Chapter Seven.

421 8 0
                                    

Chapter Seven.

One week na rin ang nakalipas after magpunta ng Pakers sa bahay at 'yung eksena namin ni Michael sa kusina. Everything went well naman except sa problema kila Mama and Papa. Sobrang affected talaga ako dahil doon. I'm trying my best na hindi ipahalata iyon sa mga kaibigan but I can't. Mahirap.

Parang kapag napasobra 'yung kain mo tapos kailangan mong gumamit ng rest room pero may tao pa and worst, may kasama kang kaibigan? Mahirap magpigil. Mahirap magpanggap. Ganun...

Laging wala si Mama kasi laging umaattend ng blind dates, group dates, parties... Mga ganun. Si Papa naman minsan wala rin kasi nasa isang family niya though pag wala si Mama at nasesense ni Papa na malalate ng uwi si Papa, nagpapadala siya ng guard dito.

Alam mo 'yung feeling ng may magulang ka pero parang wala? It sucks. Bigtime.

"May I know what's eating up your mind?" Tanong ni Michael.

We are here at the parking area of our school. Nakaupo lang sa isang gilid sa ilalim ng puno ng mangga. Breaktime pa naman eh. Naging close na rin naman kami and... Suprisingly, he knows how to respect and not to take advantage naman pala. We're in good terms na. We also don't make na out unlike one week ago, he'll kiss me like there's no tomorrow when he finds a chance.

It's nice to know that Michael's mind is not really full of dirty thoughts. There are times naman pala na maayos siyang kausap...

"Wala naman.. It's just that.. Ugh," Hindi 'ko matuloy 'yung sasabihin 'ko. Hindi 'ko alam kung magandang idea ba ang pagsasabi ng problema 'ko kay Michael.

"You can trust me. I'm always here," Ngumiti siya na para bang inaassure niya ako na totoo 'yung sinasabi niya.

Pumikit ako, "Naghiwalay na kasi ang parents 'ko. May ibang family pala kasi si Papa. Yung family niya na yun yung lagi niyang kasama in public blah blah blah blah blah tapos ayun... Ako parang anak sa labas at si Mama parang kabit. Tago eh."

"What do you mean? Anong 'tago'?"

"Wala namang nakakaalam tungkol sa amin. Pag may events my mom and I would stay at the house... Pag family day sa school dati hindi na kami pumupunta kasi ang excuse ni Papa kami nalang nila Mama ang magcecelebrate pero the day will end up na kami lang ni Mama ang magkasama kasi wala si Papa." Tumawa ako ng mapakla, "Iniisip ko na lang ngayon na baka family day din ng iba pa niyang anak sa iba niyang pamilya. Ayun..."

"You know what? My mom would stay up all night para lang umiyak at uminom ng alak... My dad... Lagi naman siyang nasa office. Kung hindi sa office niya sa bahay, office niya sa kung saang lupalop man ng Maynila yon. Sabi nga nila baka iyon ang dahilan kung bakit ako ganito," He sighed, "You know, yung gago, babaero... Ganun. Hindi raw kasi ako nabibigyan ng pansin. Somehow I agree with them pero this is me, eh. Hindi nila ako masisi. Ang gusto ko lang naman ay ang parents ko pero wala eh. Kaya wag mong isiping mag isa ka lang... I'm here."

"Exactly! That is exactly what I'm talking about! Lagi ko nga rin yang naririnig eh. Tsaka noong bata ako lagi pa akong nabubully noon! I guess ito ang kinalabasan nun. Hahahahaha. Rebel nga raw ako ng very very light," Sagot ko.

"Thank you, Michael." Ngumiti ako, "Hindi ka naman pala tulad ng inaasahan ko." Dagdag ko pa. "Rebel ako ng very very hard, Mhieca..." Bulong niya sa akin.

Napatingin ako sakanya.

He smiled seductively. "Sabay tayong magrebelde, Mhieca. Baka dahil dun, sabay din tayong mapansin ng parents natin." Hinawakan niya pa ang kamay ko na hinalikan ang likod ng palad ko. Nakatitig din siya sa akin.

Shoud I say yes or not?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seducing my EX BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon