Chapter 4

3.4K 143 2
                                    


Jhanelle's POV

Nagising ako nang nasa isang madilim na kulong na bahay na ako. Masakit ang ulo ko ng bumangon ako. Naalala ko bigla. Asan sila? Wala akong makita, masyadong madilim.

Nakapa ko sa bulsa ko ang ang Cellphone ko. Binuksan ko ang Flashlight at laking gulat ko ng makita ko sa tabi ko sina Bethy, Jessa, Ada, Nikki at Joy. Pero teka, asan sina Lester at Nel? Wala sila dito sa kulong na bahay na ito.

"Guys! Gising!" Tinapik tapik ko sila.

Unang nagising si Jessa. "Anong nangyari?

"My god! Nasan tayo?" Gising nadin si Bethy.

May biglang yumakap saakin. "Wahhh! Nasan tayo?" Si nikki pala.

"Teka, asan ang dalawa? Asan sina Nel at lester?" Tanong ni Ada.

"Ahhhhhhhhhh!!!" Nagulat kaming lahat sa nadinig namin. Sigurado kaming si Lester ang sumigaw nayun.

"My god! Si lester yun. Anong nangyari? Natatakot na ako!" Sambit ni Jessa.

Nagtabi-tabi kaming anim. Lahat kami ay natakot. Minabuti nalang namin manahimik hanggang sa sumikat ang araw.

Nakadinig kami ng mga yapak.
Maya-maya ay may nagbukas na ng pinto, kung saan nakakulong kami.

Dalawang lalaki ang bumungad saamin. Malalaki ang katawan nila at may mga halong konting dugo ang mga damit nila.

Biglang tumayo si Ada."Sino kayo? Saan nyo kami dinala? Mga hayop kayo ah!" Lumapit si ada sa dalawang lalaki at pinagsasapak niya ang dalawa.

"Aba! Palaban ang isang to! Halika, kailangan mo ng alamin ang patakaran dito." Sabi ng isang lalaki at nagulat kami ng bigla niyang sinikmuraan si Ada.

"Shit! Wag mong saktan ang kaibigan namin!" Sambit ni Jessa.

"F*ck you ka! Saan mo ako dadalin?" Sigaw ni Ada.

Umalis na yung isang lalaki dala-dala si Ada.

"Kayo, sumunod kayo saakin." Sambit nung isang lalaki.

"Anong gagawin nyo saamin?" Takot na takot si nikki.

Nangangatog kaming lahat habang sumusunod sa kanya.

"Maghintay kayo. Isa-isa kayong papasok sa loob ng kwartong yan. Diyan ang Room kung saan dadaan ang lahat ng baguhan dito." Sambit nung lalaki.

Maya-maya pa ay lumabas na si Ada.

"Ada!? Anong nangyari? Anong ginawa nila sayo?" Nakasigaw na tanong ni Bethy. Bigla siyang sinampal ng isang lalaki.

"Bawal maingay dito!" Sambit nung lalaki kay Bethy.

Tinignan namin si Ada. Nakatingin lang ito sa baba at hindi manlang kami tinignan at kinausap. Dinala na siya sa isang malaking bahay.

"Saan nyo siya dadalin? Ada?!! Bakit ganun si ada? Bakit hindi na niya tayo pinansin?" Nagtatakang tanong ni Nikki.

"Ikaw na ang susunod! Babaeng maingay!" Sambit ng lalaki at agad na hinila si bethy.

Jaika (Available On Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon