Chapter 15

40 3 0
                                    

~Janelle's POV~

Andito na si Nathan pero si Ate wala pa. Asan na kaya yun? Baka may nangyaring masama dun. Todo ngiti naman si Nathan dito. Akala mo nanalo sa lotto. Bubugbugin ko talaga to pag may nangyaring masama kay Ate.

"Nate, where's Ate Raph? I thought pinuntahan mo siya?" tanong sa kanya ni Sis. Napansin din niya pala. Malamang Nelle, shunga lang? psh.

"Yeah, I was with her earlier. Iniwan ko na siya kasi baka magtanong pa siya."

"What?! Iniwan mo? Nate naman eh. Baka maligaw yun." sagot ko sa kanya. Mukhang wala pa naman sa wisyo si Ate Raph ngayon. Para ngang may kakaiba sa kanya eh.

"Nelle, easy lang. For sure naman eh, alam ni Raph papunta dito. Nakapunta na naman siya dito dba?" sagot naman ni Michael sa akin. Aish. I'm still not satisfied with their answers.

"Aish. Oo na, oo na. Pag talaga may nangyari sa kanya lagot kayong lahat sa akin." tinignan ko sila ng masama para lang matakot.

"Takot lang namin sayo." pabulong na sabi ni Gelo. Aba't. Gago to ah. Buti may takot pa sila sa akin -.-

"May sinasabi ka ba, Matthew Angelo?!" I smirked.

"Ah, ano. Wala, Nelle. Sabi ko nga lagot kami sayo eh."

"Guys, stop it na. Baka gusto na nating pag usapan yung panliligaw? Atat na ako eh." sagot ni Nathan.

Ay, oo nga. Nakalimutan namin, pag-uusapan nga pala namin ang panliligaw ng torpeng to. Psh. Gusto pa, bongga. Eh mas okay nga pag simple lang eh. Oo, kahit mayaman kami, mas gusto ko pa rin na simple lang ang lahat para sa akin. Bakit? Eh kasi I'm just an ordinary girl.

So, ayun nga, nagstart na kaming mag-usap-usap habang kumakain. Nagstart kami sa place, sa decorations, hanggang sa kung anong oras pupunta si Ate Raph sa place. All is set. Lahat kami ay magkakatulong dito. I hope maayos ang lahat ng to pag dumating na yung time na yun.

"So guys, uulitin ko lang ah. Si Nate, sa foods. Kami ni Sis, sa decorations. Ang boys, sa sounds. Boys, since marunong naman kayo tumugtog ng instruments, yun na lang gawin niyo. Practice na lang kayo" sabi ko sa kanila.

"Nelle, pwede ba kaming tumulong sa pagdedecorate?" tanong ni Gelo with sparkling eyes pa yan ha.

"Malamang. Gago ka ba? Alangan kami lang ang gagawa nun dba? Edi hindi natapos yun." sabay irap.

"Wala ka pala dude eh. Hahahaha. Wag na kasing pormahan. Babarahin ka lang ng babarahin nyan. hahaha." pang-aasar ni Athan kay Gelo. That serves him right. hahahaha.

"Epal ka dude ha. Nelle, nagtatanong lang eh. Ayaw naman namin pahirapan ang prinsesa. Tsaka dba patutulungin natin ang mga employees ng resort?"

"Oo, pero tutulong pa rin kayo pag hindi naman kayo nagpapractice. Tatadyakan ko kayo isa isa pag di kayo nagpractice at tumulong."

"Wag naman, Nelle. Mahal kita este mahal ko pa ang sarili ko." kokotongan ko na to. Pigilan niyo ako.

"Dude, segway ba yan o talagang nadulas ka? hahahaha." pang-aasar naman ni Leo. Ngayon lang ata nagsalita to?

"Dude, nadulas ako okay? Kaya pwede ba? Tantanan mo ako."

"Sus! Pero gustong gusto mo naman! Hahaha" pang-aasar nilang lahat kay Gelo. Natatawa na lang kami sa kakulita ng mga to hahahaha.

~~~~

Nalaman namin kay Manang Lucy na nahimatay pala si Ate Raph. Pero hindi namin alam ang dahilan. Maybe dahil sa pagod. Dineretcho na raw si Ate Raph sa room niya after mahimatay tas siya na nag-alaga. Okay lang naman sa amin yun. Atleast may nag-alaga at yung caretaker pa. Kaya pala wala siya kagabi.

Nag-leave na lang kami ng note sa table niya. Aayusin na kasi namin yung place. Alam niyo naman na manliligaw tong si Nathan dba? Kaya keri langs. Pina-alaga ulit namin si Ate kay Manang Lucy dahil nga saglit kaming mawawala.

Pagkadating namin dun, handa lahat ng kakailanganin. Sinabihan ko muna isa-isa ang mga kasama ko ng about sa gagawin nila. Alam na naman nila yun kaya madali na lang.

Nag-start na rin kami para dalawang araw lang ay tapos na yung pag-aayos tapos, foods at yung iba na lang yung iintindihin. Sobra bang dami ng ginagawa namin? Hindi naman. Walo naman kami eh. Ysaka may resource kami. Wahahahhaha. Bat ba? Walang basagan trip pwede? xD

Habang nagkakatuwaan kami, napansin ko tong si Sis. Napatigil siya sa paggawa at pagtawa. Palinga-linga nga rin siya eh. Ang weird niya. Pero sa tingin ko, may nakita na namang tao yan na hindi dapat nandito. Itatanong ko na lang sa kanya mamaya.

~~~~

~Raphine's POV~

Syet. Ang sakit ng ulo ko. Bwisit. Ano bang nangyari? Shit naman oh. Ay sorry hoho. Sorry kung mura agad lols. Ang sakit talaga ng ulo ko eh.

"Oh iha. Gising ka na pala. Masakit ulo mo? Kain ka muna nito tapos inumin mo yung gamot." binigay niya sa akin yung lugaw. Mainit-init pa siya.

"Ah, sige po. Uhmm, alam niyo po ba nangyari kagabi? Nahimatay po ata ako after akong awayin nung babae eh." sabi ko habang kumakain.

"Oo. Sinabi ni Darius sa akin. Gusto niyang maalala mo yun pero wag mo daw ipaalam sa mga kaibigan mo ang nangyari." oo nga pala. Naalala ko na. Before ako mahimatay nakita ko si Dj.

"Ah. Sino po kayo? Ngayon ko lang po kasi kayo nakita." hihi. Totoo naman noh. Ngayon ko lang talaga siya nakita.

"Ako ang caretaker nitong Villa ng mga Oxfords. Yaya ako nila Darius at nung kambal." oh. Ang dami atang yaya? dbale. Mayaman kasi eh.

"Ahh. Masarap po itong lugaw. Kayo po ba ang nagluto? Atsaka nasaan po yung mga kaibigan ko?" hindi ko pa nakikita yung mga yun. Asan kaya sila?

"Oo, buti naman at nagustuhan mo. Ito, pinabibigay nila. Aalis lang daw sila saglit. May aasikasuhin lang daw. Iha, after niyan inumin mo yung gamot ha? May aasikasuhin pa kasi ako eh."

"Salamat po." tapos nag-ngitian kami bago siya umalis. Mabait naman si Manang. Tinapos ko na yung pagkain ko at uminom ng gamot.

Dahil wala akong magawa, napag-isip-isip ko na lumabas at maglakad-lakad sa may tabing dagat. Masarap daw dun pag umaga. 7am pa lang naman eh. Nagpalit lang ako ng damit at umalis.

Ang ganda dito sa Boracay. Fresh na hangin, fresh na sand, fresh na tubig. Buti naisipan kong lumabas. Ang ganda pala nito pag-umaga. Dahil kanina pa ako lakad ng lakad. Umupo ako sa sand. Ang lambot talaga. Pinong pino. White sand ng Boracay eh anong aasahan mo? Hahaha.

Habang nakatingin lang ako sa view, biglang akong naalala. Ang blurry nung scene na iyon. Halos di ko makita yung mukha nung mga tao.

*Flashback*

Nagtatayo ng sand castle ang batang babae, nang may batang lalaki na pumitik sa sand castle ko. Nasira tuloy.

"Ya!! Bakit ka ba naninira ng sand castle?!" sigaw sa kanya.

"I dont know. Maybe I'm just bored that's why. And I saw you."

"I dont care if you're bored. Find someone else that could fit to your needs."

"It looks like I'm having fun." he kicked the sand castle

"Uh.. Umm.. Hey.. Hey.. I-I'm sorry." Napatingin sa kanya ang batang babae.

*End of Flashback*

Ah shit! Sumasakit na naman yung ulo ko! Who are those kids and what does it mean? Bakit naman nagpop-out sa utak ko yun? Kainis!!! Are they part of my past? Kung bakit naman kasi ngayon pa eh!!! Ugh!!!!

Is it part of my past? Why cant I even remember of my past? Does something happen to me? Is this questions be answered someday?.....

Complicated Love [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon