Mika's POV
It's been a week since that night. Kung tatanungin niyo ako kung okay na kami.. hindi pa.. Ni hindi ko nga alam kung magiging okay pa kami... Mahal ko naman siya eh.. pero hindi ko alam.. masakit lang talaga..Kapag naiisip ko yung nangyari nung gabing yun, hindi ko maiwasang maiyak.. pero siguro kasalanan ko talaga, ang tagal ko naman kasi siyang pinaghintay eh.. kaya siguro ganun.. kaya siguro hindi na niya ako nahintay..
"BF,.. ayan ka na naman eh.. umiiyak ka na naman..." sabi ni Jessey sakin.. Nandito ako ngayon sa dorm nila. Dito ako nagstay simula nung gabi na yun.. Buti na lang mabait yung coach nila at pinayagan ako na tumira muna dito sa dorm nila. Pumapasok naman ako kaya kahit papaano ay nagkakausap kami nila kambal.
"BF.. ang sakit kasi eh.. ganito siguro yung naramdaman niya nung nakita niya kami ni Jeron at inakala niya na sinagot ko na si Teng.. sobrang sakit..." sabi ko. Niyakap naman ako ni Jess.
"Baka naman wala lang yung nakita mo Ye.. kausapin mo na kasi siya.." sabi ni Jess.
"Parang hindi ko pa yata kaya... natatakot ako sa maririnig ko.. pano kung ---"
"Jess! Miks! Labas kayo dali!" sigaw naman ni Riri mula sa baba.
----------------------------
Camille's POV
Isang linggo na mula nung umalis si Ye dito sa dorm. Simula nun.. itong si Ara di mo makausap ng maayos.. Haaay.. akala ko pa naman paguwi namin sa dorm makakapagusap na sila ng maayos.. Yun pala hindi.. Haay.. nakakastress naman.
"Ara, umayos ka nga.. kumain ka.. baka mapano ka na niyan eh.." sabi ko kay Ara.. Eh pano ni hindi pa ginagalaw yung pagkain niya.. Ilang araw na tong ganito eh.
"Cams, hindi pa ba uuwi si Ye?" tanong niya sakin.
"Ara.. hayaan mo muna si Ye.. uuwi din yun.. tsaka safe naman yun kung nasaan man siya.." sabi ko naman sa kanya.
"Galit pa kaya siya sakin? Cams.. tawagan mo naman oh.. please.." sabi niya sakin. Ang kulit ah.
"Paano ko tatawagan? diba nga.. tsaka Ara.. tingin mo kung ganyan ka gugustuhin kang kausapin ni Mika.. kaya umayos ka.. kumain ka na.. baka magkasakit ka pa niyan.. tsaka may pasok ka kaya.." sabi ko kay Ara.
"Siguro mas okay nga siguro yun.. baka pag nagkasakit ako kausapin niya ako.. baka sakaling puntahan niya ako.." sabi ni Ara..
"Nako Ara.. sinasabi ko sayo, pag hindi ka kumain tatawagan ko talaga yung tatay mo.. o kaya yung magulang ni Ye.. sige ka.." sabi ko sa kanya. Sana umeffect.
"Wag Cams, please..." pagmamakaawa niya sakin.
"Oh, bilis na kumain ka na..." sabi ko sa kanya.. Kumain na siya.. Kakain din naman pala ang dami pang arte.. kailangan pang takutin.
"Ara, bilisan mo malalate tayo.." sabi naman ni Carol kay Ara.
"Cars, ikaw na bahala ulit diyan kay Ara ha.." bilin ko kay Carol.
"No prob Cams,.." sabi naman niya.
"Anong oras pala tapos ng klase niyo?" sabi ko naman.
"4pm.. bakit baby miss mo ako agad? hehehe" sabi naman ni Carol.
"Baby ka diyan... sige na.. uwi agad kayo ni Ara ha.." sabi naman ni Cams.
Paalis na sina Carol at Ara ng bigla naman dumating si Kim at may kausap sa phone.
"Sige loves, magbreakfast na rin ako para makapasok na rin.. Yes loves.. kayo na muna bahala kay Ye dyan ah... sige loves, ikaw din.. ingat ka.. I love you!" sabi naman ni Kim sa kausap niya.