Second Note - Her Tears

10 1 1
                                    

◙○◙ Second Note // Her Tears

ON PERSPETIVE: Hya (///T)

Nagising ako nang maliwanag na. Bumangon ako sa higaan ko at niligpit iyon. Matapos kong magligpit, pumunta ako sa banyo para maghilamos. Binasa ko ng tubig ang mukha ko. Pagtingin ko sa salamin, napatitig ako sa mukha ko. Namumula ang mga mata ko. Namamaga. Dahil na rin sa pag-iyak ko kagabi.

Inalis ko na ang tingin ko sa salamin dahil nararamdaman kong nag-iinit na naman ang mata ko kapag naaalala ko ang mga bagay na iyon. Mga bagay na matagal na akong binabagabag. Nagpatuloy na lang ako sa paghihilamos at nagsipilyo na rin ako.

Naligo na ako at nagbihis ng uniporme para sa aking trabaho. Isa akong service crew ng isang sikat na fast food chain dito sa lugar namin. Hindi kasi ako nakapag-college kasi maagang namatay ang mga magulang namin kaya heto lang ang trabaho ko. Ang importante, marangal ito.

Lumabas ako ng kwarto. Binalak ko pang puntahan ang kwarto ng kuya para tingnan kung ayos na ba siya. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam kong hindi maganda ang maaaring mangyari.

Lumabas na ako ng bahay namin at naglakad papunta sa lugar kung saan ako nagta-trabaho. Nagdiretso ako sa may kitchen ng fast food restaurant na ito para maghugas ng mga plato. Sa araw-araw na pagpasok ko dito, laging mga maruruming pinggan ang sumasalubong sa akin.

“Hya, may problema ka ba? Namumugto ang mga mata mo eh.” Sabi sa akin ni Pan.

Si Pan ay matagal ko ng kaibigan. High school pa lang ay close na kami. Mayaman sila pero ewan ko sa kaniya kung bakit nagta-trabaho pa dito, may businesses naman sila. Ang sabi lang niya, ang gusto daw niya ay nanggagaling sa sarili niyang bulsa ang ginagasta niya.

Nginitian ko lang siya. “Ayos lang ako.” Sabi ko at nagpatuloy na sa aking ginagawa.

“Sigurado ka? Para kasing may sakit ka eh.” Saad niya habang hinihipo pa ang noo at leeg ko.

“Angeles!” sigaw nang manager namin.

Nagitla kami sa sigaw ni Sir Cruz at napatayo kami ni Pan ng diretso. Natigil ako sa ginagawa kong paghuhugas.

“B-bakit po?” nauutal kong tugon.

“Iwan mo muna yang mga pinggan diyan. Ikaw muna ang mag-serve ng ilang orders. Hindi pa kasi pumapasok ‘yung ibang empleyado ko. Dali na.” tapos umalis na si Sir.

“Sige po.” Tinanggal ko ang suot kong gloves at nagpunas ng kamay. Humarap ako kay Pan.

“Mamaya na lang!”

Tumango lang si Pan. Ako naman dumiretso dun sa lalagyan ng mga orders. Kinuha ko iyon at hinatid na sa mga customer.

Marami-raming customer din ang kumakain dito kaya nakakapagod ang mag-serve ng pagkain. Pabalik-balik ka. Sumasakit na nga ang mga paa ko dahil kanina pa ako pabalik-balik.

Unti-unti nang kumaunti ang mga customer. Makakapagpahinga na rin ako.

Umupo ako sa isang upuan doon at sinandal ang likod ko doon.

Unti-unti kong pinikit ang aking mga mata pero bago ko pa man magawa iyon, ay biglang may dumating na customer.

Sa unang tingin, mukha nakaka-angat ng estado sa buhay. Naka-office attire kasi siya siguro papasok na ito sa trabaho. Nakatalikod siya sa akin kasi nagsisimula na siyang umorder. Turo dito, turo doon. Halos lahat ata ng tinda namin ino-order niya e.

Tinuloy ko na lang ang pag-idlip ko. Pinatong ko ang kamay ko at tinungo ko ang ulo ko sa mesa.

Ilang saglit pa’y may naramdaman na lang akong yumuyugyog sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Little Drop of TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon