[4] The Crowd

151 3 0
                                    

[4] The Crowd

JAIMEE'S POV

"What to do? What to do?" yan ang kanina ko pang tinatanong sa isip ko. Pati sa dalawang chismakers kong friend.

Kanina pa rin ako paikot-ikot dito sa kwarto ko at tapos na rin ako sa morning rituals ko. WHAT TO DO? kayo alam niyo? Paano ako makakaalis dito sa bahay? Kung sa tapat pa lang ay marami ng reporters at mga FANS nila? Anu na lang ang mangyayari sakin kapag lumabas ako? E, sa dami pa lang nila, malamang wala pang isang minuto todas na ang beauty ko.

"Jaimee, anong meron sa labas? bakit ang daming tao at reporters?" sabi ni mama na kakapasok pa lang ng kwarto ko.

"Ma, malamang may tao. Kasi earth to at yung reporters? hindi pa ba kayo nasanay sa anak niyong artistahin?" biro ko.

"Anak, hanggang ngayon ba ay nananaginip ka pa rin ng gising? Baka gusto mong pukpukin na kita ng kawali sa ulo ng magising naman yang diwa mo."

Ang taray ng nanay ko. Bagets di ba? Ang supportive pa! Not the sarcsm.

"Ma, di pwedeng magbiro? Saka pwede bang wag kawali? Papel na lang para malambot lambot pa."

"Ahh~ gusto mo ng malambot? E di, kama. Malambot yun kaso kasama nga lang yung bakal. Ano deal? Panigurado gising diwa mo."

Cool talaga ng nanay ko. Dinaig ako sa barahan. Yan ang nanay, mother knows best nga naman.

"Ma. Kanina pa gising yung diwa ko sa mga tao pa lang na nasa labas."

"Lumayas ka na kaya para umalis na rin yang mga yan dyan sa harap noh! Ang iingay. Hindi ako makapag concentrate sa pinapanuod ko."

"Ano bang pinapanuod mo?"

"Yung sayaw ng Girls Generation na 'I Got A Boy', ginagaya kong sayawin." sabi niya na sumayaw-sayaw pa.

"Eew~ Ma. Hindi bagay. Kadiri!" sabi ko na umiling pa.

"Tita, alam mo yung k-pop group na yun?" lumapit si Kate at hinawakan niya si mama sa balikat. "Buti ka pa tita alam mo yan. Kaysa dyan sa nerd mong anak."

Tch.

"Lumayas ka na nga!" tinutulak niya ko palabas ng kwarto ko.

"Ma! pinapalayas mo na 'ko?"

"Hindi, pinauuwi nga kita eh." sarkastiko niyang sabi. "Hindi pa ba halata? Gusto mo itulak pa kita palabas ng bahay para malaman mong pinapalayas na kita dito?"

"Nanay ba talaga kita?!"

"Hindi. Anak mo ko."

Sige mambara pa. "Pano ako makakalayas sa dami niyan?" tanong ko.

"ALAM KO NA!" sabay-sabay kaming napatingin kay Kate ng sumigaw siya.

"Ano yun?" kanina pa ko nabubwisit. Inaantok na ko sa bwisit. Ilang oras lang ang naitulog ko kaya.

"This is it! Drum rolls please!"

"Ano nga 'yon?" inis kong tanong.

"Operation Takas ni Jaimee!" masiglang pagkakasabi ni Kate na nakataas pa ang dalawang kamay. 

"Siguraduhin mong maganda at maayos yan." banta ko. "Saka, bakit parang bilanggo naman ako niyan?"

"Ang arte. Ano ba ang gagawin mo? Di ba tatakas? Para di ka masundan. Ano, choosy ka pa?" ay nagtataray ang loka.

"Sabi ko nga!"

PMS ata ito ngayon o di kaya ay may galit sa akin 'to. Ako kasi nakasama ko ang EXO. Siya hindi. Haha.

My Boyfriend is a Kpop (FanFic) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon