Chapter 1: Falling into Pieces

46 5 3
                                    

Andrei's POV

"Ay! ang gwapo talaga nya.."

"Ang aking prince charming nandyan na!"

"Fafa Andrei, ang hot mo talaga!"

"Hoy! anong fafa ka dyan?! akin sya!"

"Anong iyo? Tumigil ka nga dyan echuserang froglet!"

"Hoy anong froglet ka dyan huh gusto mo ba ng away?!"

Tsss..mga babae talaga ohh.Kung makapagbulungan wagas.At mukhang mag aaway pa yata sila...

Yan ang mahirap sa mga babae makakita lang sila ng gwapo sa paningin nila e gusto na kaagad nila maging kanila.Ano kami laruan?

Bago pa sila tuluyang mag away sa harap ko ay pumagitna na ako sa kanila.

"Psh! pwede tumigil na kayo? Wag naman Sana kayo dito mag away.Tingnan nyo oh marami ng nakakakita sa inyo.Hindi ba kayo nahihiya" mahinahon ko na awat sa kanila.

Kaagad naman na tumigil ang dalawa at sabay pang nagwalk out.At nang dahil dun, lalo pang lumakas ang mga bulong bulungan na ng mga estudyante na naduon.

Napabreath-out na lang ako sa nangyari.

Hay buhay! panira ng araw yung mga yun ah...Pero di bale na lang, makikita ko naman si Asha ngayon.Ang babaeng matagal ko ng gusto at nililigawan.One year na rin akong nanliligaw sa kanya, Kelan nya kaya ako sasagutin?...

I hope mamaya na ang pagkakataon na yun...

Oo nga pala mga readers, nakalimutan ko munang magpakilala sa inyo.May makukulit kasi na fan girls ko na muntikan pa yatang mag away sa harap ko.By the way, ako nga pala si Andrei Ferrer,18 years old.I'm studied here at St.Mary's College.Bale third year college na ako sa kursong B.S accountancy.

And as I've said earlier, meron na akong nililigawan.At yung ay walang iba kundi si Asha Martines.Sya ang Queen bee dito sa school.
Maganda,matalino,mabait at socially inclined.

Marami nagsasabi na bagay daw kaming couple dahil queen bee sya at ako naman daw ang king.

Sounds weird,right?

Pero Ok na yun as long as sya yung ipapartner sa akin.

Papunta ako ngayon sa rooftop ng main building ng school.Doon ko kasi sya isusurpresa mamaya at tatanungin kung pwede na ba maging kami.

Nang makarating na ako dun, nadatnan kong patapos na rin ang mga co-students ko na mag-ayos.Pinaghahandaan ko talaga ang araw na ito para kay Asha...

I'll make these day memorable...

Ilang saglit pa at natapos na rin sila sa pag-aayos.Ready na rin ang lahat. Pati na rin ang orchestra at mga surprises ko ay nakahanda na rin.Tanging si Asha na lang ang kulang para mas lalong maging kapana-panabik ang lugar.

Hindi ko mapigilan na kabahan sa mga sandaling ito.Sana ito na yun...

Tinawagan ko na ang isa sa mga Kaibigan nya para paakyatin na sya dito sa kinaroroonan ko.

Maya maya pa ay may sumenyas na sa akin na paakyat na daw si Asha.Kayat pinatugtug ko na ang orchestra para mas maging romantic ang lugar.Naka formal wear ako ngayon kasi para sa akin isa ito sa pinakaespesyal na araw sa  akin.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at nasilayan ko na ang mukha ng taong pinakamamahal ko.Dahan dahan syang lumakad papunta sa akin.

Ang tanging naiisip ko lang ngayun ay kami lang dalawa.Pakiramdam ko, naglaho ang lahat ng tao na nasa paligid lang namin.Tumatalon ang puso ko sa tuwa habang patuloy syang tinititigan.Batid ko sa kanya ang saya na kitang kita sa kanyang mga ngiti.

The Moonlight PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon