Chapter 1

815 33 9
                                        

//Chapter 1//

Nagkukumahog na mag-ayos ng sarili ang mga lalaki. Bago kasi magsimula ang flag ceremony, nagchecheck ng uniform ang Student Council president… at kung may kulang o sobra sa suot mo… aba matakot ka na.

“Sanchez.”

“P-po?” Kulang na lang yata e maihi tong lalaking to. Sabagay, kung ikaw din naman ang nasa posisyon nya e magtataka din ako kung hindi ka matakot.

“Buti hindi ka late ngayon.” At lumakad na ang SC president sa susunod na linya dahil sya ang nasa dulo. Phew! Nakahinga sya dun ah! Akala nya may kulang sya! Aba, improving na yata sya. Takot na lang nya.

Iba kasi ang talaga ang presence ng president. Yung tipong, pag nakatingin sya sayo, aba, mag-isip ka na kung anong mali sayo! Sya kasi yung tipo ng tao na hindi ka papansinin hangga’t sumusunod ka sa rules ng Riesling Academy.

Ang Riesling Academy ay isang eskwelahan na… sabihin na natin ay hindi naman ganoon kahigpit. Hangga’t may pera ka, pwede kang mag-aral dito. Syempre, naputol ang ‘di kagandahan’ nilang sistema nung dumating na ang kasalukuyang SC president na nagpatupad ng ‘rules’ na parang hindi naman nag-eexist nung una.

Pumunta na ang presidente sa unahan. “Elections for different clubs would be held this morning and for the Coordinating Council, meeting would be this afternoon. Room assignments are already posted at the Student Council’s bulletin board.”

Grabe, pinaglihi ba yung presidenteng yun sa salitang organized? To avoid questions daw, nagpost na ng room assignments sa bulletin board. Grabe lang, di ba?

**

Sa room ng Student Council, (sila lang ang org. na may sariling room bukod sa school paper) nagtipon-tipon na ang mga club presidents. Ang Coordinating Council kasi ang samahan ng lahat ng club presidents. Automatic na ang SC president ang president ng Coordinating Council. Since club presidents naman sila, bunutan na ang mangyayari sa natitirang positions. Vice-President, Secretary, Treasurer. The rest, members na. Okay ba yung narration ko? Gulo ko kasi.

Ang inaabangan lang naman ni SC President ay kung sinong makakabunot ng Vice-President. Kung sinong Vice, yun na yun ang magiging assistant nya at ang partner ng Student Council sa lahat ng programs sa school.

Teka, sino nga ba si SC president? Sya ba ang tinutukoy sa title na Monster President?

She’s no other than Miss Maria Yvonne Bernadette S. Rabara. Sya ang ‘Miss President’ ng Riesling Academy. Kahit may ibang babaeng club president, pag sinabi mong ‘Miss President’, automatic, sya na yun.

Wag mo syang maliitin, dahil sya ang kauna-unahang babaeng presidente ng Riesling. Kadalasan kasi, lalaki ang nanalong presidente. At kadalasan din, nanalo lang yun dahil gwapo. At kadalasan uli, halos akala mo pageant ang nangyayari at hindi election.

Nagkakagulo na yung mga club presidents, parang hindi napapansin na nakaupo lang si Miss President, tahimik. Hala, ang tahimik nya. Patay tayo dyan.

“Silence.” Sa simpleng ‘silence’ lang nya, natahimik ang lahat! Grabe talaga! “Sinong Vice?”

Walang naglalakas-loob tumayo hanggang sa… “Ako.” Pinakita nung tumayo yung papel na nakasulat ang ‘Vice-President’. So, sya na nga. Teka, sino ba si ‘Ako’?

Sya lang naman ang nag-iisang Mr. Nice Guy ng Riesling, si Theo Emmanuel Padilla. Sa opinion ni Yvonne, pwede na rin. Pwede na ring nice guy dahil hindi naman sakit sa ulo si Theo (so far) para sa kanya.

**

Matapos ang meeting, naiwan ang dalawa sa SC room.

“Wala pa pala tayong proper introduction, Miss President.” Tawag nya rito habang nag-aayos sila ng mga bangko. Tumingin naman ito sa kanya na para bang ang laking krimen ang nagawa nya.

Monster PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon