Chapter 4: Back to Normal

38 5 1
                                    


Andrei's POV

Ilang gabi na rin ang nakalilipas simula nang mabigo ako kay Asha at nung huli kaming magkita ni Yanna.

Ever since, wala pa rin namang pagbabago sa nararamdaman kong sakit magpahanggang sa ngayon.Nakakalungkot nga lang isipin na hindi ko na kaya pang ibalik ang mga nasirang pinagsamahan namin ni Asha.

Ewan ko ba, nakakabakla mang sabihin pero hindi ko pa rin maiwasang maiyak sa kinahinatnan ng relasyon naming dalawa lalo pa't ngayon, nalaman ko na ang dahilan kung bakit nya ako nagawang iwan nang ganun ganun lang.

Kitang kita ko ang mga pangyayaring lalong nagpakirot ng aking puso.

Nakita mismo nang dalawang mata ko kung gaano sya kasaya sa piling nang isang varsity player dito sa campus.Habang ako, tila bagang isang hangin lang na dumaan sa harapan nya.

Grabehan lang, parang wala lang sa kanya ang isang taon kung panunuyo ko sa kanya. Ni isang salita man, wala syang ibinigkas upang makahingi ng pagpapatawad ko sa loob ng isang taong pagpapakatanga ko sa kanya.

Ganun ba ako kadaling iwan?

Gwapo naman ako,matangkad,mayaman, running for valedictorian ng batch namin at higit sa lahat, mabait naman ako sa lahat.

CAMPUS HEARTTHROB na nga ako kung ituring nang mga kababaihan dito sa campus.

Kaya ko naman iwanan ang lahat nang bagay na meron ako ngayon para lang sa kanya e kaso iniwan nya pa rin ako.

Tss. Di bale na nga lang.I'm going back to normal again. Babalik na ako, kung sino ba talaga ang isang ANDREI FERRER na nakilala nang karamihan.

Pipilitin kong talikuran ang nakaraan namin ni Asha Pero hindi nangangahulugan iyon na makakalimot rin ang puso ko sa sakit na naidulot nya sa akin.Masakit at mahirap mang gawin ang mga bagay na iyan, pero para sa ikakapanatag ng puso ko at diwa ko,kakayanin ko.

And besides, may buhay pa rin naman ako na kailangan kong ipagpatuloy kahit wala sya.

"Ay fafa Andrei oh, nakangiti pa rin kahit Alam mo na diba sinaktan sya ni bruha" banggit ng isang babaeng estudyante sa paligid.

"Oo nga, Pero mas Ok na ring ganyan sya noh kesa naman nagpapakasaya sya kay Asha" bulong ng isa pa.

"Kung sabagay, mas mabuti na yong ganyan sya diba kesa naman nagmomukmuk sya dyan sa isang tabi" usal nang isa pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Moonlight PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon