2

14 0 0
                                    

Bumaba na kami sa Rooftop para pumasok sa third subject namin. Alam kong hindi kami mag didiscuss si Sir kaya naisipan ko nalang pumunta sa Music room.

Nagpaalam ako dun sa dalawang mokong na aalis muna ako. Kita nalang kami sa Tambayan mamaya.

Pero bago ako lumbas tinignan ko muna ang buong classroom, hinahanap ko si Clarissa sa Room pero diko siya mahagilap. San kaya nagpunta yun? Diko nalang siya pinansin at lumabas na ako at naglakad papuntang music room.

Pero bago ako makapasok sa music room, may narinig akong nag Gi-guitara.

"Oooh Stitches. My favorite." Sabi ko sa Sarili Ko. Nag tago ako sa sulok para makinig.

I thought that I've been hurt before, but no one's ever left me quite this sore.

Shit lang, naninigas ako sa ganda ng boses niya. Tumataas balahibo ko.

Your words cut deeper than a knife, now I need someone to breathe me back to life.

Got a feeling that i'm going under, but I know that I'll make it out of life. If I quit calling you my lover, move on.

You watch me blee-

Napatigil siya ng makarinig siya ng pag bukas ng pinto sa backstage. Epal naman! Uupakan ko to ee.

Sumilip ako para nakita yung kumakanta pero nakita ko nalang yung guitara sa sahig. Wala na sya.

"The flash ia that you?" Sabi ko sa isip ko.

Lumabas nalang ako habang di pa nakakapasok si Manog Janitor. Psh. Janitor lang pala.

Dumiretso nalang ulit ako sa rooftop para matulog. Humiga ako sa bench sa corner ng Rooftop. Hindi masyadong mainit kasi may bubong sa corner. Ipinikit ko ang mga mata ko at tuluyan ng natulog.

Iminulat ko ang mata ko at tumingin sa relo ko. Oh crap! 4:30 na! Uwian na. Haha! Lagot ako sa mga mokong na yun.

Dali dali akong bumaba para pumunta sa tambayan. Nung nasa loby na ako may nabangga akong babae. Crap si Clarissa.

"Di kasi tumitingin sa Dinadaanan." Sagot ko

"Sorry." Narinig ko siyang humihikbi. Umiiyak ata.

"Akala ko palaban hindi naman pala." Pabulong kong sabi.

"Hindi sa lahat ng oras palaban ang isang tao! Minsan kailangan mo ding sumuko para hindi ka lalong mahirapan!" Sa oras na iyon, humarap siya saakin at dumadaloy ang luha sa mga pisngi niya. Umalis na siya at tinalikuran ako.

"Uuugh! Anong ginawa mo Alexander!" Sigaw ko sa sarili ko. Buti nalang walang tao sa lobby.

Tinext ko si Clark na, hindi ako makakasipot sa Tambayan. Hindi ko na sinabi ang dahilan. Tinakbo ko ang classroom ko para kunin ang bag ko. pag katapos kong kunin ay dali dali akong tumakbo para sundan si Clarissa. Hini ko alam kung bat ko siya sinusundan pero feeling ko kelangan ko siyang sundan. Hinanap ko siya sa labas ng campus. Hindi ko siya makita. "Ano bang Ginawa mo Magnus Alexander Chua! Kasalanan moto" pag sisisi ko sa sarili ko.

Nahagilap ko yung bag niyang Jansport at sinundan ko siya. Pero dumistansya ako. Para hindi niya ako mahalata.

Umupo siya sa isang sulok kung saan walang tao. Malinis ang lugar, tahimik, mahangin. Ganda dito.

Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw.
"Bakit ba laging ako nalang ang iniiwan at naloloko! Masakit ng Maiwan!" Sigaw niya. I feel her. So much.

"Iwan niyo na akong lahat! Okay lang!" Sumisigaw siya habanh umiiyak. Naglabas siya ng naliit na bagay. tinignan kong mabuti. Hindi ko makita ng malinaw. Rectangle siya na naka balot sa puti... shit blade ba yon!? Mag papakamatay na sya!?

When Bad Boy Meets The BaddestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon