Chapter 2: Si Maria

55 0 1
                                    

Habang nagmumuni-muni ako sa aming veranda, napaisip ako kung ano nga bang dahilan kung bakit ko minahal ng ganito ang aking asawa.

Aaminin ko nabulag ako sa kagandahan nya. Oo, maganda ang aking asawa. Noon ay marami syang manliligaw. Marahil ay swerte lang ako noon kaya sinagot nya ako. Masipag sya at mapagmahal sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang ama, na nagkaroon ng matinding karamdaman at di nagtagal ay namatay na ito. Ang kanyang ina naman ay pumanaw na rin makailang taon pagkatapos pumanaw ang kanyang ama.

Anim silang magkakapatid. Apat na babae at dalawang lalaki. Siya ang bunso sa magkakapatid. At masasabi kong naging spoiled sya, lalo na noong nabubuhay pa ang kanyang mga magulang. Lumaki kasi sya sa isang saganang tahanan. Kahit kailan ay hindi nagkulang ang kanilang mga magulang sa pagbibigay atensyon at luho sa kanilang magkakapatid. Hindi tulad ng mga magulang namin ng aking nagiisang kuya, na palaging abala sa kanilang trabaho at kapag may gusto kaming mga laruan at iba pang bagay ay hindi namin ito agad nakukuha, dapat ay pinaghihirapan muna namin ito, yun ang sabi sakin ng aking ama, naging magandang aral naman saamin ang ganoong disiplina, tama sila dapat lahat ng bagay na naisin mo ay dapat mong pinaghihirapan.

Kumuha akong muli ng isa pang bote ng red horse. Ito na pala ang huling bote. Napailing ako. Parang ang bilis ko kasi itong naubos. Ganun talaga siguro lalo na't may iniisip kang problema sa buhay. Hindi mo namamalayan ang oras, at iba pang bagay ay lumipas o nauubos na pala. Lumagok ako mula sa bote ng alak, di ko alintana kung ito'y hindi malamig, at dahil natunaw na din ang tiglilimang pisong yelo na aking binili ay wala na akong pagpipilian kundi inumin ito kahit na hindi na malamig. Masarap pa rin naman, walang pinagkaiba ang lasa. Makailang lagok pa ay naubos ko na rin ito.

"Ahh.. ang sarap talaga."

"Kuya Adrian, pasok na po kayo sa loob hinahanap ka po ni Aliah." Napalingon ako kung sino ang nagsasalita sa likuran ko, si Rhea pala, ang yaya ng aking anak.

"Si Ate Rose mo ba tulog na?"

"Opo." Pagkatapos ay pumasok na sya sa loob ng bahay.

Magkaraan ng ilang minuto ay pumasok na rin ako sa loob. Hindi kasi makakatulog ang aking anak kung hindi nya kami katabi sa kama. Kahit ba magkaaway kami ng asawa ko ay hindi namin ito pinapakita sa bata, alam ko kasing pwede syang ma-trauma at hindi yun maganda lalo na't limang taong gulang palamang sya.

"Papa!" Sinalubong ako ni Aliah at yumakap sa akin. "Papa! Read a story para kay Aliah, para po makatulog na po ako." Inabot ni Aliah ang paborito nyang libro, 'The Little Red Riding Hood'.

"Sige, punta ka na sa kwarto at susunod na si papa. Maghihilamos lang ako."

Ang Matabang SumpaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon