"An envious heart makes a treacherous ear."
---Zora Neale Hurston
A Little Drop of Tears
From the Original concept of A. Kyier Eleason
-----------------------------------------------------------------------------
COPYRIGHT © 2013 by A. Kyier Eleason
All Rights Reserved.
No part of this story covered by the copyright hereon may be reproduced, and/or used in any form by any means graphical, electronic, or mechanical without a written permission from the author. Unless, permitted by the law.
-----------------------------------------------------------------------------
o0o0o0o
F O R E W O R D
The following story is just a fruit of the author s playful imagination. Any resemblance to the character on a person s identity or life, living or dead, is highly coincidental.
IF SOME IDEAS, THOUGHTS, OR SCENES THAT ARE ALIKE TO ANY PROGRAM, MOVIE, TELEVISION SERIES, OR OTHER NOVEL ARE NOT INTENDED TO BE FORGED.
o0o0o0o
Ù%Ë%Ù% Prologue
Jealous.
It is a noun meaning feeling bitter and unhappy because of another's advantages, possessions, or luck.
Envy.
It is the resentful or unhappy feeling of wanting somebody else's success, good fortune, qualities, or possessions.
Nagseselos ang isang tao dahil sa lagi itong pinapaburan kaysa sa kanya.
Nai-inggit naman dahil sa laging napupunta ang atensyon sa iba kaysa sa kanya.
Maling pag-iisip.
Maling pag-aakala.
Kakitiran ng nalalaman.
At pagpapauna ng dalawang emosyon na ito bago harapin ang katotohanan. Dahil dito sumisibol ang kasamaan ng mundo.
Dahil sa hindi pagiging open-minded, may napapahamak.
May naghihirap.
May nagdurusa.
Ngunit kahit na ganito ang sinapit ko, tatanggapin ko pa rin dahil...
Kuya ko siya! Kapatid ko siya kahit hindi kapatid ang turing niya sa akin. Mainit ang dugo niya sa akin.
Naging rebelde siya. Nalulong sa bisyo. At naging sugarol.
Ngunit kahit ano atang gawin ko hinding hindi na niya ako matatanggap bilang kapatid. Isa lang akong alikabok sa paningin niya na bigla na lang nalipad patungo roon.
Ano nang magagawa ko?
Eh, hindi ako tanggap? Pero kahit na! Gagawin ko pa rin ang lahat kahit magmukha akong tanga. Matanggap lang niya ako. Kabayaran na rin ito sa utang na loob ko sa kanila.
Pero kailan kaya niya ako matatanggap? Isa lang naman ang hiling ko. Ang sana ay bumalik ang nakaraan. Para hindi na ako nata-tratong ganito. Siguro kahit papano tanggap naman ako ng lansangang unang kumupkop sa akin kaysa dito na ang tingin sa aki y isang anino.
Isang alikabok.
Kailan kaya ako makakahanap ng tunay na pagmamahal? Ng isang kapatid, ng isang kaibigan? Yung matatanggap ako at mamahalin ako ng buong-buo higit pa sa buhay niya. yung mamahalin ko rin pabalik?
"Hoy! Ano bang ginagawa mo diyan? Ano bang sinusulat mo at pumapatak na naman ang luha mo? Naplantsa mo na ba ang mga polo ko ha? Alam mo namang gagamitin ko yun mamaya e!" Sigaw sa akin ni sir habang nakatayo sa may pintuan ng maid s quarter.
"Opo, sir! Sandali na lang po bababa na! "
"Siguraduhin mo lang!" Tuluyan nang nawala si Sir.
***
Isang taong nabuhay sa galit. Galit na dulot ng poot, inggit, at selos.
Isang taong nagtitiis.
Isang taong nariyan sa tabi mo palagi. Handa kang saluhin sa oras ng iyong pagbagsak.
Isang taong lulong sa kalayawan ng mundo. Adiksyon sa droga at sa mga bagay na ipinagbabawal.
Isang kaibigan.
Isang masamang impluwensiya.
Isang taong alam lahat ng mali sa tama.
Isang taong namali ng akala.
Isang taong naging dahilan ng lahat ng pangyayaring ito.
Paano kaya iikot ang mga kapalaran nila sa kamay ng bawat isa?
Ano kaya ang mangyayari sa kanila kung maging ang mga luha mo'y hindi sapat?
***
"Oh, paano ba yan? Mamaya ko na lang tatapusin ang pagsulat sa iyo. Babalik din ako. Nagsusungit na naman si sir eh. Babye! "
At bago tuluyang umalis hinalikan ko muna ang notebook ko at pumatak na naman ang mumunting butil ng aking luha.
---
A/N: New story kahit na may isa pang on-going? baliw na talaga ako. XD hahaha. sana suportahan niyo.
~smile :)
A Little Drop of Tears
Property of Kyier Eleason
BINABASA MO ANG
A Little Drop of Tears
RomanceInggit. Selos. Poot. Galit. Sabi ng ilan, "life is unfair! Bakit siya meron nun, bakit ako wala?" Dahil dito marami ang naiingit sa kapwa niya. Marami ang nagseselos sa anumang mayroon siya. Ano kaya ang mangyayari kung sa isang tao ito ang pinaiira...