Chapter 2

368 24 5
                                        

Salamat po sa mga nagbabasa at nagtiyagang mag-intay ng update. I waited for my laptop po dito sa Lucban e, kaya matagal na di nakapagUD. Well here it is! Lovelove

***

Akala ni Jin, si Yvonne ang maiinis. Yun pala...

"Pansinin mo naman ako hoy! MONSTER PRESIDENT!! Pansinin mo ako!!"

...kabaligtaran.

Tahimik lang kasing inaayos ni Yvonne ang mga request papers para sa Acquaintance Party at parang hindi nageexist si Jin sa mundo nya. Yun bang parang may suot syang earphones pero wala naman talaga. Magaling yata ang focusing abilities ni Miss President.

Pero may suot nga talaga syang earphones ngayon. Kaya inis na inis si Jin.

"Monster President!!!" Sigaw na naman ni Jin. "Hoy witch!!"

Natigil naman si Yvonne sa pagchecheck at tinanggal ang nasa kaliwang tenga nya. "May sinasabi ka ba, Esguerra?"

"ARGGHHH!! WALA PO KAMAHALAN!!!" At sumalampak na uli si Jin sa sulok at naglaro sa cellphone.

Napangiti naman si Yvonne ng kaunti dun dahil finally, tumahimik na rin ang SC Room. 

Wala naman kasing kahit anong kanta sa playlist nya.

***

"Padilla!!!" Nagulantang si Theo dahil sa sigaw ng kaklase nya. "Oh, Paola, bakit?"

"Kanina ka pa kasi nakatulala dyan! Pinag-uusapan natin ang thesis natin!! Ano bang title ang pwede?! Kainis naman oh! Pasalamat ka gwapo ka kundi kanina pa kita nasapak!"

Natawa naman sya dun. Exception ba talaga ang mga good-looking ngayon?

E di exception pala si Yvonne sa lahat? Isip nya. Nagulat naman sya sa naisip nya. Ngayon kasi ay parang ginawang waiting shed ni Yvonne ang utak nya. Eh ano bang nangyari? Hinatid lang naman nya si Yvonne. Yun lang. No more no less. E bakit ayaw magmove-on ni Theo dun sa hatid thingy na yun?

At ngayon lang nya naalala na kaklase nga pala nya si Yvonne.

Natapos na ang break time at nagsipasukan na uli ang mga kaklase nya sa classroom. Pero si Yvonne, wala pang bawas yung pagkain. Oo, sa lahat ng kaklase nyang pumasok si Yvonne lang ang hinanap nya. Medyo weird. Siguro dahil sa kabibili lang nito dahil kakatapos nya lang mag-ayos ng paperworks. Feeling nya tuloy ang walang kwenta nyang Vice President.

Wala pa naman yung teacher kaya nilapitan nya muna si Miss President. "Yvonne."

Tinigil naman nito ang pagkain at tumingin sa kanya. "Bakit?"

Teka, ano nga bang itatanong nya? Bakit parang nablangko yung utak nya? "A-ano..."

"Ano?"

Weird. Ngayon lang sya naubusan ng sasabihin. 

Buti na lang pumasok na yung teacher. Saved by the bell tuloy sya. "Mamaya na lang." At bumalik na sya sa upuan nya.

Pero weird talaga ang inaarte nya kay Yvonne.

Nagbigay lang yung teacher ng groupings para sa report. At dahil sya ang nag-iisang letter P ang apilido at R-Rabara... Alam na.

Padilla - Rabara.

Iniwanan na sila nung teacher nila. Medyo tamad magturo. 

"Anong topic yung nabunot mo?"

"Family Tree ni Rizal."

"Ah, okay." At hinati na ni Yvonne kung kanino ito at kanino ito. Sa kanya yung mula sa Tatay at kay Yvonne naman yung sa Nanay.

E di sila na one big happy family. Bumalik din agad yung teacher, may kinuha lang yata.

"Hi Ma'am!" Sino pa bang manggugulo sa kalagitnaan ng klase? May iba pa bang pwedeng manggulo? 

"Mr. Esguerra, you are 30 minutes late."

"Alam ko po Ma'am. May orasan naman po ako." Pilosopo nyang sagot. Tawanan naman yung mga kaklase nila, sya lang kasi nakakagawa nun sa teacher nilang terror.

"Bigyan mo ako ng isang magandang rason kung bakit kailangan pa kitang tanggapin sa klase ko." Mataray na sabi nung teacher nila. Syempre, di sya papatalo! Teacher kaya sya.

Bumuntong-hininga muna ang loko. "Ang dami pong bakanteng upuan, Ma'am. Ibig sabihin lang po noon hindi sila nageffort na pumasok man lang sa klase nyo. Tapos ako na nahuli lang ng 30 minutes, hindi nyo papasukin? Nagpakahirap po akong pumunta sa klase nyo, kinapalan ko ang mukha ko na batiin kayo kahit alam kong papagalitan nyo ako, para lang makinig at matuto sa klase nyo. Konting konsiderasyon naman po, Ma'am."

Nganga silang lahat. Habang preskong-presko namang naglakad si Jin papunta sa upuan sa likuran ni Yvonne. 

"Saang grupo ka ngayon, Esguerra? Eto at nagiging considerate na ako sayo. Sumama ka na lang kina Rabara at Padilla."

Uh-oh.

***

 "Sa amin na lang." Suggest ni Theo. They are deciding kasi kung saang bahay sila gagawa ng report.

"Pwede ba sa inyo?" Casual na tanong ni Yvonne. Pero ang totoo kanina pa gustong lumabas ng pawis ni Theo. Nalinis kaya nya yung kwarto nya? Maayos ba?

Feeling naman ni Jin e outcast sya. Paano, parehas na grade conscious yung dalawa, sya ay... conscious lang. 

"Ano... siguro pwede naman. Kaso -"

"AISH! SA BAHAY KO NA LANG!!!" Napatingin naman silang dalawa bigla kay Jin. Bigla-bigla ba naman kasing sumisigaw.

"Bahay mo?" Tanong ni Yvonne.

"Oo, bahay ko! Mag-isa lang kasi ako dun e."

"Wala ka bang kasama?"

"Mag-isa nga di ba?" Pamimilosopo na naman ni Jin. Tsk. Para namang may bago dun sa pambabara nya kay Miss President.

"Kina Esguerra na lang tayo, Padilla. Nakakahiya naman kasi sa mga kasama mo sa bahay kung doon pa tayo, at magsasama pa tayo ng... ng... ng katulad nito." Sabay tingin kay Jin. 

"Anong problema mo na naman sakin!?"

"Mahilig kasi sa ibon ang Nanay ni Padilla. Baka mapagkamalang pugad yang buhok mo, Esguerra." Hehehehe. Laki talaga ng problema ni Miss President sa buhok ni Jin.

"Kakahiya naman!" At naglakad na papalayo si Jin. Alam naman kasi nyang lagi syang natatalo kay Yvonne pag buhok na nya ang pinupuntirya.

Hindi talaga natawag ng first name si Miss President. Ewan din nga kung bakit e. "Yvonne, bakit hindi ka tumatawag sa first names?" Tanong ni Theo. 

Pero bago pa man makasagot si Yvonne e may umepal na naman. "ITO?? ITONG KUTONG LUPANG ITO?! TINATAWAG MONG YVONNE!? HA-HA-HA!!" Kulang na lang lagyan nya ng 'Note sarcasm' sa mga sentences ni Jin. "EH KAGAGANDANG PANGALAN NG YVONNE EH! DI BAGAY DYAN!! MONSTER PRESIDENT, SUBUKAN MO, MAS BAGAY PA! HAHAHAHAHA!"

"Monster President? Di naman bagay ang pagtawag ng ganun kay Yvonne. Hindi naman sya monster." Pagtatanggol ni Theo. Pinaninindigan yata ang pagiging Mr. Nice Guy.

"E DI MAGSAMA KAYO! GALING NYO EH!! TARA NA NGA AT NANG UMUUSAD TAYO SA REPORT!!"

Akala mo nakalunok lagi ng megaphone si Jin.

-

Laters, baby. :D

Hello. MEDYO LATE. TAPOS ANG IKLI PA. HUHUBELLS. KAYA AKO'Y NAGPAPASALAMAT SA KUNG SINO MANG NAG-AABANG DITO. KUNG MERON LANG.

Monster PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon