Four

111 5 0
                                    

Jasper: Akala ko sasaya na kami ni Trish. Pero part nga ba talaga ng relationship ang pag-aaway yung tipong hindi ko alam saan ako nagkamali. Hindi ko alam saan ako nagkulang.

Andrew: Confessions!

Dati I hated Patty so much. Pero na realize ko na walang pagsisidlan at patutunguhan ang hate ko na yun kaya eto kami ngayon, magkausap. Sa kanya pa ako nag confide.

Nagsabi ng lahat.

Nagconfess ng abnormal kong pagkatao.

She was sorry for me and Pia. Alam ko namang hindi aabot kay Pia ang lahat.

Sa ngayon, si Patty lang ang nakakaalam ng pagiging bakla ko na. Yata!

One thing na hindi niya narinig from me?

Kung sino ang lalaking nagparealize sa akin nun.

Jasper: Sa coffeeshop na 'to madalas si Trish. Mag-iisang buwan na simula ng maghiwalay kami. Sabay sa paghigop ko ng kape ay nalasahan ko ang pait ng unang pag-ibig.

Andrew: Ilang linggo ko na siyang nakikita. Alam kong nagkahiwalay na sila ni Patty o Trish. Patricia kasi ang tunay na pangalan ng kapatid ko.

Nagkakape habang nag-aaral.

Kahit sa malayo ko lang siya natitingnan, humahanga pa din ako sa kaguwapuhan niya.

Nagkahiwalay kami ni Pia.

Jasper: Andrew Miguel Yutengco. Nakilala ko din siya. Nag guest speaker kasi siya sa isang symposium kung saan dinaluhan ng klase namin.

Awkward nga dahil nung nagtanong ako sa open forum, hindi agad siya nakapagsalita. Napakasimple lang naman ng tanong ko.

"Are you married?"

Andrew:Isang linggo na ang nakakalipas pero hanggang ngayon di pa rin mawala wala sa isip ko ang katanungan niya. Nabigla nga din ako nang makita ko siya sa harapan ko habang nakahawak sa mic during the open forum ng symposium na kung saan ininvite ko bilang guest speaker.

"Not yet but I'm in love!

Medyo natagalan man ang pagsagot ko pero pinilit ko pa ding magpaka pormal kahit kanina pa ako nakakaramdam mg butterflies in my stomach.

His name is J. Hilario!

Fine! Di ko man lang pasimpleng naitanong ang pangalan niya.

Jasper: His story was not unique. Paano kasi pinanganak na mayaman. Madali lang sa kanya ang mag business. Ako, grabeng pawis ang dinaanan ko para ma-put-up ang talyer.

But he is inspiring. Hindi naman pala talaga lahat ng mayayaman gahaman. Sa kanya, he wants to share. Kaya nga, marami ding gustong magtrabaho sa business niya dahil magaling daw siya.

Pumupunta kaya siya dito sa coffeeshop niya?

Andrew: Surprise! I never expected na magkakausap kami. Pagpasok ko pa lang ng coffee shop, siya ang unang tumambad sa paningin ko kaya biglang tinambol ako ng ka a ng ngumiti siya sa akin. Lumapit ako sa kanya.

Jasper!

Ayan! Nakilala ko na din siya. Pero, lalaki ako. Lalaki din siya.

In the house ang order niya. Napag-usapan tuloy namin ang tungkol dun sa symposium.

Hindi pala naging madali sa kanya ang lahat. Lalo niya akong napabilib sa ginawa niya sa buhay niya.

Jasper: I never wanted to share my life. My experiences. My past. Kasi ayokong kaawaan ako. Pero di ko alam bakit kampante akong aminin sa kanya ang lahat.

Coffee By The Window (BxB: Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon