Chapter 7

2K 48 0
                                    

Ara's POV

Good morning! Maaga ang pasok ko ngayon kaya maaga akong gumising. Tumingin ako sa babaeng na nakahiga sa kabilang kama. Ang himbing himbing pa rin ng tulog niya. Pinuntahan ko siya ulet.

"Good morning daks! Haaay. Simula sa araw na to, ipaparamdam ko sayo kung gaano kita mahal. Hindi man pwede na maging tayo ulet kasi masaya ka na, gusto ko pa rin maramdaman mo na mahal kita. Hindi naman kasi nawala yun eh.. Simula sa araw na ito, babawi ako sayo. Di ako titigil hanggang sa maging magkaibigan ulet tayo. Kapag nangyari yun, hindi na ulet ako gagawa ng bagay na makakasakit sayo."

"Eh, kung sabihin mo kaya sa kanya yan ng gising siya" nagulat naman ako dahil may biglang nagsalita. Tinignan ko kung sino yung nagsalita. Si Camille pala. Nako, etong babaeng to talaga. Bigla biglang na lang sumusulpot. Naalala ko tuloy yung nangyari nung gabing umalis ako sa dorm.

Flashback

Umalis na ko sa kwarto... Hindi ko na kayang makita siya na nasasaktan lalo na alam kong nasasaktan siya ng dahil sa akin. Umalis na ako kasi baka pagnagtagal pa ko dun ay hindi na ko makaalis pa. Baka bawiin ko rin yung sinabi ko sa kanya. 

Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Cienne.

"Cienne, alagaan mo siya para sakin. Ikaw na bahala sa kanya" Yun lang ang nasabi ko sa kanya at umalis na ko sa dorm.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng dorm ay hindi ko na napigilan ang luhang kanina pa gustong pumatak. Naglakad na ko papunta sa sasakyan ko. Nilagay ko na yung gamit ko sa loob ng sasakyan. Iyak lang ako ng iyak habang inaayos ko ang gamit ko sa sasakyan. Papasok na sana ako sa may driver's seat ng biglang may humatak sakin palabas.

"Ako na magdadrive." Tinignan ko kung sino ang humatak sakin. Si Camille pala.

"A-anong gi..nagawa mo dito?" sabi ko sa kanya.

"Hindi ko alam ang nangyari sayo, ang alam ko lang hindi kita hahayaan magdrive ng ganyan ang itsura mo baka kung mapano ka pa." sabi niya. Hindi na lang ako umangal. Lumipat na ko sa kabila at pumasok na rin siya. 

End of flashback

At iyon yung dahilan kung bakit si Cams ang nakakaalam ng lahat ng nangyari sakin. 

"Huy" bumalik ako sa sarili ko nung tinawag niya ulit yung atensyon ko.

"Pasensya ka na, may naalala lang... ikaw kasi.. bigla bigla ka na namang sumusulpot."  sabi ko.

"Pumunta lang ako dito para gisingin ka.. baka masobrahan ang tulog mo at di ka na naman makapasok." sabi niya.

"Thanks Cams, tara baba na tayo. Baka magising pa to. Paghahanda ko pa 'to ng breakfast eh." sabi ko.

Bumaba na kami ni Cams. Pagbaba namin ay nakita kong nagluluto na si Motherf. Kaya naman nilapitan ko siya.

"Motherf, tulungan na kita." sabi ko sa kanya.

"Hindi na nak, ako na bahala dito. Gisingin niyo na lang sila para sabay sabay na tayong magbreakfast.. " sabi niya naman.

"Si Cams na gagawa nun.. tutulungan na kita.. diba Cams?" tinignan ko naman siya.

"Ako na bahalang manggising sa kanila Ate Aby. Papatulong na lang ako kay Kim. Patulungin mo na yan dyan Ate at baka umiyak pa yan.. hahahaha" sabi naman niya kay Ate Aby.

"Okay sige na nga.. Gisingin mo na sila Cams at ikaw Ara. Tulungan mo na ko dito..." ngitian ko na lang si Ate Aby at nagsimula na ko sa pagluluto.

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon