First Note - Man of Jealous

35 3 2
                                    

??? First Note // Man of Jealous

"Tapon na! Putcha ang tagal tumira!"

"Tarantado sandali! Nakita nang nag-iisip e." sabi ko sa taong nasa harap ko sabay hithit ng sigarilyo.

Binuga ko muna ang usok bago magtapon ng baraha.

"Bastos neto! Sa akin pa binuga 'yung usok!"

"Walang pakialamanan! Ayan na may tapon na, ang dami pang sasat! Leche! Tuloy na!"

Tuloy lang kami sa paglalaro ng baraha. Kasabay niyon ang paghithit ng sigarilyo, buga ng usok sa paligid at pagtira ng marijuana.

At sa bawat pag-ikot ng tapon ng baraha, bumababa an gang perang dala ko.

"PUNYETA! TALO NA NAMAN?" Sigaw ko matapos ang laro namin. "Mga madaya kayo!" 

Sabay tulak sa lamesang nasa harap ko. Ubos lahat ng dala kong pera, miski isang singkong duling wala akong napanalunan! Syete!

"Puta naman pare! Wala kaming kasalanan sa pagkatalo mo. Malas ka lang! Huwag mo kaming idamay sa kamalasan mo!"

"ANONG SABI MO?" Sabay lapit sa lalaking kausap ko. Pagkalapit ko, tinulak ko siya sa dibdib niya kaya napa-atras siya. "ANO? Papalag ka na?"

"E, gago ka pala e!"

"Awat na! Ano bang problema? Magkakaibigan tayo dito. Ano ba?" sabat naman ng isa pang lalaking kararating lang.

"Sino ka ba ha? Pakelamero ka! Gusto mo suntukan na lang?" sabi ko sa lalaking kararating lang habang papalapit sa kaniya na may kasama pang pagpapatunog na daliri.

"Easy ka lang, Rejie! Napasobra ka na ng hithit ng marijuana ah! Ako to! Si Jacob!" sabi niya habang patuloy pa rin sa paglakad paatras.

"Hoy Jacob! Pagsabihan mo kaibigan mo! Natalo lang sa sugal nagagalit na."

"Pagpasensyahan mo na. Naka-droga eh! Ikaw naman kasi Click e, pinatos mo pa!"

"Ako pa may kasalanan ngayon? E mga punyeta pala kayo!" sabi nung lalaking tinulak ko kanina sabay lakad palabas ng kwartong iyon.

"Problema nun? Ikaw naman kasi--!"

"BWISIT!" pagtitigil ko sa sasabihin ni Jacob. Wala ako sa sarili ngayon para sermunan lang. Mga bwisit!

"Pre, ako na ang bahala sa isang 'yun." Rinig kong sabi ng isang lalaki bago pa ako makalayo.

"Mabuti pa nga Chuck. Alam mo naman ang lalaking 'yun nawawala sa sarili kapag nakakadroga."

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko na pinansin kung may nababangga man ako. Wala akong pakialam. Punyetang buhay to!

Habang naglalakad ako may naririnig akong mga yabag na sumusunod sa akin. Malakas na yabag. Parang...yabag ng isang malaking nilalang. Parang...halimaw?

Lumingon ako sa likod ko, at tama ako.

May halimaw nga na sumusunod sa akin. Isang malaking halimaw na may tatlong sungay. Malalaking ngipin at mabalahibong katawan. Mayroon din itong mahabang buntot na napalilibutan ng malilit na mata.

Lumakad ako nang matulin. Nang mapadaan ako sa isang mabatong kalsada, sinipa ko paitaas ang isang bato at saka ko sinalo. Nagbilang muna ako ng tatlo bago ko ipukol sa kaniya. Pero bago ko matapos ang pagbibilang ko, may narinig akong tinig. Isang matinis na tinig na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Tinatawag ng tinig ang pangalan ko.

"Rejie~!"

Paulit-ulit. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang tinig na patuloy na lumalapit sa akin. Sumasakit ang ulo ko. Naibagsak ko tuloy sa sahig ang mga batong pinulot ko.

A Little Drop of TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon