"3Rd Person's Pov,
Umupo ang dalaga katabi ang binatang si Areo habang kaharap naman niya ang dalawa na si Merma at Mark na magka holding hands.
"Eto kasi yun Sky, isa kanang Silver Royals dahil narin sa malakas ka, at ikaw lang ang nag iisang Nature Wizard ang nag eexist ngayon except sa father mo at iba pa kung may nag survive sa giyerang naganap, at wag kang mag aalala tutulungan ka namin para mas gawin kang malakas pa" nakangiting sabi ni Mark sa dalaga.
Tumango lang ito at parang na amaze, dahil narin sa nabibilang siya sa isa sa pinakakamalalakas na magical student sa Academya.
"Tara na late na tayo sa event" sabi naman ni Chanler na halatang bagong gising at naka busangot ang mukha.
Tumayo silang lahat at nag simulang nag silabasan sa silid.
Habang sila ay nasa labas, pinag titinginan sila ng mga ibang kauri nila dahil parang nabuo na ang dating nakaraan, magkasama ang pinakamalalakas na pitong Legendary Warrior na kung saan nawala dahil sa isang pangyayari.
~(meanwhile}~
Nag tipon tipon na ang lahat sa isang malaki at maaliwalas na lugar, may maraming nakalatag na upuan sa isang gilid kung saan doon uupo ang mga studyante, habang isang malaking gintong Templo ang nasa gitna naman, binabalutan ito ng isang barrier kung saan ni isa walang makakapasok , maliban nalang sa gagawin nila ngayon.
Dumating na ang lahat, at nag si upuan ang mga Silver Royals sa isang lugar na dapat lang sa kanila, nagsimula na ang Summoning, may isang babae na tumayo sa kanilang harapan at siya ang naging tagatawag isa isa sa mga studyante kung saan magsusummon sila, may malaking parang Tv screen sa harapan ng lahat, kung saan doon nila masasaksihan ang mangyayari.
"Crishel Leo" tawag nun babae, tumayo naman ang isang maliit na dalaga sa isang sulok at lumakad papuntang templo, nag simula na itong pumikit at may malakas na enerhiya ang bumabalot sa katawan nito, naghalong apoy,tubig,lupa, at hangin ang pa ikot ikot sa katawan ng dalagan, kunumpas niya ang kanyang nga kamay at ginawang isang bola ng enerhiya ang lahat ng elemento, pinapunta niya ito sa gitna ng magic circle ng temple at doon may malaking pag sabog ang naganap.
"Sky Pov,
Isang malaking pagsabog ang naganap sa loob ng temple at hanggang dito ramdam ko ang malakas na enerhiya nun babaeng yun.
"Possible bang siya ang Elemental User?" Tanong ni Merma na seriosong naka titig sa maliit na babae na nag ngangalan Crishel
Hmmmp may nabasa ana ako tungkol sa mga Elemental User, sabi doon bihira nalang ito sa mundo ng mahika, hmm possible kaya??
"Paanong!!" Biglang sambit ni Areo na ipinagtaka naming lahat.
"Bakit anong nangyari?" Pagtatakang tanong ni Topher.
"She summon the Golden Angel of elements or mastinatawag nilang Butterfly Angel" sagot ni Areo.
Nabigla naman kaming lahat sa nakakasilaw na liwanag na ng galing sa temple, at mas nakaka bigla pa ang pag pagaspas ng malaking paru parung pak pak na may ibat ibang kulay, nakita namin ang isang dilag na may suot na puting armor at para siyang isang warrior kung ituring.
"WOW!! Crishel Leo Summon the Butterfly Angel congrats!"
Pagkasabi ng announcer noon bigla nalang nawala ang babae at nag lakad na pabalik ng upuan nito.."Sandali saan napunta yun guardian niya?" Kasi pansin ko lang halos lahat may dalang mga maliliit na alaga samantala siya wala ni isa.
"Di moba nakita? Sabi naman ni Areo
Hello? Magtatanong ba ako kung nakita ko?!! Commonsense Areo please, sayang ang cute mo pa naman..
"Di eh"? Sagot ko.
"Ayon nakita mo yun na sa right arm niya (sabay turo) diba isang tattoo na dun yun nakatago, at mas lalo pang nakapagtataka parang alam niya paano kontrolin yun kapangyarihan niya, at ngayon ko lang siya nakita" sabi pa nito..
"Next is Topher Rock"
Announcer-Pumunta si Topher sa temple at nag simulang mag concentrate, lumabas ang kulay brown na aura sa katawan nito, at napansin ko na unti unting lumalabas sa lupa ang isang malaking lubo, and yeah wolf nga at ang laki nito kulay grey pa, at nagbigay ito ng matinding shockwave na ikinabilib ng lahat, nagpalakpakan kami, at bigla nalang naging baby wolf yun guardian ni Topher at kinarga niya ito..
Haay ang cute tuloy, parang si Aki lang, hmmm nasaan naman kaya yun pusa na yun ni Mark, maitanong nga
"Mark? Nasan si Aki?" Tanong ko
"Ahh, eh? Kasi pinabalik ni headmaster sa katawan ko, kaya ayun isu summon ko muli siya mamaya" nakangiti nitong tugon, ahh kaya pala nawala guardian niya pala yun ,di na ako nag iisip..
"Merma Aqua your next"
Announcer-"Good luck to me guys" sabi nito bago pumunta sa temple, ng makarating na siya at yun rin ang pag bagbalik ni Topher sa pwesto niya, tinignan ko ang baby wolf niya, at bigla itong nagalit hala! Anong ginawa ko.
"Halatang ayaw sayo yun guardian ni Topher" sabi ni Areo
"Oo nga eh, ang cute pa naman?" Lungkot lungkotan ko..
~Chuckle~
"Ou! bat ka tumatawa?" Tanong ko nito.
"Wala lang your cute kasi" sabi nito.
Ganun? NAMULA naman an lola niyo, alam niyo kasi katabi ko si Areo sa right at sa left ko si Merma na katabi naman si Mark at ang katabi naman ni Mark si Topher at ang nasa huli si Mr. Apoy Chanler.
Kaya binaling ko nalang ang atensyon ko kay Merma na ngayon ay nagkoconcentrate, tapos binalot siya ng kulay asul na aura at umiikot sakanyang katawan ang isang whirpool na tubig ang nice tuloy tignan, inipon niya lahat yun tubig at isa isang pinapakita ang katawan ng isang puting tigre, yeah White Tiger yun sakanya na may blue printed spots, hinalikan niya ito sa forehead at naging parang pusa namay apoy na kulay asul sa forehead nito,, ahhh super inggit ko na talaga ang cute cute talaga nila.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Next chapter..
(*^﹏^*)
BINABASA MO ANG
Frontier Magic Academy
De Todo"True Power came from what is the true Identity of the Person" Ito ay isang kwento ng babaeng pinag kalooban ng dalawang malalakas na kapangyarihan. "PERO" Mahirap isipin na kung saan mapupunta siya sa isang Academy na puno ng magic at kababalagha...