Chapter 2
Nararamdaman ko na naman ang ibang aura sa paligid.Mas binilisan ko ang lakad ko.Malapit na ako sa bahay,konting konti nalang....
"Miss,huwag kang sumigaw kundi papatayin kita."sabi nung lalaki habang hinahawakan ng mahigpit ang mag-kabilang braso ko.
"Swerte ko ngayon ah,mukhang sariwa 'tong nadukot ko."
Loko 'tong lalaking 'toh ah,akala niya di ko nababasa ang nasa isip niya,pwes nagkakamali siya!
"Anong kailangan mo?"mahinahon kong tanong
"Relax,masyado ka namang atat." pilyo niyang sagot
Atat niya mukha niya!Kung tuluyan ko kaya toh!
Hinawakan niya ng mas mahigpit ang braso ko at inilayo sa kinatatayuan namin kanina,hindi na ako pumalag, para saan pa?Eh matatalo ko din naman yan mamaya.
"Akin na cellphone mo pati pera." Angas niyang sabi habang itinutok ang kutsilyong dala-dala niya malapit sa leeg ko.
"Eh kung ayaw ko?"
"Papatayin kita!"
"Edi patayin mo."walang gana kong sabi
"Aba't---" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil sinipa ko siya sa maselan na parte ng katawan niya.Marahil nag-susumigaw na yun sa sakit.
Iniwan ko na siya.Nararapat lang yung ginawa ko sa mga tulad niya.Naglakad na ulit ako papunta sa bahay,gabi na at wala ng masyadong tao sa labas.At alam kong nasa paligid lang ang nag-mamasid saakin.
"Magaling Amity"
Lumingon ako sa pinanggalian ng boses pero walang tao.
"Looking for me?"dinig ko ang malamig niyang boses sa bandang tenga ko
"Anong kailangan mo?"lumingon ako sakanya at nakita ko naman siyang nakangiti ng mapang-asar Nakasuot siya ng itim.Nakatutok lang ang mga mata niya saakin na para bang isa ako sa mga paborito niyang tv show.
"Kailangan ko?Dapat pa ba yang itanong?"sabi niya at nawala na naman siya sa paningin ko
Asar 'tong lalaking 'toh ah,kung wala lang 'tong kapangyarihan mag-teleport marahil kanina ko pa 'toh inupakan.
"Ikaw"dinig ko na naman ang boses niyang malamig
"Ikaw ang kailangan ko Amity."sabi niya at pinag-lalaruan ang buhok ko
Di ko mabasa ang nasa isip niya dahil mas makapangyarihan ang mahika na ginagamit niya para hindi tumalab ang pagbasa ko sa isip niya.
"Sumama ka na sa akin.Mas malaki ang maitutulong mo saamin,tayo na ang mamumuno sa buong Gemnarum,ayaw mo nun?"
"Hindi ko kailanman hinangad ang mga sinabi mo.Wala akong alam tungkol dyan."
"Kung ganun...."tinignan niya ako ng matalas
"Mas mabuting paslangin nalang kita!"sigaw niya at nakikita kong biglang tumalas ang kanyang mga kuko.
Nag-simula na akong tumakbo.
Ano ba ang laban ko sakanya?
Wala.
Isa lang ako sa mga mahihina na pinupuntirya nila sa mundong ito.
Mas bumilis ang tibok ng puso ko.Nag-simula na akong hingalin.Bakit ba kasi ang layo ng bahay namin.Lumiko ako sa isang eskinita.
"Itigil mo yan Raja!"dinig kong sigaw ni...
"Ate?Bakit ka nandito?"tinignan ko si ate habang hinaharangan si Raja. Nakasuot siya ng puting jacket at naka ponytail ang kanyang mahabang buhok.
"Ako dapat ang mag-tatanong sa iyo niyan Amity."
"Ariah,nandito ka nanaman ba para ipagtanggol ang kapatid mo?"sabi ni Raja at tumawa ng malakas.
"Too bad hindi pa ako nakapag-sisimula sakanya."
"Shut up Raja!Wala kang alam!"
"Really?Di ba ---"
"Shut up!"sigaw ni ate
"Sa mga katulad niya,hindi siya nararapat dito."
"At ano ang gusto mong palabasin Raja?Na mas nababagay siya sa lungga niyo?"
"Tama ka ng hula Ariah!Paano mo nalaman?hahahahahaha"mala-demonyo talaga ang tawa niya
Sinugod siya ni ate pero mabilis siyang naka-iwas.Susugurin na sana siya ulit ni ate pero bigla siyang nawala sa paningin namin.
"Yan lang ba ang kaya mo Ariah?!"biglang sulpot nito sa likod ni ate habang sinasakal ito.
"Huwag mo akong susubukan Raja!Hindi mo ako kilala." Bigla nalang pumikit si ate at bigla nalang tumigil ang oras?
"Paanong?!"sigaw ni Raja
Mayroong binigkas si ate na hindi ko maintindihan.
Mabilis ang mga pangyayari.Nakita ko nalang sa gilid ang nakahandusay na si Raja at ilang sandali lang ay naging abo ito.
Wala na siya.
Tinignan ko si ate habang nanginginig ang kamay ko.
"Ate---"
"Huwag mo ng ituloy ang sasabihin mo Amity.Ginawa ko yun para sayo dahil kung hindi, ikaw ang papatayin niya."sabi niya habang minamasahe ang gilid ng ulo niya.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Bakit nasa labas ka ng bahay ng ganitong oras?"mahinahon niyang tanong
"Bumili ako ng gamot mo.Ang taas ng lagnat mo kanina."napayuko ako
Bumuntong hininga naman siya.
"Amity kaya ko na ang sarili ko,huwag ka ng mag-alala saakin.Ang dapat mong alalalahanin ay ang sarili mo.Nakapag-desisyon na ako."
What?Napag-desisyunan ang ano?
--- hindi.
"No!Ayaw ko ate Ariah!Hindi ako pupunta sa lugar na yun!Ayaw ko!"
"Dapat Amity!Dun kana mag-aaral,naka-usap ko na si Ms.Drina!Doon matutunan mong gamitin kung ano ang meron ka!Ayaw mo ba nun?!Maipag-tatanggol mo na ang sarili mo sa kanila?!"
"Pagod ka na ba saakin ate?Ayaw mo na ba saakin?Ayaw mo na ba akong ipag-tanggol?--"hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil niyakap niya ako,bigla nalang tumulo ang luha ko.Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko hindi ako nababagay dun.
"Huwag kang mag-salita ng ganyan Amity.Kahit kailan hindi ako nag-isip ng ganyan.Para ito sa ikakabuti mo."humiwalay ako mula sa yakap niya
"Ate,okay na ako dito.Kontento na ako kung ano ako ngayon.Hindi ako papayag sa gusto mo ate.Ayaw ko."
"Hindi mo naiintindihan Amity!Isa kang Gem Holder!Kailangan mong matutunan kung paano gamitin ang gem mo!Hindi tayo kagaya ng iba,mayroon tayong kapangyarihan na dapat kontrolin at kapag di mo yun nakontrol makakasakit ka ng ibang tao.Naiintindihan mo ba?"
Napatahimik naman ako.
"Wala namang kwenta ang gem ko eh!"sigaw ko
"Merong rason kung bakit ka meron niyan!Lahat ng gem mayroong sariling mahika na dapat mong pakisamahan."
"Pero ayaw ko nito."bulong ko habang hinahawakan ang kwintas ko.
"Matutunan mo yang kontrolin kapag nakapasok ka na dun."
Oo isa akong Gem Holder,isang gem holder na hindi marunong gumamit ng sarili niyang kapangyarihan kaya madalas binibisita ako ng mga masasamang gem guardians--mga black guardians.
Pag-basa lang naman ng isip ang alam ko,minsan palpak pa.Kaya hindi ko tinuturing ang sarili ko bilang isang gem holder.
"Pero ate--"
"Walang ng pero pero Amity.I hope you understand...
My decision is final...
You will continue your studies in Gem Academy."
BINABASA MO ANG
Gem Academy
FantasyA gem,a necklace,an academy where magic exists. Gems that chose you. Gem holders that are a few. Meet Amity,a gem holder. Welcome to Gem Academy. What is your gem? ©yellowstarlight