(SAMIRA ALMIREZ POV)
Ano nanaman bang ginawa ko at nabad-trip itong si Eli? Sige na aamin na ako na
sobrang gwapo siya, super bango pa niya at walang babaeng hindi kikiligin sa kanya.
Kahit ako naman talaga natutuwa kapag naglalambing siya eh. Kaso, kakaibang landi
yung pinakita niya nung nasa bookstore kami. Ewan, hindi ko siya maintindihan!
"Okay na ba yung project mo?" Nandito ako sa university, at magkalampungan kami
ni Byron ngayon, tutal wala namang tao sa paligid. Mabuti naman, nandito siya.
Nakakalimutan ko si Eli!
"Oo... Two days nga lang, natapos ko na yun eh."
"Buti ka pa! Tulungan mo naman ako, beb! Sa Monday na yun diba."
"Hmmmm... kiss muna!" Tinuro ko yung cheeks ko, at ni-kiss niya naman ako. "Sige
na! Malakas ka saakin eh!"
"Thanks bebe Sam!" Nagtawanan kaming dalawa. Magkakilala na kami simula pa
nung highschool, at magka-close kami na higit pa sa inaakala ng iba! As in! Because
we're more than just friends.
"Uy kinilig naman ako dun! Gawa tayo sa bahay ng pamangkin ko ha!"
"Pamangkin? Okay!" Super excited na ako! Gusto ko kasing makilala na ni Eli si
Byron! Ang one and only BF ko!
(ELEAZER PASCUAL POV)
"Tulala ka na naman Idol?"
"Nung Monday ka pa ganyan ah. Gusto mo tumambay muna sa bahay
mamayang uwian?
"Ano ka ba Waine! Si Sam baka mag-alala! Diba Idol?"
"Pwede ba, wag niyong banggitin saakin ang pangalang na yun!" Bad trip pa rin
ako sa babaeng yun. Tomboy siguro yun kaya hindi napapansin ang appeal ko! Hindi sa
gusto ko siyang magkagusto saakin, nakakasira lang ng pride! Wala pang babae ang
nakakatanggi saakin noh!
"Eh di, sa inyo na lang ulit kami tatambay! Friday naman eh!"
BINABASA MO ANG
My Crazy Nephew-In-Law
Fiksi RemajaCool... Charismatic... Handsome... Handsome And Handsome... Ahh basta gwapo sya... Napakulit nya lang -____- .................. After Samira's traumatic incident, her brother and her sister-in-law came up with a solution. She agreed to them in an...