'Pare itry mong gumawa ng account dito oh.' Naalala ni Adrian ang sabi sa kanya ng bestfriend/officemate nyang si Carlo. Doon daw nya kasi na meet ang maganda nyang girlfriend.
"Wala naman sigurong masama, ang gusto ko lang naman ay kausap."
Binuksan ni Adrian ang kanyang laptop, isang lumang Asus laptop na pamana ng kanyang kuya na ngayon ay nasa Hongkong na nagtatrabaho bilang isang cook. Nagsimulang mag register si Adrian sa isang online chat. Excited syang makapag umpisa na. Hindi naman sya 'techie' kaya hindi nya gamay ito, bukod pa dun ay natagalan din sya sa pagpili ng magandang user name.
"Hmm.. ano kayang gagamitin kong user name??" Makailang beses syang nag try and error. Pero wala pa rin syang maisip. "Teka? Spawn na lang!" Naisip nya iyon dahil favorite nya ang comics na Spawn, sikat ito noong 90's, at meron din itong cartoons na pinabalabas sa tv.
Pagkatype ng username nya ay agad itong natanngap ng system ng chat.
"Ayos, wala akong katulad na username." Mahalaga kasing unique ang username ng isang user para hindi ka na ulit magiisip ng iba pang pangalan, lalo na kung yun talaga ang gusto mo. Makaraan ng ilang minuto ay naka log-in na sya sa chat. "Wow, ang daming rooms, saan naman kaya ako papasok dito?"- and chat room ay isang server o area kung saan maari ka mamalagi para makapag chat. Napili ni Adrian ang chatroom ng 'Single Parents' at naghintay ng ilang segundo upang sya ay ma-accept ng administrator ng chatroom. "Hindi ako single parent, pero pakiramdam ko ay ganun na ako, o malapit na." Bulong ni Adrian sa kanyang sarili. Makaraan ng mahigit limang minuto, ay nakatanggap si Adrian ng isang notification na natanggap na sya sa chatroom na kanyang sinalihan.
*Ping.
Yomi : Welcome Spawn. ASL please. (ASL - Age Sex Location)
Spawn: 33, M, Q.C.
Yomi: Hi, ako ang admin dito :) welcome sa group namin.
Zurich99: Yo! Welcome here.
Spawn: salamat sa pagwelcome.
SexyBabe: Ui mukahang papable itey.
Yomi: @SexyBabe wag muna, bago lang eh, behave muna.
Spawn: Hehehe di naman po @SexyBabe.Hello po :)
SexyBabe: Ui.. wag naman mag 'po' bata pa po tayo.
Zurich99: mga peeps, matutulog muna ako ha. maaga pa duty.
Yomi, SexyBabe: Sige.
Zurich99 has signed out.
Spawn: ang aga naman nya matulog.
Yomi: Sa call center kasi yun nagtatrabaho.
Spawn: Ah ganun ba.
SexyBabe: Guys ako din morlogs(matutulog) na, need na nag beauty rest. Spawn maaga ka bukas para maabutan mo ang iba. :) Goodmornights..
Yomi has signed out.
SexyBabe has signed out.
Spawn has signed out.
**
"Mukhang Okay din naman pala ang grupo na yun. Madaling araw na kasi kaya walang mga tao. Pero masaya ako at may bago akong paglilibangan."
BINABASA MO ANG
Ang Matabang Sumpa
Ficção GeralKwento ito ng buhay mag-asawa. Kwento ng isang matuturing na masayang pamilya. Ng isang babaeng nagpakasal dahil nais nyang magkaanak, at magkaroon ng saganang buhay. Ng isang lalaking nagpakasal dahil nabuntis nya ang kanyang noo'y nobya at ngayon...