Chapter 3

144 1 0
                                    

Chapter 3

First day of class ko ngayon.Ang saya-saya ko.Bakit?

"Amity!Ang tagal mo naman dumating!Akala ko nag-transfer ka na ng school." sabi ng kaklase ko.

Nginitian ko naman siya.

"Ang ganda ng umaga ah!Halika,dito ka umupo."sabi niya at tinuro ang katabing upuan.

Tumango lang ako bilang tugon.

"Pansin ko lang Amity,sa tagal na natin magkaklase bakit palagi mong suot ang kwintas na yan.Don't get me wrong ah,bagay naman sayo.Maganda nga eh,gusto ko ngang magkaroon ng ganyan."

"Wala lang,bigay kasi saakin 'toh" kung alam mo lang...

Tumango siya at bumalik na sakanyang ginagawa.Siya si Rika,kaklase ko simula first year.Magkaibigan naman kami pero hindi nga lang ako masyado nag-oopen up sakanya.

Ang saya ko kasi hindi natuloy ang pagpasok ko sa academy na yun.

Hindi nga ba?

Kaninong boses yun?

Wala...Wala lang siguro 'toh.

Guni-guni ko lang yata.

***
Tapos na ang klase ko ngayong araw,wala naman masyadong nangyari. Naglakad na ako pauwi.Nung malapit na ako sa bahay,nagtaka ako kung bakit bukas ang gate.

Kung nandyan man si ate,hindi naman niya nakaugalian na iwang buksan ang gate.

Hindi kaya?

Mabilis akong tumakbo papunta sa bahay at nung buksan ko yung pinto...

****

Ughhh....

Ang sakit ng ulo ko.Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Huh?! Bakit ako nandito?

"Hello!Hi!May tao po ba diyan?!"sigaw ko

Pero walang sumasagot...

Nasa gubat lang naman ako!Paano ako napadpad dito?!

Naririnig ko ang kaluskos ng mga insekto.

Kahit mayroong mga dahon na nakaharang ay nakikita kong natatakpan ng mga ulap ang araw pero mayroon namang sapat na sinag ng araw para makita ko ang aking paligid.Tumayo na ako at naglakad.

Napansin kong mayroong mga bato sa gilid nang nilalakaran ko. May iba't-ibang kulay ito.May nakita akong isang pulang bato kaya kinuha ko ito pero agad ko din ito nabitawan.Mainit!

Sinubukan ko namang hawakan ang berdeng bato pero napansin kong nagiging bato na din ang kanang kamay ko kaya agad ko 'tong binalik sa lupa.

Hindi basta-bastang mga bato ito dahil may taglay itong kapangyarihan kaya lumayo na ako at naglakad na ulit.Hindi ko alam kung saan ang daan palabas.Hindi pa nga ako nakakapasok ng gubat noon eh.

Teka nga muna...

Is it too late now to say sorry oh oh oh

Sino yung kumakanta?

"Hello!!!!!!May tao po ba diyan?!"sigaw ko ulit habang patuloy parin sa paglalakad pero wala paring sumasagot.

"Aissshhh bakit walang signal?!"

Dinig ko sa aking isipan!Sigurado akong may tao dito na kasama ko!

Lumiko ako at nag-concentrate kung saan nanggaling yung mga nababasa ko.

"Lowbatt pa,psshh"

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero napatigil ako dahil may nakita ako...

Okay....

Breathe...

1...

2...

3...

TAKBO!

"ahhhhhhhh!!!"siopao naman oh!Kung minamalas nga naman!Mayroong baboy ramo!

Lumingon ako,nakasunod parin ito saakin!

Hindi ito basta-bastang baboy ramo dahil kulay ginto ito!Tapos ang sakit-sakit pa sa tenga ang nililikha nitong ingay!

Tumakbo na ako nang tumakbo!

Pero...

Ughhh nadapa pa ako buti nalang hindi napano ang paa ko!

Lumingon ako,nakasunod parin ito kaya tumayo na ulit ako.

Paano ko ba ito ililigaw?!

Ah!Alam ko na! Tumakbo na ako sa may malapit na puno at umakyat ako dun. Tinignan ko kung nasaan na yung baboy ramo at nakita ko ito na nasa ibaba ng puno!

Kailan ba 'toh aalis?!

Hiningal talaga ako sa pagtakbo!Paano ba ako napunta sa sitwasyon na 'toh? Nasaan na kaya si ate?Okay lang kaya siya?Hinahanap kaya niya ako?Saan ba talaga ang lugar na 'toh? Obviously sa gubat pero bakit ako napadpad dito?

Ilang sanadali lang ay tinignan ko yung ibaba kung nandoon pa ba ang baboy ramo at nung nakita ko na wala na ay bumaba na ako.

Ang dami kong kagat ng langgam sa pagakyat sa punong yun.Ang kati pa naman!

Nauuhaw na ako kaya lang wala na akong tubig kaya naghanap ako ng sapa at swerte nga naman dahil may nakita ako.

Ang linis-linis ng tubig at mala crystal clear ito.Maganda rin ang mga bulaklak na nakapalibot sa gilid at napapansin kong kumikinang ito pati ang mga dahon at punong nakapalibot sa sapa.

Nilagyan ko na ng tubig ang aking water bottle at uminom pagkatapos ay kumuha ako ulit para inumin mamaya.

Napansin kong nawala ang mga kagat ng langgam saaking kamay kaya dahan-dahan kong nilagay ang aking mga paa sa tubig at nawala ang pamumula nito.Ang galing!

Kung nandirito lang si ate,edi sana magagandahan din siya sa lugar na 'toh kaya lang kailangan ko nang umalis dahil alam kong parang may mali.

Naalala kong mayroon akong narinig na kumakanta kanina at nabasa ko din ang iniisip niya kaya posibleng mayroon din akong kasamang tao dito.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"MAY TAO PO BA DIYAN!"sigaw ko pero wala paring sumasagot.

Patuloy parin ako sa paglalakad pero parang walang hangganan ang nilalakaran ko.

"Ahhhhh nakakapagod!Ayaw ko na!"sabi ko at umupo malapit sa isang malaking puno.

"Ang ingay mo naman."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

"Blake nga pala at your service."sabi niya at bigla nalang tumawa.

Weird? Anong nakakatawa?

Pero habang tinitignan ko siya ay may napansin ako...

He has a necklace the same with mine.....

but having a different gem...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gem AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon