Mika's POV
"Guys.. tulong! Bilis!"
Nagulat kaming lahat ng may sumigaw sa labas.
"Mika, Jessey! Tulong bilis!" tawag samin nang tinig na nangagaling sa labas. Nagkatinginan kami ni Jessey at tumakbo kami palabas.. Bigla akong kinutuban ng masama.
Pagkalabas namin ni Jessey at nakita namin si Mela sa labas at may kasama siya na nakahandusay sa sahig. Si Ara ba yun?
"Mela, anong nangyari dyan?" tanong ni Jessey.
"Mamaya na tayo magkwentuhan tulungan niyo na lang ako.. dalhin natin sa ospital." sabi ni Mela.
"V-vic..." si Vic nga.. Nung makumpirma ko na siya yung walang malay na hawak ni Mela ay dali dali ko siyang binuhat..
"Jess, kunin mo yung susi ng sasakyan ni Ara" sabi ni Mela.
Hindi naman na ako nakinig sa kanila.. Tumakbo na lang ako papunta sa ospital. Malapit lang naman ang UST Hospital dito eh.
"Mika.. anong ginagawa mo.. sumakay na tayo ng sasakyan..umuulan oh..." habol sakin ni Jessey.
"Di na BF.. traffic pa eh.. baka mapano pa to.." sabi ko naman at nagmadali na papuntang ospital. Wala akong pakialam kung umuulan..
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa emergency room ng UST hospital.
"Nurse, tulong.. Yung kaibigan namin nahimatay.." sabi ko dun sa nurse sa emergency room.
"Sige po Ma'am.. ihiga niyo na lang po siya dito." sabi sakin nung nurse.
Hiniga ko naman si Vic dun sa kama.
"Ma'am dun na lang po muna kayo.. check lang po namin siya.." sabi nung nurse.
Lumabas na lang kami ng emergency room.
"Mika, ano ba? umupo ka nga muna..." sabi ni Jessey sakin.
"Okay lang ako BF.." sagot ko naman kay Jessey.. Hindi naman ako mapakali.
"Ano ba kasing nangyari Mela?" tanong ni BF kay Mela.
"Nakita ko kasi siya sa labas ng dorm eh.. basang basa na tapos namumutla pa.. nung una akala ko kung sino pero nung nilapitan ko si Ara pala.. Tinanong ko kung anong ginagawa niya sa labas,.. ang sabi niya hinihintay niya daw si Mika.. eh papapasukin ko na nga sana ng dorm para makapagpatuyo man lang siya kaso ayun.. hinimatay na..." sabi ni Mela.
"Kasalanan ko to BF eh.. dapat hinarap ko na lang siya.." sabi ko naman sa kanila.
"Mika, hindi mo naman ginusto to eh." sabi sakin ni Mela.
"Pero Mela, hindi siya magkakaganyan kung kinausap ko siya.. ano na lang gagawin ko pag may nangyaring masama sa kanya.." sabi ko kay Mela.
"BF, wag mong sisihin ang sarili mo.. Ara will be fine.." sabi ni Jessey.
"Sana nga BF, Mela..sana nga.." sabi ko.. "Guys, may dala ba kayong phone.. pahiram naman.."
"Eto Miks oh.." abot sakin ni Mela ng phone niya. Dinial ko naman yung number ni Kim.
"Oh Loves, napatawag ka.. miss mo na ako no.." bungad ni Kim sakin.
"Kim.." sabi ko sa kanya.. at naiyak na ko.
"Mika? Bakit ka umiiyak?" tanong ni Kim.
"Si Vic kasi Kim eh.." sabi ko kay Kim. Hindi na ako makapagsalita at umiyak na ko. Kinuha naman ni Mela yung phone.