EPILOGUE
After 3 years and 4 months...
"Meme, hindi ka ba talaga sasama?"
Haiyst. Puro sila out of town. Sana kung out of the country yan sasama pa ko. Ilang taon na simula nang magkaroon ng comeback concert ang E.X.O. dito, but until now wala pa rin kasunod. Kaya heto, lagi na lang akong nanonood sa youtube ng mga music video nila, comercial at kung ano-ano pa.
"Ayoko. Dito na lang ako sa bahay."
"Meme, sumama ka na ng magkalove life ka naman." pang-aasar ni Steven.
"Hayaan mo siya, prinsipe ko. Masyadong dedicated kay Suho eh."
"Hahaha. Baka kasi maloka na ang kaibigan niyo, prinsesa ko." sabi ni Steven at umakbay kay Leana.
Baduy talaga ng dalawang 'to. "Parang ikaw hindi ah." balik ko sa sinabi ni Leana.
Oo nga pala, si Steven at Leana rin ang nagkatuluyan. Umamin si Leana sa kanya but unfortunately, sa 'kin baliw ang prinsepe niyo. Pero go pa rin ng go si friend na naging stalker pa. Walang sukuan, hanggang sa na inlove na nga rin sa kanya si Steven.
Haiyst~ buti pa siya.
"Wag ng pilitin ang ayaw. Baka mamaya..."
"Pumayag?" tuloy ng love birds sa sinasabi ni Kate.
"Hindi. Baka mamaya lang. Psh! Pauso kayo." tumingin si Kate sa 'kin. "Siya nga pala girl, wala ka pa rin natatanggap?"
"Natatanggap na ano?"
"Mukhang wala pa." -Leana.
"Malalaman mo rin yan." -Kate.
"JAIMEEEEE!" sigaw ng nanay ko mula sa labas. "Jaimee!"
"Ano 'yon, ma?" tanong ko ng makapasok na siya.
"Letter for you, nak. Yan na ang hinihintay mo." inabot ni mama ang brown envelope sa 'kin.
"Hinihintay na ano?" parang wala naman akong maalala na hinihintay. "Ano ba 'to?" tinignan ko ang likod pero walang nakasulat.
"Buksan mo na girl! Baka yan na yun." excited na sabi ni Kate at Leana.
"Ano ba yan?" tanong naman ni Steven.
Akala ko, ako lang walang alam sa sinasabi ng mga 'to. Mukhang pati si prince walang alam.
Binubuksan ko pa lang nang magsalita si mama.
"Galing sa tita mo sa Korea. At ipinasok ka niya sa isang company as a MODEL!" energetic na sabi ni mama.
"Yehey!" at pumapalakpak naman yung dalawa.
"Ah. Akala ko kung ano..." sabi ko nang nakatingin sa envelope na nabuksan ko na.
"Teka! Ano yun? Model sa Korea?!" narinig ko ang pagkagulat ni Steven.
Napahinto ako. "ANO?!" nabitawan ko ang hawak ko nang magsink in na sa utak ko ang sinasabi nila.
"Late reaction, girl?" pagtataray ni Kate pero hindi ko pinansin 'yon.
"Kyaaah!" nagtitili ako at hinila sila Kate at Leana habang nagtatalon ako. "OH EM GOSH! Magiimpake na ko!" sa excited ko ay madali akong umakyat sa taas papasok sa kwarto ko.
"Jaimee ingat!"
BLAG! BLAG!
Hindi pa man din ako nakakarating sa dulo ng hagdan ng madulas ako at malaglag sa hagdan.
"Sabi sayo ingat eh." tinignan lang ako ni Kate habang ako ay nakahiga pa rin sa sahig.
"Tsk. Girl naman, baka hindi ka pa matuloy niyan sa padalos padalos mo eh. Paano na ang happy ending?" paalala ni Leana habang tinutulungan akong tumayo.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Kpop (FanFic) [COMPLETED]
Fanfic(Soon to edit) She's a nerd. Who just love studying. And she doesn't know about the K-pop. When the K-pop boy group held their comeback in the Philippines. Her bestfriend Kate forced her to go with her and watch the concert. Will this event makes he...