Chapter Two.

818 15 0
                                    

Chapter Two.

Isang linggo na ang nakalipas simula nung pangyayaring 'yon. Dito padin naman nakatira si Papa at patuloy na sinusuyo si Mama pero parang walang naririnig si Mama. Siguro nga talagang pagod na at sawang sawa na siya sa pananakit ni Papa. Aba, hindi 'ko naman masisisi si Mama. Simula nung magkarelasyon palang sila hanggang ngayong mag asawa at may anak na hindi padin nagbabago si Papa.

Nagpaalam na ako sakanila at pinilit 'kong ngumiti kahit peke. Ayokong makita nila na nalulungkot ako, imbes na magmukmok ako, tutulungan 'ko nalang si Papa to win Mama's heart AGAIN. Kahit na I'm still affected, mad and hurt because of what happened, I still want my family to be happy. Teenager lang ako na naghahangad na magkaruon ng maayos at masayang pamilya.

Tsaka paano nalang ako kapag naghiwalay si Mama at Papa ng tuluyan? Hindi 'ko naman alam kung saan ako titira. Kay Mama ba or kay Papa? Well, I really want to be an independent HS student pero iba padin kapag kasama mo ang pamilya mo. Lalo na ngayong nasa teenage years na ako. Diba? Wala rin naman kasi akong kapatid. Mga kamag-anak naman namin e kalat-kalat at hindi ko pa kilala 'yung iba.

"Oh, may problema ka? Bakit nakasimangot ka?" Tanong nung feeling close 'kong classmate nung makapasok na ako sa room.

Hindi 'ko siya sinagot, umupo nalang ako sa proper seat 'ko na nasa last row at malapit sa bintana.

"Gusto mo karutin natin gamit ang nail cutter yung dahilan ng pagsimangot mo? Tapos ipapakagat natin sa super daming antik tapos papaliguan natin ng alcohol? Hmm.. Tapos ihagis natin sa baba tutal nasa fourth floor naman tayo. What do you think?" Tanong pa niya. Sadista na nga, ang kulit kulit pa!

Ngumisi nalang ako at sumimangot din. I don't feel like smiling.

"Ayyy! Hoy, hoy, hoy! Mga PAKERS! Puntakayo dito, may new member ang barkada," New member? "Si Mhieca nga pala, siya yung sinasabi 'ko. Pasayahin natin daliiii!" What the hell?

"Sha nalang," Sabi 'ko. Psh -_-

"Gusto 'ko Mhieca. Basta, Mhieca! Member ka na ng barkada! I'm May," 

"Maybe it's Maybelline~" Sabi nung lalaking papalapit samin Natawa naman ako at biglang tumakbo yung dalawang babae at isang lalaki papalapit samin.

"Nakooooo! Tumawa na siyaaaaaa!" Sabay na sabi nung dalawang babae.

"Hindi na siya abnormaaaaal.." Manghang mangha na sabi nung lalaki na kasama nung dalawang babae. Aba, loko 'to ah.

"Gago," Sabi 'ko. Hay nako.

"Abaaaaaa, nagmura siya.. Astig," Sabi nung lalaki na naunang dumating.

"Uy, loko kayo. Siya nga pala si Mhieca." Sabi ni May.

"Alam namin. Psh," Sabi nung lalaking kasama nung dalawang babae.

"Lul. Siya ng apala si Kebong, Ichad, Karylle at Patty." Sabi ni May.

"Ano? Kebong, Ichad, Karylle at Patty?" Tanong 'ko. I'm not reallt good at memorizing names.

"Yup! Tapos ako si May," Sabi niya sabayturo sa sarili niya.

"Maybelline," Singit ni Kebong.

Natawa naman ako. Diba brand ng make up yun? Haha. Name talaga ni May yun? Lels.

"Kasali ka na sa barkada ha," Sabi ni Ichad.

"Langya. Agad agad? Grabe 'to si Underworld!" Sabi ni Karylle.

"Ano? Underwear? Underworld? Undertaker?" Tanong 'ko. Ang kulit nung tawag sakanya. Haha.

Nagtawanan naman sila. Si Underwear nakasimangot.

"Basta. Kabardkada ka na namin." Sabi ni Patty.

Tumango nalang ako. Magiging masaya 'to. Haha. =))

***

Seducing my EX BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon