Update after ten thousand years. Hello. Pasensya kung may typo error, sa phone lang ako nagtatype. Lovelove
-
"Mag-mamanila paper ba tayo o powerpoint presentation?" Tanong ni Yvonne sa dalawa. Keep it cool ang peg nya lagi kapag nandyan si Jin.
"Mag-manila paper na lang tayo, Yvonne." Suggest ni Theo. "Para pag kumopya ang mga kaklase natin, hindi na tayo mahihirapang magpabalik-balik ng pindot."
"Hn." Tumango naman si Yvonne.
"Aksaya lang yun sa manila paper at pentel pen! Powerpoint presentation na lang! May laptop naman ako eh! Type type na lang!"
"Babaan mo yung boses mo. Wala ka sa sariling bahay nyo."
"Eh ano? May school policy pa rin ba dito, Monster President?" Pang-aasar na naman ni Jin.
"Wala. Manners ang tawag doon, Esguerra."
Tameme si Jin. Nakakailang points na kaya si Miss President?
"Mag-powerpoint na lang kasi! Daming arte. Psh." Reklamo ni Jin. Gutom yata kaya kanina pa sya sinusumpong.
"Ako na lang magsusulat. Manila paper tayo. Magbrainstorming na lang kayo dyan. And please, wag kayong mag-away. Esguerra, tumino ka."
Nagsimula na si Yvonne sa pagsa-summarize ng pagkahaba-haba nilang report. Ano bang meron kay Rizal at kailangang pag-aralan? Pati ba naman yung tsismis about sa tatay nya na may kabit dati kailangang pag-aralan? Let the rumors be rumors!
Nakalipas ang tatlumpung minuto at natapos na ni Yvonne ang ilan sa mga sulatin. Samantalang si Theo at si Jin...
"Si Saturnina ang naging unang anak ng mag-asaawang Francisco Mercado at Teodora Alonzo, tapos sumunod si Paciano -"
"Bakit ang pangit naman ng pangalan nila? Bakit una babae? Hindi ba parang nakakainis yun kasi babae yung tagapagmana ni Francisco?"
"Hindi ko alam kung bakit, Jin. Ang sumunod kay Paciano ay si Narcisa -"
"Ilan ba silang lahat na magkakapatid?"
"Eleven."
"Hindi ba uso ang family planning?"
"Mayaman sila. Hindi nila kailangang magtipid sa mga anak."
"Eh di ba nawalan nun ng pera si Rizal, nung sinusulat nya yung El Fili? Paano mo nasabing mayaman sila?"
"Ginigipit ng mga Espanyol ang pamilya ni Rizal noon kaya walang maipadala si Paciano kay Rizal."
"Eh di hindi sila mayamang-mayaman!"
"Sino bang maysabing mayamang-mayaman?"
"Kakasabi mo lang!"
"Sabi ko, mayaman lang."
"Binabaligtad mo sitwasyon?! Tsk!"
Biglang tumigil ang dalawa sa pagtayo ni Yvonne. "Magbreak muna tayo. Stressed na kayo dyan."
"Ako na gagawa ng merienda, Yvonne." Alok ni Theo. Tutal sya naman ang host. Bakit di lubus-lubusin, di ba?
"Hindi, ako na." Sabat ni Jin. Hindi nya rin naman alam kung bakit sya nagvolunteer, e wala nga syang alam sa kusina.
"Hindi, ako na - "
"Ako na nga! Minsan na nga lang ako tumulong e!"
"Ako na, okay? Kalma." Suhestiyon ni Yvonne. Ang totoo, gusto nya lang makalayo sa dalawang kanina pa nagbabangayan. Ano nga bang meron at nagbabangayan ang dalawa eh halos hindi naman sila close?
Hindi nya rin alam.
Lumabas na lang si Yvonne para bumili ng kaunting tsitsirya at biscuit dahil wala namang masyadong laman ang fridge.
Nakakainis sa loob, bakit ba napakaliit na bagay pinag-aawayan nila? Hindi naman importante yun. Isip nya. Nakakainis ding isipin na kagrupo ko pa si Esguerra. Bakit ganun ang ugali nya? Mayaman siguro. Spoiled. Malas ko dahil kagrupo ko sya. Si Padilla naman, ayos lang. Grade conscious naman yun kahit papano. Malinis din ang records nya sa school.
Hindi katulad ni Esguerra, na halos guidance counselor na ang humingi ng another set of records para sa rules na naviolate nya.
Ugh.
Jin's POV (Dami nyang exposure lagi no? Unpeyr!)
Bakit kasi kami pang dalawa ang naiwan? Anong gagawin ko dito sa - manok na 'to? Oo manok! Bwisit, putak ng putak kanina pa!
Pero di ko nga maintindihan kung bakit kami nagbangayan kanina. Ngayon ko lang yata nakausap to sa tanang buhay ko sa Riesling.
Syempre, good guy itong si manok. Eh ako? Psh. Pakialam ba?
"Hoy," tawag ko. Bakit ba? E sa ayaw ko sya tawagin sa pangalan! Di kami close! "May gusto ka bay Monster President?"
Napaiwas agad sya ng tingin. Aha! "Wag mo nga syang tawagin nyan."
"Eh sa gusto ko syang tawaging Monster eh! Monster talaga yun!"
"Talo ka lang kasi lagi sa kanya." At di na ako ulit pinansin. Di ako laging talo ah! Kakainis! Ang sabihin mo, kampi lang lagi sya dun. Tsk.
Maya-maya, dumating na yung monster. "Aish! Ang tagal! Gutom na gutom na ako kanina pa!"
Tumingin naman sya sakin. "Nagutom ka? Ano bang ginawa mo? Ang makipagtalo?" Sungit! Di wag nya akong alukin. Kakain ako!
Wala nang naririnig kundi yung pagnguya.... ko. Eh gusto ko maingay. Gusto ko din naiinis si Monster. "Hoy, Monster President." Hindi naman sya tumingin. Kailangan ko pang pumunta mismo sa harap nya. "Hoy, may tatanong ako."
Tumingin sya, sa wakas. Pakipot pa. "Kung liligawan ba kita, may pag-asa ako?" Walang kaamor-amor syang tumitig sa mata ko at sinabing, "Wala." At bumalik sa pagkain.
Eh ano? Hindi naman yun ang pakay ko. Napangisi ako at nagtanong ulit. "Eh kung yung manok na yun ang manliligaw sayo, may pag-asa ba?" Tinuro ko yung manok. Nagbabasa, pero pakiramdam ko nakikinig yun. Yun pa!
Mga ilang segundo sya nag-isip. Bakit sakin hindi na nag-isip?! Sabagay, ako din, hindi ko maisip na magkasama kami ng monster na to!
"Wala rin."
Yun! YES! HAHAHAHA! Sigurado akong durog durog na ang puso ni lover boy ngayon! Lihim akong nagtatalon. Dejoke, OA.
--
Natapos na din... sila. Natapos na din sila sa paggagawa ng report namin. Hoy, tulong ko na yung pagtahimik ko pagkatapos kumain! Pabor pa yun kay manok dahil dumadamoves sya kay monster. Tsk. Magsama sila.
"Salamat sa pagpapahiram ng bahay." Nakatingin sya kay manok, natural. Bahay ko ba to para sakin sya magpasalamat?
"Walang anuman. Report ko din naman yan, after all." Psh. E di report nyo ng dalawa! Di na ko kasali!
"Uuwi na ako. Pakidala na lang yung materials tomorrow." Nagpaparinig lang yang si monster. Tingnan mo, mamaya, kakagat yang si lover boy.
"Hatid na kita." Di ba? Manok pa rin.
Syempre di ako papadaig. "Ako na lang!" Sarap inisin nung dalawa.
"Kaya kong mag-isa." Pakipot ulit?
"Sige na, hatid mo na manok! Uwi na ko!" Kakapagod samahan nung dalawa.
Tss. Hinintay ko silang makalayo bago ako naglakad sa kabilang direksyon.
Dapat nakisawsaw ako e. Tsk.
--
Medyo nakalimutan ko na plot neto.
Good news: Makakaupdate na ako dito every other day! Nandito na si lappy! :"">
Bad news: Wala na yatang nagbabasa nito. Hahahaha
Lovelove

BINABASA MO ANG
Monster President
Teen FictionSUMMARY: Magsuot ng kumpletong uniporme. Pumasok ng maaga. Tanggalin ang mga hikaw sa tainga kung lalaki ka. Huwag hayaang lumabas ang panloob na t-shirt sa polo. Huwag magsuot ng palda na masyadong maikli. Huwag maglagay ng make-up. Sige ka, baka...