. Pagkasabi ko nun, nanahimik siya. Tama lang noh! Baka sa

labas ko siya patulugin eh.

At lalong wala siyang karapatang sumagot dahil una sa lahat, nakikitira siya sa bahay

ko. Pangalawa, nakikain pa siya ng noodles ko, at pangatlo! Ang pinaka mahalaga sa

lahat, sinipa niya ang pagkalalaki ko. Takte, naalala ko, sumakit tuloy ulit.

After kong manood ng basketball game sa TV, pumasok na din ako sa kwarto ko. Iniwan

ko siya sa living room, bahala na siya sa buhay niya.

*riiiiinnnnngggggg*

Alas-sais na? Umaga na agad! Amf! Nakakatamad pumasok! Pero dahil sa mas

nakakatamad ang tumambay dito sa bahay, papasok na lang ako.

Pagdating ko sa school, "Idol!!!" Bungad agad saakin ng dalawa kong tropa, sina Waine

at Argel. "Aga natin ngayon ha."

Naupo lang ako. Sarcastic yung pagkasabi nila na maaga daw ako. Late kaya ako ng 20

minutes. "Si Sir Kulot?" adviser namin. Actually kulubot dapat nickname ko dun eh,

mas kyut lang yung kulot.

"Umalis sandali. Good timing ka ha. Kanina ka pa hinahanap nun eh."

"Idol lagot ka dun..." Ako lagot? Tignan natin!

Then Sir Kulot entered the room. Napatingin siya saakin at sabay sabing, "Mr. Pascual,

you're late."

"I know." Nagtitigan kami, pero syempre obvious naman kung sino ang mananalo.

"Alright, continue na tayo sa lesson class." Ahahahahahaha! Tinignan ko sina Waine

at Argel, nang nagyayabang.

"Idol ka talaga." Pssss! Ako pa!

Ngayon kung itatanong niyo kung bakit hari-harian ako dito, that's because anak ako ng

isa sa may-ari ng school namin. Si papa, half-Korean na nasa Korea lang ngayon, ay isa

sa mga co-founder at may may biggest share sa South Grisham High School.

Ah! Bukod pa nga pala sa connections ko, I'm a Sahun or a Master! Eighth degree black-

belter in Taekwondo. Isang degree na lang, pwede na akong tawaging Grand Master or

Sasung. And because of that, mas lalong walang pwedeng bumangga saakin.

(¬_¬)

"Uwi na ako pre!" Tatlong oras na din kasi ang lumipas nung matapos ang klase

namin at tumambay muna kami sa bahay ni Waine.

"Sige idol! Bukas, sa inyo naman kami tatambay ha!"

My Crazy Nephew-In-LawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon