Aminado ako, isa akong babaero.
Pero hindi ko naman ito gagawin kung wala akong sapat na dahilan. Kung isang mapagmahal at mapag aruga ba naman ang asawa ko eh di sana hindi ako hahantong sa ganitong sitwasyon.
Naging totoo lang naman ako. Hindi ko sya niloko. Inamin kong may pamilya ako, may anak ako, alam nya ang lahat ng tungkol sakin, sa amin ng asawa ko, sa sitwasyon ko sa pamilya ko at ng asawa ko. Ngunit hindi ko alam kung bakit. Bakit nagkaganito ang buhay ko.
Hindi isang komedya ang buhay ko. Pero natatawa sila.
Matatawa din ba ako? O maiinis?
Pero bakit? Bakit? Hindi ako mahilig magbasa ng libro, ngunit sabi sa akin ng isang kaibigan ko, ang buhay ko'y parang naging serye ng kamalasan(Series of Unfortunate Events), may nakakatawa at nakakainis. Pero lahat ng iyon ay pawang mga kamalasan sa buhay ko.
Maniniwala na ba akong sinumpa nya ako?
BINABASA MO ANG
Ang Matabang Sumpa
General FictionKwento ito ng buhay mag-asawa. Kwento ng isang matuturing na masayang pamilya. Ng isang babaeng nagpakasal dahil nais nyang magkaanak, at magkaroon ng saganang buhay. Ng isang lalaking nagpakasal dahil nabuntis nya ang kanyang noo'y nobya at ngayon...