Chapter 6: IKAW na naman?!

141 3 15
                                    

Hi!! Sorry for the Late Update. Ngayon lang kasi ginanahan eh hahaha.

i dedicate this Chapter to my bestfriend and also my ate... Hi Ate Raph :)

~Raphine's POV~

Argh!! Nakakainis talaga yung mokong na yun!!! Sana hindi ko na lang siya nakita at nakilala!! My life feels like hell when that time came!!! Argh!!

Ay,, sorry naman.. Nagdadrama ako dito.. Hahaha. Anyway, sino tinutukoy ko? Walang iba kundi yung KUYA nung kambal!! Nakakainis talaga!! jfdeaihenrgeivjbgadfijmnvhdf!!!!

Anyways, let's forget about that.. Andito na kami sa University, syempre kasama ko yung kambal ok? Monday ngayon and lunch na namin! hahahah mabilis ba masyado? wa-ako-pakels ok? hahaha.

We're on our way to the Cafeteria ng may makalimutan ako sa classroom...

"Janelle, Jane, I'll follow you na lang sa Cafeteria. I need to go back sa room, may nakalimutan kasi ako eh."

"Sure, Ate. Just hurry ok? Baka may mangyari na naman sayo eh." -Janelle. Awh. Ang sweet naman ni Janelle. Kaya love na love ko yan eh. Si Jane? Ayun snob lang pero alam kong love rin ako nyan. Bestfriend ko nga sila diba?

"Thanks. Bibilisan ko. Go na. I'll see you in a bit." after ko sabihin yan sa kanila ay nag madali na akong pumunta sa room.

Nang makuha ko na yung nakalimutan ko, agad naman akong tumakbo papunta sa Cafeteria.

May hinahanap ako sa bag ko kaya hindi ko masyadong makita ang dinadaanan ko. Patuloy lang ako sa pag takbo at sa pagkalikot sa bag ko.

Nang makita ko na ang hinahanap ko kasabay din nito ang pag bangga ko sa isang matigas na bagay. Ay, hindi pala bagay yun, tao pala yun.

Dahil malakas ang impact sa akin nun, nahulog ang gamit ko. Nakabukas ang zipper ng bag ko kaya almost lahat ng laman ng bag ko ay tumilapon sa sahig. Dahil sa gulat ko, dahil sa pagkakabangga, ay agad akong lumuhod para kunin yung gamit ko.

Habang pinupulot ko ang mga gamit ko, "Sorry, Hindi kasi ako nakatingin sa dinada--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil ng mapatingin ako sa kanya,, ay ito ang naisigaw ko...

"IKAW NA NAMAN?!" 

Hindi siya sumagot. Tinignan niya lang ako ng mga ilang minuto at agad namang naglakad palayo.

Argh!! Ang weird niya!! Wala ba siyang bibig para makapagsalita man lang?! Palagi na lang niya akong tinitignan at biglang mag wo-walk-out!! And WORST is HINDI NIYA PA AKO TINULUNGAN SA PAGPULOT NG MGA GAMIT KO!! Bastusan lang diba?! Sinong tao ba ang matutuwa sa ginawa nung lalaking yun diba?!

Argh! Naglakad na ako papunta sa Cafeteria dahil nakuha ko na yung mga gamit kong nahulog at since malapit na rin naman ako sa Cafeteria.

Pagkadating ko, padabog akong umupo. Napansin siguro ng kambal na wala ako sa mood..

"Ate Raph, anong nangyari?" -Janelle

"Wala"

"Asus! Hala sige! magsinungaling ka pa! Kilalang-kilala ka na namin, Ate. Kaya c'mon spit it out" -Janelle

"Ok ok. I know, wala akong ligtas sa inyo. Tsk."

"Ate, dali sabihin mo na. Pa-suspense ka pa eh" -Janelle. Isa na lang sasagwanin ko na tong babaeng to. Hahaha joke lang! Love ko yan. Di ko magagawa sa kanya yan no.

"Excited much lang, Janelle? Anyways, eh kasi itong lalaking nakwento ko sa inyo nun. Nabangga na naman ako sa kanya!"

"And? Ate naman eh! Tuloy mo lang yung kinekwento mo! Pa-suspense ka talaga eh!" -Janelle. Nakakainis lang diba? Excited much -.-

Complicated Love [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon