Two

6 0 0
                                    


"Panget." napalingon sya sa akin.

Halatang nagulat sya dahil hanggang ngayon ay nakatingin sya sakin at hindi pa din umuupo.

Nilingon ko sya at tinaasan ng kilay, "May problema ka?" mataray kong tanong sa kanya.

"W-wala." panget na nga utal utal pa magsalita. Umupo na sya at ako naman ay ganon lang, poker face.

Kailan ba mababago pag first day? Sana naman maganda diba. Hindi puro intro at kung ano-anong kaek-ekan.

May mga pumapasok na subject teacher's at nagpapakilala. Syempre, ako hindi nakikinig. Hindi naman ako interesado sa mga pangalan nila. Besides, wala namang nagtatanong. Kami, kaya kami nagpapakilala it's because they want to. Ang babaw man, pero ayoko talaga sa mga teacher's na madadaldal. Yung magtuturo na lang, magsesermon pa. The ef.

Dismissal na at gaya ng naging gawain ni Drea ay agad nyang kinapit ang braso nya sa braso ko.

"Take it off. May ginagawa ako. Can't you see?" inaayos ko kasi ang bag ko tapos biglang kakapit.

"Alam mo, di ka pa rin nagbabago. Can you just please," huminga sya at tumingin sakin "be calm."

"Let's go." inirapan ko sya at naglakad pero napatid ako sa kung saan, at nang tignan ko ay lalo akong nainis.

"Bakit ba nakaharang yang bag mo sa daanan!?" irita kong tanong sa Panget na katabi ko.

Halatang nagulat sya dahil namutla ang mukha nya, "Wag mo nga syang sigawan Zia. Hindi naman sinasadya nung tao." pagtatanggol ni Drea sa panget.

Aba, at mas kinampihan pa nya.

"S-sorry." yun lang ang nasabi nung Austin. Naglakad na ako palabas at hindi pa sumusunod sa akin si Drea. Nagpunta ako ng Café at umorder.

Maya maya ay biglang umupo si Drea ng hingal na hingal. "Ba't mo ko iniwan? Hinanap pa tuloy kita. Gahd!" pinunasan nya ang pawis nya at umorder na din.

"So, what happened?" tanong nya habang kumakain. Napakunot ang kilay ko. Ano na naman bang sinasabi nito?

"San?"

"Sa inyo ni Michael. Diba he love's you very much. And you, mahal mo din sya, diba? Nung niligawan ka nya, hinarap nya pa yung Parent's mo. Na hindi nagawa ng iba mong ex. Nung naging kayo, lagi kang nakangiti, hindi naman sa lagi, pero madalas. Ang O.A naman kasi kung lagi baka ngawit na yung panga mo 'non."tumawa sya, nakatingin sya sakin at naghihintay ng sasabihin ko, wala naman akong balak sabihin. At napansin nya 'yon.

"Tapos a month ago, nagtatanong sakin si Michael kung may problema ka, kasi pansin daw nya na ang cold mo na. Once a day ka na lang mag reply sa text's nya. Minsan nga hindi pa. Pag pumupunta sya sa bahay nyo, kakausapin mo lang raw sya saglit, at papasok ka na sa kwarto mo."

So nagkukwento pala sya kay Drea, hindi ko alam na ganon sya ka curious kung anong nangyayari.

"Sagutin mo ako Sissy!" niyugyog nya pa ang braso ko na nakapatong sa table. "Please." she win's. Kahit naman ganto ako, hindi ko matitiis tong takas sa mental kong bestfriend.

Huminga ako ng malalim at binitawan ang tinidor na hawak ko, "Like what i've said lately, nagsawa ako. Yes, i do love him. Pero noon yon. Lahat pwedeng magbago. He never fail. He never cheat. He never forgot our monthsarry or anniversarry. He always have surprises. Lahat ginagawa nya. For 2 years, naging masaya ako. Kami pareho. Pero may kulang. Hindi ko alam kung ano, at nagsawa ako."

Kumunot ang noo nya, "What?! Yun lang ba yung dahilan mo? Gosh, Zia! He cries because of you! Iniisip nya kung may nagawa ba syang mali, pero ganon lang? Nagsawa ka?!" hindi ko masisisi si Drea kung bakit ganyan sya mag react.

Mag pinsan sila.

"He never do anything wrong Drea, ako yung hindi na masaya sa relationship namin. Bata pa tayo, kung kami, e di kami talaga." tinapos ko ang kinakain ko at tumayo na.

Si Drea yung naging dahilan kung bakit naging kami ni Michael. She told me before na may cousin sya na may gusto sakin. At dahil playgirl talaga ako, pumayag akong ipakilala nya sakin si Michael. Hindi naman masama, dahil gwapo sya. May hawig sila ni Drea, umamin sya. Hanggang sa naging kami.

Akala ko din sa sarili ko na laro lang, parang yung mga past ko before Michael.

Habang hindi pa seryoso, hindi ko ipapakilala kay Mommy at Daddy.

Yan ang first rule ko. Kaya lang ayon, i fall for him. Niligawan nya pati mga magulang ko. 14 pa lang kami non, pero nagawa nya na ang mga hindi ko akalain na magagawa nya.

Kaya lang, nagsawa talaga ako. Nawala na lang bigla yung Love, ewan.

"Ouch! Ano b-!?" nagulat ako dahil may nakabangga ako at muntik pa kong mapaupo, pero hinawakan nya ang magkabilang braso ko,

Mas lalo akong nagulat ng makita kung sino 'yon.

"Michael?!"

Hope?Less LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon