One

10 0 0
                                    

Zia's POV

"Hello? Nasan ka na ba? Sabi mo dadaanan mo ko samin para sabay na tayo pumasok?-Yes.-...Ugh! Faster!" kainis talaga tong bruha na to. Kanina pa ko nakaready para sa School. At kanina nya pa din ako pinaghihintay.

Umupo muna ako sa Sofa namin at pinaikot-ikot ang phone ko sa kamay.

"Hi Sissy!" nagulat ako. Bigla na lang papasok at yayakap.

"Ano ba Drea! Antagal mo. Bagal mo talaga forever!" sabay irap ko sa kanya at naglakad na palabas ng bahay. Sumakay ako sa Porsche ko at ganun din sya.

"Ikaw din Sis. Forever highblood." tumawa sya at inirapan ko lang. Ganto na talaga tong kaibigan ko na to. Parang takas sa mental.

Pagkarating namin ng School ay andami ko kaagad nakitang bagong mukha. Andaming transferees. Last year na nag transfer pa. Napailing na lang ako.

"Anong number ng room natin?" tanong nya.

"Room 3." simpleng sagot ko. We're on fourth year already. Kaya naman sabi nila Mommy ay magpakatino na daw ako. Like, what the ef? Matino naman ako.

Dumiretso kami sa Building ng Seniors at hinanap ang Room 3.

"So kamusta na kayo ni Michael?" ngiting ngiti na tanong ng kasama ko.

"Break na." sagot ko. Napahinto naman sya at nilingon ko. "Oh, bat ka huminto? Bilisan mo nga."
Naglakad na ulit ako at hinawakan nya ko sa braso.

"Seriously? Eh diba mahal na mahal ka 'non? What happened? Did he cheated on you?" natawa na lang ako sa mga tanong nya. Nakalimutan nya yata ang rule ko sa buhay.

"He never cheated on me." nagulat sya sa sagot ko. Nakakatawa talaga ang isang to.

"Eh bakit kayo nag break?!" nasa harapan na kami ng Room3, i shrugged.

"Nakakasawa." i said. Pumasok na ko at sumunod naman sya. Kukulitin na naman ako nito mamaya. For sure.

Umupo ako sa pinaka likod na upuan. Last 3 seats. Sa gilid ako umupo at dun si Drea sa pangatlo. Buti naman at ayaw ko syang katabi.

Pumasok ang Teacher at binanggit ang taon-taon ko ng natirinig na School Rules and Regulations. At dahil madami daw talaga ang transferees this year, ay mag i-introduction daw. Bored.

Isa isang nagpakilala ang mga classmates ko, since nasa likod kami ay medyo panghuli kami.

"Hi. I'm Tina Pacheco. 16 years old." sabi ng babaeng nasa harap ko.

Natawa ako sa pangalan nya, "Tinapa!" tawag ko sa kanya at kinawayan ko. Tumawa naman ang mga kaklase ko pati na rin si Drea. Namutla ang Tinapa at bumalik na sa upuan nya, na nasa harapan ko. Sinipa ko ang upuan nya at hindi naman sya nagreklamo.

Now, it's my turn.

Lumakad ako papuntang harapan at tumahimik ang lahat, iniintay ang sasabihin ko? Napangisi ako.

"I'm Zia Montello." yun lang ang sinabi ko pero nakangiti ang karamihan. May mga sumipol pa na lalaki, at inirapan ko lang. Natawa naman sila.

Dahil wala pang nakaupo sa tabi ko, ay si Drea na.

"Hi." kumaway sya. Luka talaga. "I'm Andrea Marquez. 16 years old." bumalik na sya sa upuan nya at nag thumbs up sakin. Tinanguan ko lang sya at tumingin sa may pinto, nang biglang may pumasok na lalaki doon na pawis na pawis at ang laki ng bag. May dala pang mga libro. Ang laki ng Reading glasses nya at may braces. May tagyawat sa mukha. At loose ang Uniform nya.

Natahimik ang lahat.

"Sorry, I'm late." yumuko sya at pinapasok ng guro. Humanap sya ng available na seat, at natagpuan nya ang tabi ko. Naglakad sya papunta doon at nilapag ang gamit.

Mauupo na sana sya pero...

"Introduce yourself." sabi ng teacher namin. Kinamot nya ang ulo nya at nahihiya pang pumunta sa harap.

"H-hello." Nakakunot ang ilan sa mga kaklase ko ang iba naman ay di mo mabasa kung ano ba ang iniisip. "I'm Austin Salcedo." yumuko sya at naglakad pabalik sa upuan.

Nang makalapit sya ay hindi ko napigilan ang bibig ko.

Hindi ako nakatingin sa kanya at sa board ako nakatingin. "Panget." napalingon sya sa akin.

Hope?Less LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon