Five

118 5 0
                                    

Andrew: Nalulungkot ako kahit dapat maging masaya ako seeing him graduate. Alam kong he deserves it! Ang maging successful! Ang matupad ang mga pangarap niya sa sarili at sa pamilya niya. In the long run of our friendship, nakilala ko na din siya. Pati ang pamilya niya.

Nalulungkot ako dahil maaring hindi na kami madalas na magkikita.

Jasper: Maghihiwalay? No! Never will it come to me! We are friends.

May admirer ako, oo! Sikretong admirer na makikilala ko na mamaya. Ang sabi niya kasi pag nakatapos daw ako ng pag-aaral, saka siya magpapakilala.

Kahapon nga, nagulat ako sa isang malaking regalo niya sa akin.

And I want Andrew to meet him....

Andrew: Ang sakit pala! Ang sakit sakit na gusto ko ng umalis sa harapan niya. He is asking me to meet his special someone. Sa bahay niya dito sa Manila. Yung admirer niyang puro regalo lang ang nakikita ko. Sana ako na lang ang gumawa nun. Pero ayaw kong mabahiran ang friendship namin.

Kahit sikreto ko siyang minamahal at ginusto, tanggap ko na na hanggang dito lang kami.

Pero masakit pa din.

Jasper: I was surprised ng malaman ko ang pangalan ng secret admirer ko. Pero dahil nga sa sikretong mga bagay, ngayon ko lang siya makilala. Sa bahay.

Excited na ako sa magiging reaksiyon ni Andrew.

I just want him to be happy! For me!

Andrew: Nakailang punta na din ako sa bahay ni Jasper pero kung may parte ng bahay niya ang hindi ko pa napasok, yun ay ang kwarto niya. Kaya nagulat ako ng pinapanhik niya ako sa kuwarto dahil nandun daw ang taong mahal niya.

Sana maaksidente ako sa hagdanan. Parang di ko yata kayang matutuldukan na ang pagnanais kong mapasaakin siya.

Pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto niya, tumambad sa akin ang lahat. Mga bagay na maayos na nakahilera sa mga estante. Mula sa mga maliliit na bagay hanggang sa mga malalaking stuff toys na pamilyar sa akin.

Pero nasaan ang admirer niya?

Inisa isa kong tingnan ang mga nakahanay na mga regalo. Magkakasunod sunod pa ang nga bagay na may naka label na date at bawat isa ay may isang note.

First item: Davao Keychain at may kapirason card na nakasulat ang salitang "Hi"

Second Item: Coffee Mug na may logo ng "Coffee In The Window" na coffee shop ko.

Jasper: I want him to discover the truth. Siguro he deserves to know the truth.

Andrew: Unti unti akong binalot ng kaba. Bawat item na nandun is significant sa nangyari sa akin. Sa amin ni Jasper. Hanggang sa mabasa ko ang isang letter.

Hello Jasper,

Alam kong naguguluhan ka sa lahat ng mga bagay na nakuha mo sa akin. I''m sorry if I can only do it this way. Ayokong maguluhan ang isip mo habang nag-aaral ka kaya hihintayin kita hanggang sa makatapos ka. I know that you would finish it with flying colors! Matalino ka, matiyaga, masipag, guwapo pa! Kaya nga nahulog ang loob ko sa'yo.

Pero natatakot akong magpakilala sa'yo ngayon. May takdang oras at panahon.

Pero para magkakaroon ka ng clue, I will hive you hints everyday.

Anonymous

Jasper: Alam kong mahirap paniwalaan ang lahat ng nangyayari sa akin lalo na yung secret admirer ko na dahil sa hints and clues na sinasabi niya, nakilala ko na agad.

Coffee By The Window (BxB: Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon