Chapter 1
Malapit na matapos ang summer vacation.Nandirito ako sa ibabaw ng isang puno sa school,nag-mamasid sa paligid kung ano ang magandang panuorin.
Oh ayun!
May nakita akong isang lalaki sa di kalayuan,meron siyang dalang cake,oh no?Ano ang plano niyang gawin?
"Makakaganti na din ako sa babaeng 'toh.Puro pambwibwisit nalang kasi ang dulot sa buhay ko.Kung di lang toh maganda marahil mas malala pa ang aabutin niya."
Basa ko sa isip niya.Talaga lang ah?Nakita ko naman siyang lumapit dun sa babae at ngumiti.
"Akala siguro nitong si Ronald,maloloko niya ako sa pangiti-ngiti niya at pag-dala dala niya ng cake na nilagyan naman niya ng maraming asin!Naku kung di ko lang nalaman ang plano niyang 'toh baka mapahiya pa ako ng di oras!"
Basa ko sa isip ng babae.Mala action ata ang mangyayari ah.Hindi ko pa pala nasasabi na nakakabasa ako ng isip ng ibang tao.Hindi naman masyado detalyado pero kahit papaano ay nakakabasa parin ako.
Pssst
Sino yun? Lumingon-lingon ako,wala namang tumatawag.
Amity
Ang boses na yun.Bumaba na ako sa puno.Aalis na sana ako nung bigla nalang may sumakal saakin.
"Madadagdagan na din ang mahika ko."biglang sabi nung sumakal saakin,di ko makita ang mukha niya.Hinawakan niya ang kwintas ko ng mahigpit na pilit tinatanggal ito sa leeg ko pero bigla nalang siyang sumigaw at lumayo saakin.Halata sa mukha niya na nasasaktan siya.
"Babalikan ko kayo.Tandaan mo yan."sabi niya at bigla nalang nawala sa paningin ko
Hinawakan ko ang gem necklace ko,medyo mainit.Ilan na ba ang nagtangka na nakawin ang kwintas na toh?
Ewan.
Nag-lakad na ako palayo.
Kung pwede lang ito isangla,marahil nuon ko pa ginawa.
Nag-patuloy lang ako sa pag-lalakad at nag-punta sa likuran ng paaralan namin.Walang tao dun.Tahimik.Walang sagabal.Umupo na ako at sumandal sa nag-iisang puno dun.
Ang tahimik ng paligid.Sana ganito nalang palagi pero malapit na ang pasukan,next week.Kakaenroll ko lang kanina.Gusto ko late mag-enroll,exciting eh.Di mo alam kung saang seksyon ka mabibilang,on the first day of class mo lang malalaman.
Wala akong ka-close na kaibigan.Bakit?Ayaw ko kasing mag-tiwala lalong lalo na sa sitwasyon ko ngayon.Senior high na ako next week,okay lang naman 'tong paaralan na pinapasukan ko.Malaki,mayroong tatlong building,private school kasi.Hindi din ito masyadong malayo sa bahay.
Normal din ang pakikitungo ng mga kaklase ko saakin pero di maiiwasan na palaging pinupuri nila ang necklace na suot ko,ang ganda daw kasi.Eh sabi ko naman,binili ko lang ito sa divisoria.
"Mertu mai se"sabi ko at biglang umilaw ang necklace ko at lumakas ang ihip ng hangin.Pinikit ko ang aking mga mata.
"AMITY!"
"Ate?"napatayo naman ako ng di oras.
"Anong ginagawa mo?Alam mo bang delikado yan!"
"Sinusubukan ko lang namang gamitin 'tong gem ko.Huwag ka ng stress diyan!Nakakadagdag yan ng wrinkles."sabi ko at tumawa pero di naman siya ngumiti.Badtrip siguro.
Badtrip talaga,eh ginamit mo kapangyarihan mo eh.
"Amity,hindi pwede,hindi mo pwedeng basta-basta nalang gamitin yang kapangyarihan mo na hindi inaaral sa tamang lugar."
"Bakit ate?Saan ba ang tamang lugar?Doon?Ayaw ko.Kokontrolin at gagamitin ka lang nila."
"Nag-kakamali ka Amity,tutulungan ka nila mahanap kung ano meron ka.Sa paraang yun malaya mo ng magagamit ang gem mo.Tutulungan kitang makapasok dun."sabi niya saakin na parang nag-mamakaawa.Pero ayaw ko talaga.
"Ate tapos na ako mag-enroll kanina.Wala ka ng magagawa."
"I can talk to your principal.Alam mong kaya kong gumawa ng excuse.Just tell me kung kailan para ma-enroll na kita sa academy."
"Sorry ate pero ayaw ko.Ayaw ko talagang pumasok sa Academy na yun."
BINABASA MO ANG
Gem Academy
FantasyA gem,a necklace,an academy where magic exists. Gems that chose you. Gem holders that are a few. Meet Amity,a gem holder. Welcome to Gem Academy. What is your gem? ©yellowstarlight