Chapter 24

24 0 0
                                    

"SKy Pov,

Nagsilabasan sina Beblona, si Helia isang babae at isang famillar na lalaki.

"Okay meet, Beblona isang bubble catcher, kaway kaway naman ang loka, next is Helia, and I am sure that kilala niyo na siya, and this is Chrishel the elemental users, nag smile naman si Chrishel sabay bow, and this boy is Steve the Ice manipulator, yun lalaki, ahhh kaya pala famillar yun. Hmmm

Pagakatapos ng meet and greet sa isat-isa, dapat daw bukas maaga kaming gumising para maabutan namin yun train na sasakyan patungo doon sa VillageMac Academy, like duh kailangan ko na maagang matulog, para di stress kung tignan.

"eeeee, makakasama ako for sure maraming cute at gwapo doon" ika ni Beblona, nga pala dito kami sa room ka kasama siya at naghanda ng kung ano anong dadalhin para doon..

"Grave, landi teh! Yun lang pala ang pinunta mo doon" ika ko.

"Di noh! Alam ko naman bakit ako kinuha ng headmaster, kasi may alam ako, you know anong purpose ng glasses ko kung di ako bookholic" proud nitong sabi..

Tumango nalang ako, baka ma stress pa ako sa kanya.

Tapos na namin mag impake, at papunta kami sa training room, para pag usapan ang dapat pag usapan.

××××××××××

Training Room

"There you are! Bakit ang tagal niyo" singhal ni Merma

"Kasi naman tong si Beb ay tinawag ng kalikasan!" Sabi ko at ikinatawa ng lahat, except kay Chanler.

"So anong pag-uusapan natin?" Sabi ni Chrishel, hmm.. mabait naman si Chrishel kaso moody type siya, na girl and she is pretty and simple.

"Eto, pagdating natin doon, may camp na magaganap, so dapat makakuha tayo ng wastong lugar, at ligtas, kasi ayun sa information kung nakalap, kung sino ang may nakakuha ng ligtas na pwesto, ay may dagdag points, and kung sino rin yun may pinakamatibay na camp, kasi may gagawin daw silang twist, kaya much---" naputol ang pagsasalita ni Areo ng nagsalita si Topher

"Eh paano kung, maunhan tayo ng iba?" Tanong ni Topher.

"Hello, for sure magahahanap tayo,end if ever na nasa zone tayo ng di ligtas we need a security guard, or magbantay sa camp natin. Sabi ni Merma.

" kaya nga much better na makahanap tayo ng safe and sound place" -Areo

Tapos nun, napagdesisyunan na namin na bumalik sa kanya kanyang room para makapag pahinga for tommorows event.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

~kinabukasan~

"3rd person pov,

Nagsidatingan na ang lahat except kay Sky, di nila alam na hinahanap pala ni Sky ang nawawalang kwintas nito, na sobrang halaga sakanya.

Kaya naman napagdesisyunan ng binatang si Areo na pumunta na at sunduin si Sky sa room niya.

Tok! Tok! Tok!

"Sky, lets go! Kaw nalang ang hinihintay ng lahat" sabi ng binata.

Binuksan ng dalaga ang pintuan, para makita niya kung sinong gwapong nilalang ang naghahanap sa kanya.

"Sorry, kasi nawawala yun kwintas ko, pwede bang di na ako sasama?" Wika ng dalaga.

"No!! Di pwede we need your presence there!" ika ng binata.

Habang ang dalawa ay naguusap, ang kanilang kasamahan naman ay bagot na bagot na sa kahihintay.

"Sige tara na nakita ko na!" Masayang bati ng dalaga, naalala niya pala ito sa banyo na kanyang naiwan.

Sumangayon naman ang binata na si Areo, at sabay na silang naglakad patungo sa mga kasamahan nito.

"Teh! bat ang tagal mo!" Ika ni Beblona, at ang lahat naman ay naghihintay kung anong sagot nito.

"Ka-se nawa-la y-yun kwintas ko, kaya hinanap ko" sabi ni Sky.

"O sya sya mahaba pa ang pupuntahin kaya ,!! lets go!!" Sabi ni Topher, at sumunod naman ang iba.

Habang sila ay naglalakad napansin ni Sky ang biglaang pagtitig ni Chanler sa kanya, ng tignan naman niya ito agad naman umiwas ng tingin ang binata at bumusangot naman ang mukha, nagkapit balikat nalang ang dalaga sa kanyang nakita.

Ng dumating na sila sa Train Station, isa isa silang nagsiupuan kasama ang kanilang mga baby guardian at dahil sa first time ni Sky ng sumakay sa isang train, tinabihan siya ng binatang si Areo, pero ng mas kinagulat ng dalaga , ang pagtabi rin ni Chanler sa kanyang kaliwa.

Umandar na ang train patungo sa kanilang destinasyon, dahil silang lahat ay may suot na cloak na kulay white na may red and yellow ribbon, kaya sila ay agaw atensyon sa lahat ng tao na nasa loob.

************

"Sorry sa type errors× to the next chapter•

V
O
T
E

Frontier Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon