One

436 7 0
                                    

Andrew: I grew up with a golden spoon in my mouth. As they say, my life was pre-destined to get all the riches of my folks kaya hindi ko na kailangang magbanat ng buto.

Jasper: Lumaki ako sa hirap. Walang halos makain pero masaya ang pamilya namin. Walang halos magawa kundi ang maghintay sa grasya. Pero mabuti na lang biniyayaan kami ng mga mabuting magulang. Mapagmahal. Maaruga. Kaya, kahit naghihirap man kami sa halos lahat ng oras at panahon, andiyan si Mama at Papa para panatilihing masaya ang pamilya kahit sa salat na pamumuhay.

Andrew: Luho, new gadgets, damit, sapatos, name it! In a single snap pwede kong mabili at mapasaakin ang lahat. Thank you to the magic card that my parents gave me. I'm loving this tiny card they call as 'credit card'. My new bestfriend.

Jasper: Marami akong cards - tex cards ng X-men, Power Rangers at kung sino pa man. Masaya na ako sa mga cards na ito dahil mahal bilhin ito kaya pag binibigyan ako ng mga cards ng kaibigan ko, tinatago koi to at iniingatan. Mahirap na baka sa maga darating na panahon magiging collectors item na lang din ang mga ito. Eh di, may maibebenta ako. Makatulong man lang sa mga magulang ko.

Andrew: I drive a car, my own car! My second bestfriend! Whenever I roam around the metro, like whoa! I am the king of the road! Whohooooo!

Jasper: "Tulay ilalim, Palengke.Lalarga na!" Nakakasawa na din yung sinisigaw ko araw araw para maka engganyo ng mga motorista. Parang sirang plaka. Paulit ulit na lang. Pag uwi ko ng bahay, magpapahinga lang saglit at padyak naman ang mamanehuin ko. Tutulungan ko si Mama at Papa sa paghahanap-buhay. Kahit dalawa lang kaming magkapatid, kailangan ko pa ding kumayod bilang panganay na kapatid. Sa ganitong paraan, hindi naman kami masyadong pabigat ng kapatid ko at nakakatulong pa sa mga pangangailangan namin sa buhay.

Andrew: At 18, I have everything I could ask for. Lucky to be born with a golden spoon in my mouth. I went to the most expensive school in the country and have been with rich kids too as my constant colleagues, friends. I have my own business now. Coffee shop which was given to me on my 17th birthday. Luckily, I was able to manage it properly at an early age. Palibhasa kasi nahasa na din ako kung paano magpalakad ng business. Sabi ko nga kay Mommy at Daddy, I just need this coffee shop. That's all! I don't want any other business. Ayokong mawalan ng social life. Ng mga kaibigan.

Jasper: Kape sa umaga bago lumarga sa trabaho ko. Bilang Barker. Kape sa tanghali bago magpadyak. Kape sa gabi. Ginagawa ko na yatang inumin ang kape. Di ako nagsasawa. Pero baka kailangan ko ng tigilan dahil nabigyan ako ng pagkakataon na mag-aral sa TESDA ang Automotive. Yes! Sa wakas! Makakapag aral na din ako ulit kahit vocational at libre. Sabi nga ni Mama, kailangan ko daw bigyan ng pagkakataon ang pag aaral dahil hindi sa lahat ng panahon nabibigyan ng pagkakataon ang karamihan na makapag-aral ng libre. Balak ko din kasing magpatayo ng kahit vulcanizing shop o machine shop. Mga ganun! Sa darating na panahon. Disiotso na ako at kailangan ko ng makatulong ng maigi sa pamilya. Hindi sa lahat ng panahon ay magiging dependent kami sa kay Mama at Papa. Kaya, TESDA, maraming salamat!

Andrew: At 20, I am now a certified businessman. Nagbunga din ang lahat ng pagsusunog ko ng kilay on how to manage a coffee shop. Pinag-aralan ko din sa New York ang pagiging barista. Well, that was actually one of those times na akala ko kailangang nakaupo lang ako habang tumatajbo ang pera ko every minute. Hindi pala! May mga bagay pala na dapat you need to consider habang pa bloom ng pa bloom ang negosyo mo. I have a total of 8 branches all over the metro ng coffee shop ko. And soon, we will venture the big provinces. First stop, Davao!

Jasper: Mahirap ang buhay namin dito sa Davao. Mahirap na mahirap. Buti na lang na extend pa ang scholarship ko sa TESDA and after 2 years, may diploma na ako for Automotive and Welding. Naks! May diploma na ako sa wakas! At sae dad ko na bente, may maliit na talyer akong napundar. Maliit na maliit lang. Sa labas ng bahay namin. Kahit papaano, nakakapag abot na din ako sa mga magulang ko ng tulong pinansiyal. Tuwang tuwa nga si Mama lalo na si Papa.

Andrew: At 25, I am an established eligible Bachelor in Town.

Jasper: At 25, I started learning English better. Naks! Ayan ha! Praktis pa lang yan. Paano kasi, lumaki ang talyer ko pagkalipas ng 2 taon pa. Dumami ang mga suki ko na nagpapaayos, nagpapa carwash, nilagyan ko kasi ng car wash din ang tabi ng talyer. Nakabili na din ako ng motorsiklo na hinulug-hulugan ko ng isang taon sa Honda. Yun ang nagsilbing means of transportation ko. Ayan! English na naman! Buti na lang pala, kinuha ko yung short course sa English sa isang unibersidad sa Davao.

Andrew: I am starting to check what's wrong with me. I started believing that career and lovelife is not supposed to go together. Is this true for me? I dated a lot of girls, made a one night stand with them. Pero wala akong nagustuhan. Wala akong makitang dahilan para gustuhin ko sila at pakasalan. My folks would always ask me when will they have grandchildren. Sa palagay ko hindi na yata.

Jasper: Ang swerte ko nga naman dahil malapit na pala akong ikakasal after 5 years nang maumpisahan ko ang talyer. Nakilala ko si Gingging. Tindera sa palengke malapit sa amin. Anak ng may-ari ng isang grocery sa may palengke pero mas ginustong mag tindera at magkahera sa grocery nila. Akala ko nga di ko mapapasagot. Yun pala, pakipot lang. Ikakasal na kami next year. Sana!

Andrew: I went to Davao for the feasibility we started. Soon, sisimulan na din ang construction ng branch of my coffee shop sa Davao. May first ever provincial branch. Dammit! Nasiraan pa ako ng kotse buti na lang may malapit na talyer at di ko na kailangang magsigaw at magtulak ng kotse.

Jasper: Maarte talaga ang mga taga Manila. Dahil nalaman ng mga magulang ni Gingging ang naging buhay ko, pinaghiwalay kami kaya ayun, single na naman ako. Ayoko na nga magmahal muna. Magpapayaman muna ako bago manligaw para wala ng masabi ang pamilya ng pakakasalan ko.

Andrew: When he came out from his office, I then realized why I can't marry a woman. I don't know why I got attracted to him. Dumikit ang tingin ko sa kanya while he was busy wiping his hands with a towel at nakipagkamay sa akin. When he asked me what my car's problem is, I don't know what to say. My jaw just dropped. Literally! Hindi ko nga maintindihan bakit ganun ang naging initial reaction ko on the first time we meet. I haven't even got the chance to know his name. Matapos maayos ang kotse ko, hindi ko na siya nakita. Nagtago? I don't know! He has occupied my thoughts hanggang nakabalik ulit ako ng Manila. I don't know why. I tried myself to date girls again. Tried to have one night stand with every girl I dated. But it ends up like I am still eager to go back to Davao and see him again. Nakakatakot na to! Ako na mismo ang natatakot sa nararamdaman ko dahil I know for myself na I was never gay eversince. Maybe I just admired him, whoever he is.

Jasper: Weird, alam kong kilala ko ang pangalang Andrew Miguel Yutengco. Narinig ko na ang pangalan niya. O nabasa kaya. Nakakatuwa naman na naging customer namin siya. Ang ganda pa ng kotse niya. Top of the class. Pangmayaman. Siguro nga mayaman ang lalaking yun. Weird nga lang dahil grabe kung makatingin. Ayokong isipin na bakla siya kasi matikas pa nga yung tindig niya sa akin. Oo, may hitsura siya. Well, may hitsura din naman ako. At di hamak na mas may hitsura ako sa kanya. Kaso nga lang, hanggang hitsura lang ako. Walang yaman. Hihihi.

Andrew: That was a year ago. Matagal na din the first and last time I saw him. But he always penetrates my thoughts. Kahit anong gawin ko, hindi mawala wala sa isipan ko ang mukha niya. Did he put something on the coffee he offered to make me think of him until now? Gayuma? Yun ba yun? My friends can't even invite me for fun anymore. I am googling the talyer guy's info. I really hate myself for not getting his name. Tuloy ako pa ngayon ang dehado. Kainis ka kung sino ka man!

Jasper: Time na para mag inventory. Akalain mo, may inventory pa kaming nalalaman sa talyer. One year din na resibo ang iinventory namin. Gusto ko lang kasing malaman kong may improvement ang business ko. Naks! Sana magtuloy tuloy na to. Naipatayo ko na din ng maayos ang talyer. Sa tingin ko okay ang business ko for last year. Pwede na akong mag 'venture' ng ibang negosyo. I love it when I stay in that coffee shop, "Coffee In The Window". Dito ako madalas naka tambay ngayon. Kung dati yung pakape kape ko ng 3n1 sa bahay, ngayon, eto na, sosyal na daw sabi ng mga kaibigan ko. Ilang 3n1 din ang mabibili ko sa isang tasang kapeng inoorder ko dito. Masarap kasi ang brewed coffee nila. Then one thing caught my eye. Ang lisensiya ng business. Owner: Andrew Miguel Yutengco. Ugh! Pamilyar na naman ang pangalan.

====

Itutuloy...

Coffee By The Window (BxB: Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon