Four

5 0 0
                                    

Bwisit talaga. Sinisigurado ko na hindi na mauulit yung kaba na naramdaman ko kahapon.

Kahit ako ay hindi ko din alam kung bakit ba ganon. Tss. Crap.

"Hi Sissy!" natigil ako sa paglalakad dahil sa babaeng 'to. Hindi ko na kasi sya naisabay kanina.

"Hello." sagot ko ng hindi sya tinitignan. I'm used to it. Dati pa.

"You know what, may nanliligaw sakin Sissy. Sa room natin," napakunot ang noo ko. That fast? E kakapasok lang namin kahapon, right?

"What's his name?" tanong ko. Dapat makilala ko muna kung sino 'yon. Baka mamaya e lokohin lang non ang bestfriend ko. Tss, wag nyang subukan.

"Hm, Si Neil. Yung pinakagwapo sa room natin. OhMyGosh! Alam mo ba nung hiningi nya yung number ko kahapon, sobrang kinilig ako. He's damn handsome." sabi nya habang kinikilig pa. Napailing na lang ako, at pumasok na dahil andito na kami sa tapat ng room.

Nasa may pinto pa lang kami ng nagsalita na naman si Drea, "Si Austin oh, Yieee!" tinuro nya ang upuan sa tabi ko at tinusok tusok ang tagiliran ko.

"Shut up." i hissed. Mabilis akong naglakad papunta sa upuan ko at inilapag ang bag ko. Naramdaman ko pa ang pagtitig sa akin ng lalaking nasa kanan ko.

Ilang minuto syang ganon lang ang ginawa kaya't hindi na ko nakapagtiis at nilingon ko na sya, "Problem?" tanong ko sa kanya ng nakataas ang kilay ko.

He just smile at me and shrugged. Ano bang problema nya? Kainis.

"Class, i want you to have a group dance. It'll be romantic dance. We will have two groups. You'll perform that by pair. So boys and girls. Okay?" - Sir Liam

Sa room namin ay may 4 lines,
Girls / Boys. / Girls. /Boys
Yan yung set up ng room namin, kaya naman hinati nya ito para magkaron ng two groups.

"Yung katapat nyo ang magiging partner nyo, so you will perform that next week. Marami pa kayong oras para mag prepare. That's all for today, goodbye."

Ngayon ko lang naisip ang sinabi ni Sir Liam,

"Yung katapat nyo ang magiging partner nyo,"

"Yung katapat nyo ang magiging partner nyo,"

"Yung katapat nyo ang magiging partner nyo,"

Napalingon ako sa lalaking katapat ko at nakitang nakatingin sya sa'kin. Bumilis ang tibok ng puso ko at feeling ko ay namumula na ako.

Sya din ay ganon, namula ang kanyang mukha lalo na ang tenga at ilong nya.

Agad akong nag iwas ng tingin.
Shit! Ang init!

Pagkatapos ng morning class namin ay agad kaming lumabas, pero biglang may sumulpot at nakisabay sa'min ni Drea.

"Can i join your lunch?" nakangiting tanong ng manliligaw ni Drea. Tss, feeling naman nya kinagwapo nya?

"Sure." ngiting-ngiti na sagot ni Drea. Masama talaga kutob ko sa lalaking to. Yung ganyang mga klase ng pagmumukha ang hindi dapat pinagkakatiwalaan. Haha

Lakad lang ako ng lakad at hindi sila kinakausap hanggang marating namin ang Cafeteria. Sila lang naman din kasi ang nag-uusap. Feel ko talaga ako yung out of place dito e, hindi ba dapat yung Neil yung OP dito?

Nauna na akong umorder sa kanila dahil sila muna ang magbabantay ng table. Pagdating ko sa Cashier ay nagulat ako kung sino ang nasa tabi kong sabay na umoorder.

"One Carbonara, and one Milk Tea." mas lalo akong nagulat ng parehas kami ng inorder.

The f*ck?!

"Ginagaya mo ba ako?" taas kilay kong tanong sa kanya.

Ngumiti lang sya at nagkibit-balikat, "No. Parehas lang siguro tayo ng gusto." at tumingin na sya sa Cashier at nagbayad.

Ganoon din ang ginawa ko at kinuha na ang pagkain ko, Parehas lang siguro tayo ng gusto. minsan ang ewan din magsalita nung Austin na'yon.

Palapit na ako ng bigla kong makita na may babaeng galit na galit na papaunta sa direksyon nila, "Drea" bulong ko sa sarili ko.

Tumaas naman ang kilay ko dahil nandoon na ang babae sa gilid ng table nila Drea ay hindi pa din ito napapansin nung dalawa. Tawa lang sila ng tawa, hanggang sa nagulat ako sa ginawa nung babae,

Hinampas nya ng malakas ang table dahilan para maagaw ang atensyon nung dalawa at pati na rin ang mga taong andito sa loob ng Café.

Tumaas lalo ang kilay ko sa ginawa nya.

Lumapit ako sa kanila at nagpunta sa likod ng babaeng eskandalosa para mapakinggan kung ano ang sinasabi nya.

Dinuro duro nya si Drea at galit na galit ang mga mata, "You Bitch! Ang landi landi mo! How there you to flirt with my boyfriend?!" galit na sigaw nitong letcheng babaeng to. Konti na lang bingo na sya sakin.

Umiling si Drea at nagsalita, "Hindi ko sya nilalandi." minsan tanga din 'tong babaeng to e. Minumura na sya nung babaeng mukhang clown ay ganyan pa din sya kung magsalita. Mabait talaga, pero hindi maganda yung palagi ka na lang mabait.

Kailangan mo din lumaban.

Inilapag ko muna ang pagkain ko sa table na nandito sa likuran ko. I mouthed wait dun sa mga eatudyante na nandoon, tumango naman sila.

"Damn you! Kitang kita ko kung pano mo landiin ang boyfriend ko! You bitch!" sasampalin na sana nya si Drea pero too bad, ang bagal nya.

Kinuha ko kaagad ang kamay nya at pinihit paharap sa'kin.
Kita ko ang gulat sa mukha nya, napangiti ako.
"Slap her, at manghihiram ka ng mukha sa aso." nakangiting sabi ko sa kanya. Nanlaki naman agad ang mata nya, pero maya maya lang ay nagbago ito at naging kalmado.

She smirked, "Natakot naman ako." nagkibit balikat lang ako, "Hindi mo ba kilala kung sino ang kausap mo?" i shrugged.

"Hindi e." umarte ako na para bang nag iisip. "Ah! I already know you! Ikaw pala yung nakikita ko tuwing may party!" pumalakpak pa ako at tumawa "Ikaw yung Clown, right?" narinig ko ang pagtawa ng nga estudyante at ang pagsinghap ng babaeng Clown.

Sasampalin sana nya ako pero mabilis kong nahawakan ang braso nya, tinaasan ko sya ng kilay, "BITCH! I'M THE QUEEN BEE!" napakalakas ng pagkakasabi nya at para bang pinagmamalaki nya ang pagiging bubuyog nya.

Natawa ako. "Oo nga. Yung bubuyog. Ayaw mo pa ng Clown. Well, okay naman. It's either, Clown or Bee. It'll fit on you." natawa ang mga tao at kasabay non ang pagsampal sakin. Ramdam ko ang tinginan ng mga estudyante at napasinghap sila sa nangyari,

Nag angat ako ng tingin at nginitian ang babaeng galit na galit na, "Ano?! Lalab-" hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya at agad ko na syang sinampal. Kalahati pa lang 'yon ng pwersa ko pero ayun, lagapak ang mukha nya sa sahig.

Naramdaman kong may humawak sa braso ko at maluha luha na. Tss, it's Drea.

"Tara na." bulong nya sa'kin. Tumango lang ako at bumaling ulit sa babaeng nakaupo pa din.

"Sa susunod na subukan mo pang awayin ang kaibigan ko, Hindi lang 'yan ang matatanggap mo." tumalikod na ako sa kanya.

"Thankyou Sissy." mahinang sabi sakin ni Drea. Lumingon uli ako kung nasan ang babae kanina, "Next time, pakilakasan naman yung sampal. Parang namitik ka lang e." i said, and smiled sweetly.

Lumingon naman ako kay Andrea ,

"You're always welcome. We're like sisters naman na." i laughed. And she cries.

Hope?Less LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon