3

8 0 0
                                    

Clarissa's POV

Ugh kagabi pa ako badtrip! Paano kasi hindi ako pinayagang lumabas kasi nga daw gabi na. Pinaasa ko ang bestfriend ko na pupunta ako sa 16th birthday niya. Galit ako kay Mom. Sana inintindi niya na bestfriend ko yun. Wala na nga lang akong kapatid. Aira is a sister to me.

Kinuha ko yung wallet ko sa desk ng kwarto ko at nag bulsa ng pera. Kailangan kong bumawi kay Aira.

Lumabas na ako sa bahay. At dahil walang dumadaan na taxi dito sa harap ng subdivision namin. Kelangan kong magpunta sa kabilang subdivision para mag antay ng taxi.

Tumakbo ako hanggang maka punta sa Gate ng Castillas Subdivision. Pero sa hindi inaasahan may nabangga akong lalaki.

"Ano Ba Miss! Dika tumitingin sa dinadaanan mo!" Sigaw niya saakin sabay dukot ng phone niya. Shit basaga ata.

"Sorry." Maikling sagot ko. Ugh! Badtrip naman oh! Napa trouble ka pa Clarissa! Hindi ko inaangat ang muka ko baka makilala ako ni Magnus.

"Ugh! Matapos mokong banggain-"

Hindi ko na siya pinatapos dinukot ko yung pera ko bago ko masapak- este bago lumala yung problema

"Oh Pera pambili cellphone." Sabay abot nito sakanya. Sumakay na ako sa taxi na tumigil sa harapan namin. Pero bago ako makaalis binaba ko ang bintana.

"10k yan pambili cellphone." Sabay alis. Nakita ko pa siyang nag salita nang tumingin ako sa Side mirror.

Bago ako dumiretso sa school, dumiretso muna ako sa Hospital para Bisitahin si Aira.. Naaksidente siya ng pauwi siya nung nakaraang Linggo. Nag punta siya sa bahay para bisitahin at alagaan ako. Dahil sa mga oras na bumibisita siya saakin, inaalagaan niya ako, pinapakain, pinupunasan ng Maligamgam na tubig para maibsan ang Init sa katawan ko

Hanggang sa nabalitaan ko ng Gabing yun na..

Flashback

Riiiiing! Riiiing!...

Dali dali kong tinignan ang phone ko. Nakita ko sa screen Phone ko ang "Aira's mom Calling" kanina umuwi si Aira ha? Dali dali ko namang sinagot Ang tawag ni tita Angelica.

"Hello po tita? Napatawag po kayo?" Sagot ko.

"Clarissa, si Aira. Naaksidente. Punta ka sa ospital please." Nanigas ako sa sinabi ni tita. Hindi ko na sinagot su tita at kinuha ang Jacket ko at daludaling sumakay sa Motor ko papuntang Ospital.

Habang nasa byahe ako papuntang ospital, hindi ko maiwasang umiyak. Hindi ko inalintana ang Damit ko na Leggings at Lose shirt take note, Naka Tsinelas lang ako. Pero wala na akong pake, bestfriend ko na ang pinag uusapan dito.

Makalipas ang ilang minutong byahe, naka rating na ako. Agad akong nagtanong sa assistant desk sa ospital.

"Ate! Saan yung room ni Aira Buenaventura!?" tanong ko sa 3 nurse sa harao ko.

At aba? Ni isa walang lumingon. Take note, nag tatawanan sila!?

"Ano ba ate? Hindi niyo ba gagawin ng maayos ang trabaho niyo!?" At sa wakas napalingon ko sila. "Maraming tao ang nasa panganib ngayon, sa ospital na to! Tapos kayo nag tatawanan lang? Aba? Nag comedian nalang sana kayo!" Lahat ng mga tao sa area na yon tumingin saakin.

"Huling tanong mga ate, saan ang room ni Aira Buenaventura!" sa oras na yon nakayukom na ang kamao ko.

"S-sa room N-number 108 po." Sagot ni ateng nurse

"Salamat." At tumkbo na papunta sa kwarto ni Aira.

Hindi na ako kumatok at agad na akong pumasok. Pagkapasok ko, nakita ko si Aira na nakahilata sa kama. Hindi ko kinakaya ang nangyayari sa bestfriend ko. Kasalanan ko to. Kung pinigulan ko nalang saba si Aira sa pagpunta sa bahay edi sana hindi nangyari sakanya ito.

Habang nasa tabi ako ni Aira, hinawakan ko ang kamay niya. Ang dami niyang galos, galos sa kamay, sa muka at pati sa paa. Napuruhan ang kaliwang bahago ng katawan niya. Halatang sobrang lakas ng pag bangga niya.

"She was driving home galing sa bahay niyo. And then sa oras na iyon may tumawag sakanya, it was his ex Boyfriend. Dali dali niyang kinuha ang phone niya sa bag niya at nabitawan ang manibela. Nabangga ang sasakyan niya sa left side ng rumaragasang truck sa crossing at tumilapon ang sasakyan ng anak ko." Umiiyak na pahayag ni tita.

"Naikwento niya ang lahat bago siya mawalan ng malay." Dagdag pa ni tita..

hindi na ako nakapag salita at hawak parin ang kamay ng Bestfriend ko. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sa bestfriend ko. Pinauwi ako ni tita dahil kaipangan ko na daw mag ayos para sa pasok ko next week. At next week ay birthday na ni aira.

Araw araw akong bumibisita kay Aira hanggang sa Isang Araw nagising siya.

"Aira! Okay ka na ba? May masakit pa sayo? Anong kailangan mo? Tubig, juice o Kape!?" Tanong ko.

"Sino ka?" Tanong niya sakin. Muntik ng gumuho ang mundo ko sa sinabi niya. Hanggang sa sinabi niyang "oy Joke lang Clarie! Hahaha!" Oo nga bestfriend ko to. Siya lang ang nag tatawag saakin ng Clarie.

"Ay nako! Kung di ka lang talaga nakahilata diyang sasapakin kita!" Pananakot ko sakanya. Tss.

"Haha! Oy! Birthday ko na next week! Promise mo pupunta ka ha? Halatang dito ako sa ospital mag bibirthday kasi 2 months pa daw ang recovery ko." Malungkot niyang sabi. Naawa naman ako dito sa unggoy na to.

"Oo promise yan." Sabi ko sakanya. I made a promise. A serious promise.

End of flashback.

Pagkarating ko sa ospital agad naman akong dumiretso sa kwarto ni Aira. Kumatok muna ako bago pumasok.

Pagkapasok ko nakita ko si Aira na nakatingin sa bintana. Halatang malalim ang iniisip niya.

"Bestfr-" hindi ko pa ako tapos mag salita ay nagsalita na siya.

"Umalis ka na. Di kita kailangan." Sagot niya habang nanginginig ang boses niya. Sht.

"Aira I'm sorry, hindi kasi ako pinalabas nila Mo-" pinutol niya nanaman ang pagsasalita ko.

"I don't need your explaination! Get out!" Hindi parin siya tumitingin saakin. Alam kong umiiyak siya dahil sa panginginig ng boses niya.

Hindi ako nag dalawang isip na lumabas. Ayoko ng makita ang bestftiend ko na nahihirapan sa kalagayan niya ngayon. At ayoko na ding dumagdag pa.

Tinignan ko ang relo ko.

"Time na pala. Hindi ko namalayan." Lumabas ako ng ospital na parang zombie na naglalakad. Pagkalabas ko ay agad naman akong pumara ng Taxi.

"Kuya sa CU po." Malumanay kong sabi.

10 minutes late na ako. Kahit ayaw kong pumasok, pumasok parin ako para kay Mom. Pagkabukas ko ng pinto ng section ko, agad namang napatigil ang lahat sa pagdating ko.

Agad namang nagsalita yung adviser namin. "Go find your seat." Sabi ni Ma'am. Nakahanap ako ng upuan sa bakante bandang likod malapit sa corner.

Inilagay ko sa ibabaw ng desk ko yung bag ko at pinatong ang ulo ko sa bag. Pero bakit ganon? Feelingbko may naka titig saakin. Gusto kong tignan pero wala ako sa mood dahil ang nasa isip ko ay Si Aira. Naririnig ko ang mga kaklase ko na nagpapakilala sa harap. Hanggang sa nag mention si ma'am ng name.

"Mr Chua, It's your turn to ba recognize." Sabi niya. Hindi ko sila tinitignan. Narinig ko nalang Si Chua na nag salita.

"Magnus Alexander Chua. 18." Sabi niya.

Crap! Kaklase ko si Magnus Alexander Chua!? Oh No...

When Bad Boy Meets The BaddestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon