Chapter 2

4.1K 151 10
                                    

Jhanelle's POV

"Napasa naba lahat ng thesis nyo?
Sa mga nakapag pasa, pwede na kayong lumabas." Sambit ng prof namin.

Dahil sa nakapag pasa na ako ay lumabas na ako. Habang naglalakad ako ay napatigil ako dahil may tumawag saakin.

"Jhanelle?" Pagtingin ko sa likuran ko ay si Aprille pala. Bestfriend ko dito sa School.

"Oh, Aprille? Kamusta? Uy malapit na bakasyon ah, anong plano mo? Baka gusto mong sumama saamin, pupunta kami sa Vigan." Mahaba kong sabi sa kanya.

"Naku hindi bali nalang. Kaya nga ako lumapit sayo, dahil may chika ako. Alam kong mahilig kayo sa out of town. May nabalitaan kasi akong magbabarkada na hindi na makita. Nawawala sila simula noong mag out of town sila. Siguro mag dadalawang buwan na daw. Nakakatakot! Ano kayang nangyari sa kanila? Saan kaya sila napunta? Kaya kayo best jhanelle. Mag iingat kayo sa pupuntahan nyo."

"Salamat! Best Aprille. Pero, teka, saan mo naman nabalitaan yan?" Nagtataka ako, napaka galing hahagap ng balita itong best ko.

"Nabasa ko sa Facebook. Viral sila kasi may pinost yung isang babae na kasama sa nawawalang magkakabarkada. Nag post siya ng Picture. Duguan siya at ang sabi, tulungan nyo kami. Papatayin nila kami. Yung ang sabi at Naku, yung magulang nung babae, iyak ng iyak ng makita yung picture ng anak niya."

"Katakot naman! Saan kaya sila napadpad? Sana naman makatakas sila at makaligtas."

"Hoy, haneloo! Halika kana. Nakikipag chikahan kapa diyan, kanina pa kami nag aantay sa labas. Naiinis na naman sayo si Ada! Ang tagal mo daw." Nagulat ako kay Joy. Sinundo na ako dito sa loob ng school ko. Diko pa nga pala nasasabi na magkakahiwalay kami ng school.
"Andyan na. Sorry!" Sambit ko kay joy. "Sige na, best Aprille, mauna na kami. Saka nalang ulit tayo magchikahan
Bye!"

Pagdating namin sa loob ng van, kinuwento ko sa kanila yung sinabi ni Aprille.

"Kaya pala ang tagal tagal mo, nakipag chikahan kapa." Sambit ni Ada.

"Naku, haneloo, hindi yan totoo. Mga nagpapasikat lang yan sa Facebook." Sambi ni Bethy.

"Sa bagay. Gumagawa ng kwento para mag Viral. Mga echusera talaga!" Natatawang sabi ni Nikki. Sabi lang niya yan, pero natatakot na yan.

"Ay guys, nasabihan ko na parents ko. Pinayagan na nila ako." Masayang sambit ni lester.

"Ako din, pinayagan na nila." Sambit ni Jessa.

"Ako din pinayagan na ni Mami." Sambit ko sa kanila.

"Eh ang papa mo, pinayagan ka din ba?" Tanong ni Ada.

"Ano kaba, Ada. Diba matagal ng wala ang Papa ni Jhanelle. Ay sabagay, bago ka lang sa tropa. Hindi mo nga pala alam." Sambit ni Joy.

"Ay ganun ba? Eh nasan siya? Patay na ba? Sorry, Jhanelle." Sambit ni Ada.

"Hindi ko alam. Hindi pa siya patay. Hindi sinasabi ni Mami kung nasaan siya at kung bakit kinamumuhian siya ni Mami. Ang sabi niya lang. Baliw daw ang Papa ko."

"Baliw? Diba magaling na doctor yun?" Tanong ni Bethy.

"Oo nga eh. Kaya nga nagtataka ako. Simula kasi nung mag grade 5 ako, nawala na siya. Umuwi ako sa bahay ng wala na si Papa. Araw-araw ko nga siya hinahanap simula nun eh, pero dahil sa tumagal ng tumagal ay nasanay na akong wala na siya. Saka isa pa, ayaw na ni Mami na pinag uusapan siya." Dahil ss kinuwento ko ay Niyakap ako ni Nikki. Naawa ata siya saakin.

Jaika (Available On Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon