[10] HARD FEELINGS?
"Jaimee."
Napalingon ako sa tumawag sa 'kin. "Kate."
"I hate you." bigla niyang bulalas habang ang mga mata'y may galit na nakatitig sa 'kin.
"Kate..." lumapit ako sa kanya at siya naman ay umatras. "Kate, bakit? Ano ba'ng nagawa ko sayo?"
"Masyado kang attention seeker. Kahit marami ang may ayaw sayo, may mga tao pa rin ang nagtatanggol at pumoprotekta sayo."
"Kate..." kunot-noo akong nagtatakang tinitigan siya. "Isa ka din naman sa pumoprotekta sa 'kin hindi ba?"
"Ayoko sayo! Kasi ikaw, walang kahirap-hirap nakakasama mo ang mga idolo ko. Samantalang ako kilalang-kilala ko na sila. E, ikaw hindi mo naman sila kilala. I hate you! I hate you 'coz i envy you!"
"Kilala? Oo, hindi ko sila kilala kasi hindi nila ako taga-hanga. Kahit pa na nakasama ko na sila. Pero Kate, kahit ikaw hindi mo sila kilala hangga't hindi mo sila nakakasama. Kung ang batayan mo lang ay yung mga nakikita mo sa t.v, nababasa mo sa internet o sa mga larawan nila. Hindi sapat 'yon. Kahit ako na nakasama ko sila kahit ilang araw, hindi ko masasabing kilala ko na sila." inis kong paliwanag sa kanya.
"Masyado ka ng mapapel, alam mo ba 'yon? Naging matayog ka dahil lang sa kanila tapos..."
Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya. "Kate, dahil lang ba sa kanila kaya nagagalit ka? Bakit no'ng una pa lang hindi mo sinabi yan? At dahil lang sa kanila masisira tayo? Mula high school pa lang magkakaibigan na tayo nila Leana pero mas iniisip mo pa sila kaysa sa samahan natin? Maipagpapalit mo ang mga 'yon dahil lang sa isang paghanga mo na hindi ikaw ang napalapit sa kanila? Kate, hindi ko naman ginusto 'yon e! Lalo na kung masisira lang ang pagkakaibigan natin dahil sa kanila! Alam ko na isa sa pangarap mo 'yon! Hindi ko gustong sirain 'yon. Hindi ko hawak ang kapalaran."
"You really never understand me." sabi niya habang umiiling at may inis sa mga mata saka siya naglakad palayo sa 'kin.
Tatlong araw akong hindi lumabas ng bahay kahit na binubulyawan at tinutulak na ko ng nanay ko palabas.
"Eme! Hahambalusin kita dyan! Hindi ka pa rin papasok?! Aba! Mag-aral ka namang bata ka! Hindi mo alam ang sinasayang mo! Pati ang E.X.O nilalayuan mo! Mamaya makahanap ng iba ang mga 'yon, nga-nga ka pa tuloy dyan! Kaya sayang mga 'yon kung mawawala pa! Aba! Jackpot ka na do'n kahit sino lang sa kanila makatuluyan mo! Kaya tama na yang emote-emote dyan. Hindi ka bagay na mag-artista!" sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto ko.
Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko. "Ma! Anak mo ko! Hindi gamit na pwede mo lang ipamigay! Saka wala akong pake sa kanila!" lalo na kung dahil lang sa kanila masisira ang lahat.
"Hay nako! Bahala ka dyang bata ka! Sa E.X.O ka manghingi ng kakainin mo!" at narinig ko na ang yabag ng paa ni mama palayo sa kwarto ko.
"Ano?!" napatayo ako sa kama. "Ang lupit ng nanay ko."
TOK! TOK!
"Ano na naman, Ma?! H'wag kang mag-alala! Next year pag-alis ng mga tao papuntang mars, sasabay na ko!" sigaw ko at nadapa sa kama.
"Jaimee, ako 'to."
Napatayo ulit ako ng marinig ko ang boses niya. At dali-dali kong binuksan ang pinto.
Bigla siyang umiyak at tinakpan niya ng mga kamay ang mukha niya. "Sorry Jaimee for not understand your feelings. Naging makasarili ako dahil yung nararamdaman ko lang ang inisip ko. Sorry... I was just jealous."
"Kate..." lumapit ako at bigla siyang niyakap. "Hindi mo dapat ako kainggitan. Kung ano man ang nakikita mong nangyayari sa 'kin? Hindi mo dapat kainggitan 'yon. At may mga bagay na nilaan para sa atin. May iba't iba tayong katangian, may iba't ibang kapalaran. At ang kapalaran mo, ay hindi pa natatapos hangga't nabubuhay ka pa. Kaya kung hindi pa nangyayari ang gusto o pangarap mo, baka hindi pa ngayon. Malay mo bukas o sa mga susunod na araw. Basta wag ka lang nawawalan ng pag-asa at tiwala. Dahil higit pa sa hinihiling natin ang binibigay niya. Just be patient. Hindi dapat minamadali ang lahat."
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Kpop (FanFic) [COMPLETED]
Fanfic(Soon to edit) She's a nerd. Who just love studying. And she doesn't know about the K-pop. When the K-pop boy group held their comeback in the Philippines. Her bestfriend Kate forced her to go with her and watch the concert. Will this event makes he...