Jhanelle's POV
"May kapatid pa po ako, Mami?" Tanong ko habang parehas kaming umiiyak.
"Oo, jhanelle. Pero pwede, saka na natin pag usapan yan. Ayoko muna. Hindi ko na kaya pang mag kwento at naalala ko lang ang lahat ng kadimonyohan ng Papa mo. Wag kang mag alala. Ikukwento ko din sayo ang lahat.Hindi muna ngayon dahil hindi ko pa kayang ikwento."
"Okay po, Mami, sige tama na po ang pag iyak. Mabuti pa po ay kumain na tayo." Ngayon ay naiintindihan ko na si Mami. Parang pati ako nagagalit narin kay Papa. Papaano niya nagawang patayin ang kapatid ko? Pero kung totoo buhay pa nga si Papa. Hindi ko na nanaisin na makita pa siya. Ngayon ay pati ako ay natatakot na sa kanya. Kinamumuhian ko narin siya kagaya ni Mami. Ayoko na sa kanya.
*****
Sa school ay walang pumapasok sa utak ko. Tulala parin ako sa mga natuklasan ko.
"Miss Jhanelle Opay! Nakikinig kaba? Bakit sa labas ka nakatingin?"
"Sorry po, Ma'am." Sagot ko.
May ilang pinagtawanan ako. May ilang inirapan pa ako. Wala akong pake sa kanila. Ganyan naman sila eh. Kaya wala akong kaibigan sa room na ito eh. Mga masyadong epal. Mga plastik at mga feeling susyal. Kala naman nila kinagandan nila yun. Mga pangit sila, bwisit!Matapos ng klase ay lumabas na ako ng room nayun dahil masyadong mahangin. Paano ba naman, puro mahahangin ang tao doon. Buti nalang tatlong araw nalang at hindi ko na sila makikita. Mga nakakairita ang mga mukha nilang puro kolorete.
Dahil sa hindi kami magkikita kita ng mga solid friends ko. Minabuti ko nalang na umuwi. Ayokong mag gagastos at sa sabado ng gabi ay aalis na kami. Tipid tipid din pag may time.
Pag uwi sa bahay ay nadatnan kong walang tao. "Saan kaya nagpunta si Mami?" Pinuntahan ko siya sa kwarto niya pero, wala rin siya doon.
Naisip ko bigla. Nasan kaya yung Camera ni Mami? Gusto kong dalin yung DSLR niya. Ichacharge ko na yung battery at baka mamaya sira nayun. Matagal na kasing hindi nagagamit.
Hinalungkab ko ang aparador niya, hanggang sa may makita akong picture. Kinuha ko yun at nagulat ako sa nakita ko. Picture nila Mami at Papa, kasama ng isang babaeng dalaga. Kamuka ko siya. Siya siguro yung sinasabi ni Mami na ate ko. Sayang, hindi ko manlang nakita si Ate. Hindi ko manlang siya nakabonding. Ano kaya dahilan ni Papa at pinatay niya si Ate. Saka ano kayang pangalan ng ate ko?
****
Nakahiga ako sa kama ko ng biglang bumukas ang aparador ko. Nagtataka ako. Wala namang hangin. Tumayo ako at unti unti akong lumapit para isarado yun.
Ganun ganun nalang ang takot ko ng may maaninag ako sa bintana ng kwarto ko.
Kitang kita sa anino na galing sa buwan ang babaeng nakatayo sa tapat na bintana ko. Nakapagtataka. Paano niya nagawang tumayo doon na wala namang matutungtungan. Nagsimula ng magtaasan ang balahibo ko.
"Sino ka?" Tanong ko sa nanginginig na boses.
Bigla nang lumakas ang hangin sa loob ng kwarto ko na lalo nag pangatog saakin.
BINABASA MO ANG
Jaika (Available On Dreame)
HorrorSa isang madalim na gubat nangyayari ang isang kakabalaghan na kung saan ay pag sapit ng umaga ay isang taong walang buhay ang madadatnan. Sino ang may kagagawan nito at anong ang dahilan kung bakit may namamatay? Makatakas ka kaya ng buhay o madada...