Andrew: Time to visit my coffee shop in Davao. I am hoping na mapadpad ulit ako sa talyer nila. No! No one ever knew about this. Kahit mga close friends ko. Hindi ako bakla. Never akong naging bakla. Pero bakit hinahanap hanap ko siya? Bakit kahit matagal na panahon na ay siya pa din ang gusto kong makita? Malaman man lang ang pangalan? Malaman ang status? Ugh! Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa sarili ko. Pinipilit kong wag isipin siya. Kalimutan. Pero bakit di siya mawala wala sa isip ko.
Jasper: Nakilala ko si Jenny sa coffeeshop na 'to. Isa siya sa barista ng shop. She is simple. Just my type. Siya, most of the time, ang natitimpla ng order ko. After Gingging, siya ang sumunod na babaeng nagustuhan ko. Isa siya sa dahilan bakit nandito ako tumatambay sa shop. Minsan nga nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya. Pero may problema. She is just 19. Ayoko ng masyadong bata.
Andrew: Wala na ang talyer. Nanlumo naman ang puso ko. Wala namang sira ang sasakyan ko pero may nag udyok lang sa utak ko na daanan ang lugar na yun. Pero wala na dun ang talyer. I admit it made me sad. Alam ko kasing isa yun sa dahilan why I am so eager to go back here in Davao. Kung sana nakuha ko lang ang pangalan niya. Sana nakilala ko man lang siya.
Jasper: Siguro nga it is not time for me to involve to someone. Kulang pa ang naipon ko and I have plans to finish a course bago magrelasyon or mag settle down. Kampante naman akong darating din ang tamang kapareha ko in God's time. Malay natin, baka dumating din siya ngayon. Makilala ko. Kahit makilala ko lang at panahon na ang magdala sa amin kung kami nga talaga. Handa naman akong maghintay. Basta ba makatapos akp sa kurso ko. Di din naman kasi ako pwedeng maghanap sa university. Pagtatawanan lang siguro alo dahil ang tanda ko na para makipagrelasyon sa bata. Hay! Malay natin na kung sinong unang pumasok sa pintuan ng shop na to ngayon siya na pala yun.
Andrew: May something na nagpukaw sa akin para paglakbayin ko ang tingin ko sa mga customers sa loobng shop pagkapasok ko dito. Bigla akong kinabahan nang makita ko ang isang lalaking nakaupo sa may bintana. My heart begins to beat faster. Side view pa lang ng mukha niya, di ko makalimutan. Siya yun. Siya yun. Kaya minabuti kong tingnan siya hoping that he would head his gaze to me. And it did! He smiled! Something that had put me in an embarassed state dahil uminit ang mukhakp. Blood rush! I know namumula ako. Tinanguan ko lang siya ang head my way to my office in the shop. Sapo ko ang dibdib kong kanina ko pa gustong kalampagin dahil sa di inaasahang nangyari. All the while I felt sadness pero biglang binalot ako ng saya.
Jasper: Hindi ko sinabing lalaking unang pumasok sa pintuan ng shop ha. Babae! Ang weird nga lang bakit nginitian ko yung pumasok. He looks familiar though. Parang nagkita na kami. O baka kamukha lang. Pagkangiti niya ay umalis na din ito sa kinatatayuan and maybe will order his coffee. Ooops! Wala ng ibang upuan sa shop kaya baka mapilitan siyang makitable sa akin. Okay lang naman din. Pero hindi eh. Nawala na lang siyang bigla. Di ko nakita saan nagpunta. Pero parang pamilyar nga sa akin yung mukha niya. Ahh! Baka mga kamukha lang.
Andrew: Wala na siya. When I came out from my office pagkatapos kung mapapanatag ang sarili ko, I went out and wala na siya. Hay! another mere chance that I let go! Sayang naman! But I tried pinching myself for thinking as such. This could not be happening to me. Hindi ako bakla. Hindi!
Jasper: Jasper Hilario. Ganda ng pangalan ko. Tunog artista. Pero hindi ako artista. Businessman ako. Hahaha. Yan lagi ang biro sa akin ng mga tauhan ko sa ngayong lumaking talyer ko.
Andrew: Kanina pa ako nakaupo sa sasakyan ko. Nakatingin lang sa bintana kung saan malapit na nakaupo si Mr. Talyer habang nagkakape. I was still hoping na makikit ko siya. Hindi pwedeng di ko siya makilala. Masisiraan na ako ng ulo kakaisip sa kanya. He is driving me insane.
Pero mag iisang oras na ay di pa din aiya dumadating. Weird dahil nagtawanan ang mga crew ko when I ask about his name. Hindi din naman nila alam. Kaya, nagpaimplement ako ng panibagong rule. Bawat may oorder ay kukunin ang pangalan at isulat ito sa cup nila. Ang sabi ko lang, ganito din ang ginagawa ng ibang coffee shop. Para ma personalize masyado ng interaction ng servers and customers.
Jasper: Kapeng kape na ako.
Andrew: Fourth day pero di ko pa din nakikit ulit si Mr. Talyer. Sinubukan ko ulit dumaan sa lugar kung saan una ko siyang nakita. Pero wala talaga. I must admit, I am starting to get to know myself better. Unti unti ko ng nararamdaman na nagbabago na ako. Siguro dahil sa lalaking yun. Nakakainis kasi tong si Jenny dahil panay ang kuwento sa isang crush niya. Gwapo daw at malimit siya daw ang nagsiserve dito pag pumupunta ito. Naisip ko tuloy na sana ako amg mag serve sa kanya. Well, hindi mangyayari yun. I am the Boss. Okay lang na mag cashier ako. I will not attend to customers like brewing their coffees or mixing their blends.
Until I saw him papasok ng shop. Muling kumaripas ng takbuhan ng mga daga sa dibdib ko.
Jasper: I saw him again today. Weird dahil nasa cashier's booth siya at siya pa yata ang kukuha ng order ko. Ito namang si Jenny panay ang smile simula ng pagpasok ko. Nginingitian ko din siya. Wala na akong magagawa. Mabait ako eh. Pogi pa. Pero mas weird ang tingin sa akin ng lalaking ito. Hinihigop ako at parang natulala pa.
BINABASA MO ANG
Coffee By The Window (BxB: Complete)
Short StoryShort Story C O P Y R I G H T © 2 0 1 5 Coffee By The Window By HaydenAgenda