Crap! Kaklase ko si Magnus Alexander Chua!? Oh No...
Agad naman akong nagulat dun sa kaibigan ni Magnus bigla nalang sumigaw.
"Waaaaah!" Sigaw niya. Naalimpungatan naman ako at agad kong inangat ang ulo ko para makita ang reaction niya. Lahat ng tao nakatingin sakanya.
"What's the Matter Mr. Walterson?" Tanong ni Ms. Sta Cruz. Habang ako ang sama ng tingin ko sakanya. Grabe to, daig ang babae kung sumigaw.
"Nothing Ma'am." Sagot niya.
"Okay then, pleas seat down Mr. Chua. Ms.-" sabay turo saakin "you're next." Tumayo na ako sa kinauupuan ko habang si Magnus ay nakasalubong ko. Pagkarating ko sa harap ay agad na akong nag salita.
"Clarissa Isabelle Lopez-" tumingin ako kay magnus kung anong magigong reaction niya pero mukang di niya ako namumukahan."17" at sabay iwas ng tingin sakanya. Alam kong di niya na ako namumukaan at nakikilala pero sana one day maalala o makilala manlang niya ako.
Lumipas ang isa pang subject, sa buong subject ay lutang ang isip ko. Inaalala ulit ang mga alaala na mukhang hindi na muling maaalala pa.
Hindi ko namalayan na tapos na ang second subject namin. Nag ring na ang bell na nag sasabing break time.
Lumabas ba ako agad ng halos hindi namamalayan ng Iba. Iniwan ko yung tatlong libro ko sa desk ko bago ako lumabas.
dumiretso ako sa canteen para bumili ng inumin. Pagkatapos kong bumili, dumiretso ako sa rooftop at doon ininom ang inumin ko. Inilabas lo naman yung libro kong "City Of Bones By Cassandra Clare." Pinaka favorite ko ito sa lahat ng libro ko.
Chapter 8 "She was too surprised to scream." Pag babasa ko sa isip ko. "The sensation of falling was the worst par-" hindi ko naituloy ang pag babasa ko ng biglang tumunog ang phone ko.
"Aira's Mom Calling" dali dali ko namang sinagot.
"Hello po ti-" hindi ko naituloy ang pag sasalita ko ng marinig ko si Aira.
"Come here please." Malungkot niyang sabi.
"Okay, I'm on my way." At ibibaba ang tawag. Agad na akong bumaba at lumabas ng campus. Nag antay ako ng taxi papunta sa ospital kung nasaan si Aira. Makalipas ang ilang minuto may dumating na taxi. Agad naman akong pumasok. Makalipas ang 20 minutes na pag biyahe, umakyat ako sa room niya. Hindi ko pinansin si tita sa labas nf room ni Aira na nakaupo.
Nakita ko yung bestfriend ko na nakatulala. Malalim ang iniisp.
"Aira bakit?" Tanong ko sakanya habang paupo ako sa tabi niya.
"Leave me alone." Bigkas niya.
Hindi paring nag sisink in sa utak ko ang sinabi ni Aira.
Leave me alone..
Leave me alone..
Leave me alone.."Why?" Namumuo na yung luha sa gilid ng mata ko.
"I don't like you anymore. I don't want you in my life anymore."
"Sasaya ka ba kapag ginawa ko ang sinasabi mo?" Hindi ko na napigilan at bumuhos na ang luha ko.
"Yes." Hindi niya ako tinitignan mata sa mata. Iniwas niya ang tingin niya.
"O-okay. I-i'll just leave you. Pero sana wag moko kakalimutan, hindi mag babago ang pagmamahal ko sayo bilang kapatid at bilang bestfriend." Pinunasan ko ang luha na dumadaloy sa pisngi ko. Tumayo na ako at lumabas sa ospital habang umiiyak. Hindi ko na pinansin si tita at nag lakad ako papalayo. Mala Zombie ang lakad ko. Ilang beses na ata ako nabangga ee.
BINABASA MO ANG
When Bad Boy Meets The Baddest
Teen FictionI'm Magnus Alexander Chua. Tagapagmana ng isang pinakamalaking Car Company sa Pinas. People say mayabang ako, hambog, bully lahat na ata ng Bad Sides nasaakin. Pero meron parin namang good sides di lang nila nakikita. Ang alam ko lang na good side k...