Yanna's POV"Saan ka galing mahal na prinsesa? kanina pa kami nag aalala sayo.Pati na rin ang iyong mahal na amang Hari at inang Reyna"
Nagulat na lamang ako sa tinig na nagmula sa aking likuran.Batid ko na lahat sila'y nag aalala sa akin sa mga sandaling nawala ako dito sa aming kaharian...
"Uhh... nagpahangin lamang ako sa hardin Florentina" -painosente kong sambit.
Sya si Florentina, isa sa mga pansarili kong utusan dito sa palasyo.Pero hindi porket na mababa lamang ang kanyang tungkulin dito sa palasyo ay hanggang utusan na lng rin ang Turing ko sa kanya.Para sa akin, isa sa sya pinagkakatiwalaan at pinakamatalik kong kaibigan. Mula pagkabata ko pa lamang kase ay sya na aking kasa-kasama.
"ganun po ba mahal na prinsesa...Ipagpaumanhin inyo po kung labis ko kayong nabigla sa aking pambungad na pagbati sa inyo" nakayuko nyang tugon sa akin.
Kaagad naman akong lumapit sa kanya at itinaas ang kanyang ulo.
"Ano ka ba... ayos lang ako." banggit ko sabay yakap sa kanya.
"Uh.. maraming salamat po" nahihiya nyang sambit.
Grabe lang namiss ko talaga Syang yakapin nang ganito.Pakiramdam ko kasi binabagabag na ako ng aking konsensya sa aking pagsisinungaling sa kanya.
Nang bumitaw na ako sa aking pagkakayakap sa kanya ay hinila ko naman sya sa malakulay ginto Kong veranda sa aking silid.
Sa mga sandaling ito, ramdam na ramdam ko ang bawat pagdampi ng malalamig na hangin sa aking balat. Maski ang masamyong amoy nang mga mababangong bulaklak na nagmumula pa sa aming hardin ay tuluyang bumabalot rin sa kalagitnaan ng madilim na paligid sa aming kaharian.
Sa gantong posisyon, tanaw na tanaw ko ang malawak na parte ng kalupaan sa gawing kanan kung saan naroroon ang dark forest.Ang lugar kung saan delikado ang maglakbay nang walang kang dalang panangga laban sa mga maiitim na mahika na bumabalot dito.
Sa gawing kaliwa naman ay matatanaw mo ang aming maliit na bayan kung saan ay aming pinamumunuan.
Mga payak na kabahayan ngunit puno ng pag ibig sa isat isa.
At sa katabi naman ng mga kabahayan na iyon ay kitang kita ko ang kulay berde at matatayog na halamanan ng mga palay na sumasayaw sa bawat paghampas ng hangin.
"Tunay na kahanga hanga talaga ang ating palasyo Florentina" sambit ko habang mataman na pinagmamasdan ang mapayapang kapaligiran.
"Tama po kayo mahal na prinsesa.Tunay talagang pinagpala ang ating palasyo sa mga biyayang ating natatamo.Ang sarap pong pagmasdan ang kayamanang ito ng ating kaharian" nakangiti nyang winika sa akin habang patuloy na palinga linga sa magandang kapaligiran.
Magkasama naming pinagmasdan ang mapayapang kapaligiran ng aming kaharian.
Sa gantong pagkakataon namin sinasariwa ni florentina ang aming mga alaala.Sapat na sa amin na ganto pa rin ang takbo ng sitwasyon.
***
*tok *Tok
Sabay kaming napalingon sa aming likuran nang may marinig kaming kumatok sa pintuan ng aking silid.
Kaagad namang tumayo si Florentina sa kanyang pagkakaupo sa aking tabi upang pagbuksan ang sino mang kumatok.Habang ako naman ay mapayapa lamang na nakasunod sa kanya.
Nang mabuksan ni Florentina ang pinto ay tumambad sa kanya ang isa sa mga katiwala dito sa aming kaharian. Kaagad naman syang napaatras upang bigyan ako Nang daan sa panauhin.
BINABASA MO ANG
The Moonlight Princess
FantasyPayag ka bang magkaron ka ng isang kaibigan na Hindi mo naman talaga kilala? At naniniwala ka ba na pwede pala mapasok ng isang so called prinsesa ang buhay mo nang dahil sa isang pagkakataon kung saan ikaw ay nag iisa. Meet Andrei Ferrer, isang cam...