Chapter One.

1.3K 18 4
                                    

Chapter One.

"Tom, kailan pa? Saan ba ako nagkulang?! Binigay 'ko naman ang lahat sayo.." Narinig 'kong sabi ni Mama. My God, nag aaway nanaman sila ni Papa tapos sa harap 'ko pa!

Tsaka ganun naman talaga e.. Ibigay mo man ang lahat o hindi, hahanap at hahanap padin ng iba yang mga lalaking yan. Ang swerte mo nalang talaga pag minahal ka ng lalaki ng tunay.

Nag kibit-balikat lang ako at pinagpatuloy ang pagsagot sa authograph na 'to na pinasagutan samin ng feeling president namin sa klase. For pete's sake, third year HS na kami and as far as I remember, I'm still in Grade nung huli 'ko 'tong ginawa. Tch.

Second day ng klase bukas and wala pa kaming class officers pero may feeling president kaagad. Kairita lang. Akala mo student teacher.

Name: Jhamieca Shanine Bartolome Valencia

Birthplace: Secret.

Birthdate: January 4, 19**

Address: Sa tabi ng kapit-bahay namin.

"M-matagal na.." Maiuha-luhang sagot ni Papa.

At ngayon naman umiiyak din si Papa? Mga lalaki nga naman. Hindi lang pala ang mga babae ang mahirap intindihin, mga lalaki rin. Grabe rin naman kasi 'to si Papa. Nakakainis na! Si Mama naman patuloy lang sa pagmamahal kay Papa. Lahat tinitiis niya. Feeling 'ko nga sa sobrang pagmamahal ni Mama kay Papa e kahit na makasama namin ni Mama dito sa bahay yung kabit ni Papa e tatanggapin niya e. Pero bilib din ako kay Mama. Kung ako kay Papa mamahalin 'ko talaga si Mama at hindi 'ko gagawin 'yun. At kung ako naman si mama e makikipaghiwalay na ako kay Papa.

Isinantabi 'ko muna ang ginagawa 'ko at pumagitna kila Mama. Sinusuntok at pinapalo na kasi ni Mama si Papa sa dibdib at patuloy padin sa paghagulgol.

"Ang tagal 'ko ng nagtitiis sayo! Akala 'ko matatagalan 'ko, akala 'ko makakaya 'ko ang lahat! Hindi pala! Lahat ng pambababae mo, tiniis 'ko! Ang hiling 'ko lang naman e maipagmalaki mo kami ng anak mo at mahalin mo kami ng totoo! Yun pala hanggang hiling, ilusyon at pangarap lang pala yan dahil may iba kang pamilya! Sana pala noon palang sinunod 'ko na ang mga payo ng mga kaibigan 'ko! tama nga sila, masyado na 'kong nagpapatanga para sayo," Sigaw ni Mama.

"Mahal kita, Kristine. Alam mo yan. Pero ewan 'ko ba! parang may kulang!" Sigaw naman ni Papa.

"Hindi 'ko na alam, Tom. Hindi 'ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa mga sinasabi mo. Sa lahat ng mga nangyayari ngayon, parang hindi na ako naniniwala sa lahat ng mga sinasabi mo at sinabi mo noon," 

"Mahal? Kung mahal mo talaga si Mama, hindi ka magkakaroon ng ibang pamilya. Walang taong nagmamahal ng dalawa. Dahil kung mahal mo talaga yung nauna, hindi mo magagawang magmahal pa ng iba. Kung talagang mahal mo si Mama, maipapagmalaki at mamahalin mo siya ng totoo. Kahit si Mama nga lang e, kahit hindi na ako.." Sabi 'ko tsaka ako umalis.

Dumeretso aagad ako sa likod ng bahay at humiga sa duyan. Gusto 'kong mapag-isa.

Totoo naman ang mga sinabi 'ko diba? Oo, mali na sinagot 'ko si Papa pero sobra na kasi siya. Akala 'ko kabit lang yun pala may pamliya talaga siya sa iba. Nakwento sa'kin lahat ni Mama kahit noong hindi pa sila mag asawa. Likas na babaero at flirt talaga si Papa. Noon pa;lang ganito na rin sila. Panay ang hingi ng tawad ni Papa. Ganun din ang pagsasabi niya na mahal na mahal niya si Mama at pangangako pero paulit-ulit nyang ginagawa ulit yon. Si Mama naman masyadong nagpapakatanga.

Nagulat ako ng biglang umulan kaya napatakbo ako papasok ng bahay pero natigilan ako sa narinig 'ko.

"Maghiwalay na tayo," Malamig na sabi ni mama kay Papa at inayos ang sarili niya. Ang gulo ng buhok niya, namumula ang mukha..

Halata sa mukha ni Papa na nagulat siya pero bigla niyang niyakap si Mama samantalang nanatili lang na nakatayo si Mama.

Akala 'ko hindi sususko si Mama.

Akala ko kaya niya pa.  

Akala ko makakapagtiis pa siya.

Hindi na pala.

Sabi ni Papa at Mama sa'kin hindi sila maghihiwalay. Sabi lang pala nila yon.

Madaling sabihin, mahirap gawin.

Nanghina ang tuhod ko dahilan ng pagkasalampak 'ko sa sahig. Para akong naubusan ng lakas, parang binibiyak ang puso 'ko. Ang sakit sakit pala talaga pag nangyari na. Akala 'ko kasi hindi gaanopng masakit. Sobra pala.

Masakit na umiiyak ang mga magulang 'ko.

Masakit na nasaktan ni Papa si Mama.

Masakit na nasasaktan si Mama.

Masakit na hindi kami biniyayaan ng Diyos ng masaya at maayos na pamilya.

***

Seducing my EX BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon