Grade 5 na ako, section amethyst sa Jose L. Porras Elem. School.
ang bata ko pa noh?
2005 yata 'to eh, di ko alam.
basta, di ko malilimutan ang first day ng school namin.
pati na din ang school mismo.
pati na rin ang mga taong naging kaklase ko.
Sumaya ako ng araw na yun.
JUNE 9, 20-i don't know na talaga
kasi kaklase ko yung mga friends ko.
iyakin pa naman ako noon.
nakaka-hiya nga eh.
but now i grew up to be strong.
Umupo ako sa may bandang likod ng classroom.
dun kasi may katapat na electric fan.
ang init pa naman ng panahon kaya tama lang yung place ko.
hindi naman umangal yung teacher ko.
kaya yun, doon na talaga ako umupo.
So dahil first day, orientation yung ginawa sa amin.
nag-quiz kami kung may natutunan ba kami sa grade 4 lessons namin.
ang saya nga eh. kasi nga grade 5, easy lang yung mga tanong.
oks na oks yun sa akin.
namimiss ko nga yung mga lesson nung elementary pa ako eh, kasi ang dali.
hindi gaya ngayong high school na.
puro..
hahay...
SO, RECCESS NA.
hindi ako kumain.
wala lang trip ko lang magmukmuk sa upuan ko.
tapos may biglang lumapit sa akin
"hoy! paki-bilhan naman ako ng pagkain oh" sino 'to?
may lumapit sa akin na lalake, ni hindi ko nga siya kilala tapos magpapabili ng pagkain.
FC GANUN??
"may sakit kasi ako, di ko kaya." talaga?? kung may sakit ka, ba't ka nakatayo??
pero di ko alam kung bakit ang BAIT ko at sinunod ko na lang yung sinabi niya.
kawawa naman eh.
so, pagkatapos ko na bilhin yung pagkain niya, ibinigay ko naman agad sa kanya.
siyempre tinanong ko yung name niya.
"uy! anong name mo?" i said.
"John Priam" WOAH!! ang ganda naman ng pangalan niya. I'm refering sa PRIAM thing.
UNUSSUAL yung name na yun.
kaya eto nakakatatak pa rin sa kokote ko.
after nun, naging close na kami.
sa di malamang kadahilanan.
parang naging bestfriend ko na nga siya eh.
siya lang yung friend na lalake na naging close ko.
siya lang yung lalake sa room namin na tahimik pero medyo malikot.
alam niyo yun??
basta ganun.
diba nga close na kami?
kaya ayun naglalaro kami ng kaming dalawa lang.
para nga kaming timang.
tapos nagsusulat kami sa papel, at dun kami nag-uusap pag may klase kami.,
basta ang saya namin, kasi puro asaran lang yung nilalagay namin sa papel.
madali lang naman kasi ipasa yung papel na yun kasi. one seat apart lang kami.
as in may space na pagitan sa amin.
pero parang halos magkatabi na kami.
kapag afternoon naman.
bumabalik kami sa skwelahan.
kaya minsan trip namin na magsulat sa papel, tapos pinapasa namin sa isa't isa.
kahit na pwede naman kaming mag-usap na may boses kasi nga wala kaming ginagawa.
tinatawag nga kaming baliw ng mga kaklase namin minsan eh.
basta ayun.
bata pa nga ako, di ko alam kung bakit nagagawa ko ang mga yun.